Photogallery, click here
COMMEMORATION OF OUR LORD’S PASSION
Manila Cathedral Basilica
Intramuros, Manila
5:00 p.m., April 6, 2007
Fifty years ago, there was a book that swept the world. Written by Fulton Oursler, it was the best-seller at that time and sold millions and millions and millions of copies. The title of the book is “The Greatest Story Ever Told”. It was such a successful story – and it was made into a movie. The book is about the life of Jesus, told in contemporary language. I believe the book is still available in the bookstores.
But note the title of the book, “The Greatest Story Ever Told”. Ang Pinakadakilang Istorya na Isinulat – ang istorya ni Hesus. Matapos natin madinig ang Ebanghelyo ngayon, na walang isinasalaysay kung hindi ang pagibig ng Diyos, maaari rin nating sabihin na ito na ang pinakadakilang pagibig na isinabuhay. Mapapalitan natin yung pamagat na ibinigay ni Fulton Oursler na “The Greatest Story Ever Told”. We could now say, “The Greatest Love Ever Lived”. Na para bang pinagtugma-tugma ng Diyos. Pinakadakilang pagibig na naisabuhay ng sinuman.
Kung napansin ninyo, sa pagbasa ng Ebanghelyo – kung iyon ay sa Tagalog natin isinagawa – nagsara ang telon doon sa kabanatang patay na si Hesus. At para patunayan sa atin na ito na ang pinakadakilang pagibig na naisabuhay, binanggit pa ng Ebanghelistang si San Juan na patay na si Hesus, sinaksak pa siya sa tagiliran. At ang tinamaa’y puso, at lumabas ang tubig at dugo. Para sabihin sa atin na Jesus died of love. Ang huling sugat ni Hesus ay hindi sa mukha, hindi yung sampal ng mga kawal, hindi ang pako sa kanyang kamay. Ang huling sugat ni Hesus ay sa puso – luklukan ng damdamin ng pagibig. Maniniwala ako na ito na nga ang pinakadakilang pagibig na naisabuhay.
Now, because Jesus was wounded in the heart doesn’t mean to say that he – in today’s language – was broken-hearted. No. Tama yung sa puso – ngunit hindi “broken-hearted” pagkat pag sinabi nating “broken-hearted”, ang ibig sabihin ay bigo. Tinanggap ni Hesus ang sugat sa puso upang sabihi’y hindi siya bigo. Ibinigay niya lamang ang lahat. Tapos. Tapos na tapos na -- lahat. Wala siyang itinira. Ang wika nga, ang sabi sa Ebanghelyo – nung masaksak siya’t lagusan ang sibat, ang tumagos ay dugo at tubig. Wala nang dugo kaya tubig ang lumabas. Sabi ng mga doktor, hindi raw tubig yon. Pag wala nang dugo, ang lumalabas doon ay “pericardial serum”. Ayon sa mga doktor, ang dugo pala ay nababalot ng filament para dumudulas, malambot. In the heart, there is that filament, parang plastic membrane, nandoonyung pericardial serum. Ibig sabihin, mga kapatid, mga taong minamahal ng Diyos, ubos na. Naibigay na ng Diyos ang lahat – puso, dugo. Akala ni St. John, tubig. Ngunit, wala na. It was the greatest love ever lived.
Ganoon ba kalaki ang pagibig ng Diyos? Aba, may nagsabi, kung iyon daw lahat ng ginawa kay Hesus – yung buhay ni Jesus buhat noong siya ay isilang doon sa sabsaban; lumaking nananaguan sa ibang bansa, sa Ehipto; hinahanap ng mga madudungis na namumuno; pagkatapos ay nagbalik sa kanyang bansa; nabuhay at naghanapbuhay kasama ni Jose, na kanyang ama sa turing; tumutulong sa mga kapitbahay; nagpapaalaala sa kanyang mga kaibigan; hanggang noong lantaran siyang mangaral, inihalal siyang guro. Maraming lumalapit sa kanya; marami siyang natutulungan; maysakit ay kanyang ipinagagaling; mga siphayo’y kanyang binibigyan ng pag-asa; magulang ay kanyang sinasama. Kung may nagugutom ay kanyang pinakakain. May sakit, kanyang dinadamayan. Aba, hinahangaan siya. Halimbawa na lamang, sa kanyang pagtuturo, at pagkatapos may magagalit, may maiinggit sa kanya, at ang ipinataw sa kanya ay parusa. May nagsasabi, kahit na halimbawa’y si Hesus ay hindi Diyos – isip-isipin na natin, halimbawa’y si Kristo’y hindi Diyos, salungatin natin ang ating pananampalataya at si Kristo’y hindi Diyos. Kahit kanino man mangyaring tao yan, sasabihing napakabait ng taong yan. Sukdulan ang bait ng taong yan. Santo yan. Bayani ang taong yan. Bayani si Hesus. Nagkataon lamang na si Hesus ay hindi basta tao. Nagkataon na si Hesus ang anak ng Diyos. At ang anak ng Diyos na yan ang siyang tinuringan ng kanyang Ama: Bumaba ka na sa langit. Mula sa langit, bumaba ka’t pumunta ka sa lupa. Makipag-ugnayan ka katulad nila. Magpakatao ka. Iiwan mo ang pagka-Diyos mo bagamat Diyos ka. Bumaba ka at mamuhay kang parang katulad na katulad nila.
Aba, kapatid, sapat na pala na si Kristo, anak ng Diyos, ay pumayag maging tao siya. Isaisantabi natin yung sinasabi nating bayani yan, mabuting tao yan, santo yan, dakila yan. Put that aside. Yun lamang siyang pumayag na Diyos ay maging tao, ang lundag ay mas malaki pa. Hindi na natin maisip ang tao na nagiging hayop – pusa, aso, baboy, langgam. Ngunit mas malaki pa riyan yung lundag na ginawa ni Jesus – na mula sa walang hanggang Diyos ay siya’s magiging nilalang. At sabi ng isang manunulat, si Hans Fons Baltazar (?) – isang teologo, na hinangaan na rin ng ating kasalukuyang Papa – sabi niya, sa buong teolohiya, ito ang pinakamalaking lundag na ginawa ng Diyos. Greater than the greatest humiliation. Patayin ka, hubuan ka, hubaran ka – hinubuan si Jesus at ipinako. Yung kahihiyan na iyon – wala. Hindi maihahambing sa ang Diyos ay naging tao. Kahit siya’y hindi pinatay, basta yung ang Diyos ay naging tao ay napakalaking kahihiyan na. Napakalaking pagpapakumbaba. Ganyan ang nilundag ni Jesus. At higit pa diyan, pinatay pa siya. Dahilan lamang sa mahal niya tayo.
In the name of God’s love, the Second Person of the Trinity, incarnate as Jesus, lived to the fullest the commandment of love. Lahat ng itinuro niya kanya munang isinabuhay. Iyan si Jesus. Lahat ng kanyang binigkas, kanya munang naranasan sa sarili. Di yata ito’ng dahilan kung bakit ngayon ating inaalaala ngayong Biyernes Santo. Namatay si Hesus – he died out of love. Yan ang kanyang ibinigay sa tao. Yung kinahuhumalingan ng tao. Akala ninyo, akala ko pati, akala nating lahat, kung anu-anong hinahanap natin sa daigdig. Parating kulang. Bakit nga ba iyan ay kulang? Inaakala mong bahay ngayon, bukas-makalawa ang gusto mo ay mas malaking bahay. Akala mo meron kang bisikleta; mamaya, ang gusto mo’y motor. Mamaya ang hinahanap mo’y kotse. Bukas, malaking kotse. May kotse ka, gusto mo ng ikalawang kotse. Akala mo’y kumakain ka ng masarap, gusto mo pa mas masarap pa. Mas marami pa. Parating may kulang. Akala mo asenso ka na, bukas-makalawa kulang pa. Gusto mo pang umasenso. Walang katahimikan ang tao. Akala mo umangat ka na, may kapangyarihan – gusto mo mas marami pang kapangyarihan. Akala mo, umasenso, mas mataas pa riyan.
Kapatid, parating may kulang. Iyan ang karanasan ng tao – parating kulang. At tinuturuan tayo ni Jesus. Alam ninyo kung bakit ganyan – ang inyong kinahuhumalingan ay pagibig ng Diyos. May nagsabi pa nga, na nung nilikha ang tao, anuman ang kanyang guni-guni. Tingnan ninyo ang larawan ng tao, parating pagnilalarawan ka, hindi symmetric ang puso ng tao. Parating may kurbada sa ilalim. Bakit hindi symmetric ang tao, hindi timbang, parating mas lamang yung kabila, ang kanan kaysa sa kaliwa? Tingnan ninyo ang puso ng tao. Kung sa biology, para bang lamang yung kabila. Ang sabi’y iyon daw ay larawan ng kakulangan ng tao. Iyon daw kabila ng puso ay hindi tatahimik, pagkat yung kabila palang iyon ang karagdagan ay nasa Diyos. Di yata’t si San Agustin ang nagsabi, my God, my God, we will be restless – my heart will be restless – at mayroon siyang katuwiran magsabi – walang kapanatagan ang aking puso, Diyos ko, walang kapanatagan, walang katahimikan ang puso ko, hangga’t ito’y hindi nananahimik sa inyong piling. My heart will be restless until it rests on you, o God. Alam yan ng lahat ng mga santo, at alam ni San Agustin. Sapagkat siyang nakaranas ng lahat ng kabalbalan sa buhay bago siya nagpakabait. Kaya siyang makapagsabi sa atin, ganyan ang buhay ng tao, hindi tayo tatahimik.
Lahat walang tatahimik sa loob ng katedral na ito, hangga’t hindi niya natutuklasan ang katahimikan sa piling ng Diyos. At maging tao, maging Kritiyano, maging sinumang Pilipino – walang katahimikan hangga’t hindi ito’y hindi nakikita sa Diyos. Hindi ba ninyo nalalaman, maging sa ating bansa, maging namumuno sa atin. Pati akala ito’y ganito. Hindi tatahimik yan hangga’t hindi natutuklasan na ang katahimikan ay nasa Diyos. Hindi ba ninyo napupuna sa kapaligiran? Naghahanap-hanap ang tao. Ano’ng hinahanap ng tao? Kagabi, halimbawa. Nasa lansangan kayo – tayong lahat nasa lansangan. Nakita ninyo ang mga tao – umaagos. Sa lahat yatang taon, kagabi, at hanggang ngayon, agos ang mga tao. At ano’ng hinahanap ng mga ito? What are they looking for? Politicians? Hindi. Ang tao may hinahanap. Ang politiko, ang hinahanap ay kayo. Ang tao, ang hinahanap ang Diyos. Isipin ninyo. After this and you get out of this cathedral, you would see a continuation of the last few days. Why are the people here? What are they looking for? It is true that in the whole Philippines there are some who are vacationing in the beaches – merong ilang nagpapasarap. Yung mga may kaya, nagpapasarap doon sa mga resort, piknikan. Pero karamihang Pilipino, wala. Katulad ninyo. Anong hinahanap? Ang pangalan ng Diyos; iyong pagibig na dala ni Jesus. Hinahanap-hanap yan ng bawat tao. Ang tao, hanap Diyos. Ang politiko, hanap ay tao.
Mark that. Tandaan ninyo, pagkat hindi tatahimik ang sinuman. Wika nga ni San Agustin, hangga’t hindi tumatahimik sa piling ng Diyos. Itong ginagawa ng Simbahan, dahan-dahan kayong hinahatid sa piling muli ng Diyos. At ito na nga ang itinuturo – Jesus is precisely the formula for this. Angformula’y si Hesus. Walang ibang paraan kundi si Jesus. Walang ibang paraan para makapasok ng langit kundi si Jesus. Walang ibang paraan para maging maunlad kundi si Jesus. Walang ibang paraan para magkasundo-sundo ang lahat ng tao kundi si Jesus. Walang ibang paraan para magmahalan at magdamayan muli ang mga tao kundi si Jesus. Siya mismo ang nagsabi: I am the way, the truth, and the life. Ako ang paraan. Ako ang daan. I am the formula. I am the answer. I am the method. Ano pang hinahanap natin? Pinaaalwanan na niya.
Tayo lamang, hindi tayo makinig. Ito ang ginagawa ng Simbahan ngayon – sinusundan si Hesus. Kaya nga itinuro sa atin ang simple na pagpasok sa langit. At iyun pala’y pagibig din. He taught us that the way to heaven is love. Paano natin mapapatularan yan? Sabi niya, “Sa huling araw, magbabalik muli ang anak ng tao, titipunin lahat ng tao sa paghuhukom. Halina, pumasok kayo sa kaharian ng ama ng langit. Ako ay nagutom, ako’y inyong pinakain. Ako’y nauhaw, ako’y inyong pinainom. Ako’y hubad, ako’y dinamitan…” At kailan namin ginawa ito sa inyo? Ang sabi ni Jesus,”Ttutoong sinasabi ko sa inyo. Hangga’t ginawa mo ito sa isang katulad mong dukha, ginawa mo ito sa akin. Halina, pumasok ka. Gawa ng pagibig yan.”
To give something to those in need is a work of love. Pagibig ang magpapapasok sa atin sa langit. Kaya sinimplify ni Jesus yan. Simplification ito. Jesus is the simplification of God’s love. Jesus is the simplification of the way to heaven. And how simple is that? A cup of water could give you the way to heaven. At iyo’y pinatutuloy natin sa pagtuturo ng Simbahan. Ang mumu ng buhay, makapaghahatid sa inyo sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang modernong pagtuturo ng pagibig ngayon atin nang napamagatang “Pondo ng Pinoy”, iyong nagbibigay ng 25 sentimos araw-araw. Ano’ng halaga ng 25 sentimos? Wala kang mabili. Langit, kapatid, langit ang katumbas niyan. Makapagpapakain natin sa mga dukha. Ganyan ka-simple ang Diyos. Makikilala mo lamang ang Diyos, kapatid – talagang, pag nakilala ninyo ang Diyos – please, if you only know God in Jesus Christ – if you only know Jesus Christ, that he is God, you could believe me. He will simplify the way to heaven for you.
Unfortunately, there are many other competing interests. Competitions? Not Christ but Barabas. Pag hindi naman kompetisyon yan, ewan ko nga ba. Hindi ba, nadinig ninyo? Kristiyano tayo. Sumama tayo kay Jesus. Siya ang dakilang istorya ng pagibig na isinabuhay. Sabayan natin si Jesus. Ang laki na ng kanyang puhunan. Pagibig na isinabuhay. Pagibig na ibinigay. Accept it as a challenge. Accept the challenge of love. And in the end, love itself will be your reward. Tanggapin mo ang hamon ng pagibig. Pagibig ang gantimpala. We praise God, in other words, in Christ. Tanggapin mo ang hamon ng Diyos. Ang Diyos ay sasaiyo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
|