Search our site  

Advance Search    
               
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

Archbishop Gaudencio B. Rosales
Radio Veritas Interview
January 21, 2006

 

Q: What are your thoughts on edsa dos?

A: Kakaiba ang napapansin ng mga tao. Ang ating inaalaala ay ang pagkakapagpalit ng pamunuan na naganap sa pagkakaalam ng mga tao at pag-asa na magbabago ang ating bayan, magliliwanag ang ating kinabukasan. Parang ang pagdiriwang ng pag-asa noon at magaling at nabigyang daan ang pagdiriwang ngayon pero sa kabila ng lahat ang sinasabi sa dyaryo ay iba. Sa totoo ang pagdiriwang na yaon ng panahon ng ating kasaysayan ay isa pa ring daan ng pagasa ng mga tao na kanya nga at nagpalit ng pamunuan ay parating nag-aakala ang taong aalwan ang ating pamumuhay. Ito ay parang isang kudlo sa ating kasaysayan na mapakahaba pa ang ating tatahakin para maganap ang tunay na pag-iging pambayan.


Q: On Msgr. Ding Coronel

A: Binalak ang pagpapalit ng secretary general ng cbcp at ito ay parang kapanabay ng pagpapalit ng pangulo ng cbcp.


Q: Kulang na sampung taon ang kanyang panunungkulan sa cbcp

A: Parang ganoon nga, kung pagsasamahin ang kanyang pagkakapaglingkod sapagkat si Msgr. Hernando Coronel, Ding ang tawag natin sa kanya, ay may katagalan na naglingkod sa opisina ng mga Obispo ata marami siyang hinawakang responsibilidad dyan. Siya ay naging assistant Secretary General, tapos, naging in charge sa media communication ng cbcp at nito ngang last three years ay siya na ang humawak ng Secretary General.


Q: Kayo po ang kanyang arsobispo, mukhang binawi nyo na sa CBCP si Msgr. Ding?

A: Sari sari ang lumalabas na balita(laughter). Sa totoo lang, kapag ang isang tao o isang pari ay naglingkod sa isang institusyon kahit pa sa simbahan, siyempre siya ay binigyan ng kanyang arsobispo ng kapahintulutan o permission. Pero within that permission, pwede rin siyang tawaging muli para maglingkod na muli sa diocese, this is the real reason pero mayroon din naming ibang kadahilanan. Yung ibang mga sinisilip ng iba na parang may pagkukulang si Ding…wala naman, ang sasabihin ko sa mga tao.Wala. Hindi po totoo yang mga bintang o haka haka. Wala po. Mabait na bata yan, alam ko kilala ko yan, estudyante ko yan. He is a very good person. Siyempre, sampung taon na yon, pwede na siyang tawagin ng diocese para mabigyan ng ibang katungkulan. And another reason, hindi ko naman sinasabing ito na ang pakay ng bagong president ng cbcp …baka gusto rin niyang maglagay ng bagong mga kamay doon, hindi naman natin sasansalain yon. Pero ang sasansalain ko lang, hindi naman tama ang mga haka haka na ano ba ang nangyari kay Ding na para bang may ginawang hindi kaya-aya, hindi naman totoo yon.


Q: Archbishop, napakarami po ang talagang nagmamahal kay Msgr. Ding, nandyan ang ating mga kasamahan sa media, aba ay itinatanong nila, eh ano daw ba ang plano nyo kay msgr. Ding at ayaw nyo ng magpahiram?

A: Sabi ko nga sa yo si Ding ay matagal tagal na rin, kung di ako nagkakamali ay 17 years ng pari yan, minus 10 years, tingnan mo yan o, pitong taon siya…hindi naman nalalayo yan dito, magkakalapit lang dito sa aking office, dito naglalaro yan sa tapat namin, ano ha. Let’s put it this way, he has never been a parish priest. Siguro, maiparanas din natin sa kanya yon. Ang pari sa kanyang ministerial life, dapat makaranas naman ng parish life. Alam din naman ni Ding, napag-usapan na namin yan, he wants to experience din naman. Meron nga siyang sinabi sa kin niyan.


Q: Ang mensahe po ninyo sa ating mga kababayan?

A: Mga kapatid sa ating panginoong Hesukristo, mga mananampalataya, mga parating may pag-asa sa ating Panginoon. Ating hingin sa ating Panginoon ang liwanag upang magkasama sama tayong lahat, magkaisa isa, iisa ang pinupuntahan para sa ikabubuti ng ating mga kasamahan at kababayan. Alam natin na para umunlad tayo, sumulong at talagang makaabot tayo sa ating mga minimithi at hindi lamang tayo ang nagmimithi niyan, gusto rin ng Panginoon na tayo ay sumagana, tayo ay umunlad at may marating. Hindi po natin makakamit yan kung tayo ay watak watak. Dapat po ay nagkakaisa tayo at magkakaisa tayo kung iisa ang ating uunawain …ating pupuntahan. Ang tinatawag nating puntahin sa buhay na kung tawagin ay vision o pananaw sa ating buhay. Magkaisa tayo sapagkat ang lahat ng ito ay bigay ng panginoon, isipin natin na ang buhay na ito ay hindi bigay ng tao, atin pong alalahanin na ang buhay ay galing sa Panginoon at ang pag-unlad ay sa kanya rin manggagaling at ang liwanag ay sa kanya rin manggagaling. Hindi maaaring sisingitan ng panukala lamang ng tao. Pag tayo ay lumagi sa piling niya, ang liwanag nito ay ipapakita rin niya sa atin at unang una siguro ang pagkakaisa ng landas, kasama ang kapwa, kasama ang landas ng diyos makakarating tayo sa ating papupuntahan…magkaisa isa, magpakumbaba at disiplinahin ang sarili para ang ikabubuti ng kapwa ay ikabubuti ko rin at ang aking ikabubuti ay kasalo rin sa kapwa. God bless!

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter