Photogallery, click here
PALM SUNDAY MASS
Manila Cathedral Basilica
Intramuros, Manila
8:30 a.m., April 1, 2007
Today, Palm Sunday, Holy Mother the Church enters what we call the “Holy Week” – SemanaSanta. And it is within the Holy Week that we have the triduum – the three most holy days in the celebration: Holy Thursday, Good Friday, and Easter Sunday.
As we begin the Holy Week, some people will begin planning for or actually going on vacation. But the Church, on the other hand, begins to reflect on the holiness of the event. It began with Jesus entering the city of Jerusalem, where he was met by thousands of people – praising him, glorifying him, singing “hosanna in the highest”, laying down cloths, throwing flowers and branches on the streets where the donkey would pass, with Jesus astride it. Praise to God in the highest!
Let us reflect on this gesture of the people. They were praising Jesus. They were glorifying him. And yet, not knowing fully well what they were doing and for what reason. Hindi nila masyadong nauunawaan yung kanilang ginagawa. They sang for Jesus, they praised him. Ngunit iyon palang papuri na kanilang ibinibigay ay hindi nila gasinong nalalaman. Ang akala nila ay papuri ang binibigay kay Hesus. Dahilan sa kanyang mga himala. Dahilan sa kanyang pagpapagaling sa maysakit. Dahilan sa kanyang pagpapakain sa mga nagugutom. Dahilan sa kanyang magandang pangangaral. Sa kanyang pagbuhay ng mga patay at pagyakap sa mga dukha at mga bata. It was at this level that they were praising Jesus.
Kapag pinupuri mo ang isang tao, dapat mong malaman kung bakit. Baka masyado mong ina-idolize siya, na parang Diyos-Diyosan, hanggang sa kanya ay maipataw mo ang iyong mga dahilan. Para bang “pupurihin kita para akoy may mapala”. Alam ninyo, ang ganyang papuri sa tao ay may katumbas sa panahon ngayon. Purihin mo ang isang tao; ano’ng ibibigay niya sa iyo? Purihin kita Hesus, ano ka sa akin?
Doon sila nagkamali. Sapagkat kung ganoon, para bang papuri sa tanyag lamang ang ibinibigay nila. Mayroong katumbas ang papuri sa tanyag sa mga araw na ito. Iyon yung mga parating nakikita sa dyaryo at sa telebisyon. Sa lebel na iyan nakilala nila si Jesus. On that level, they discovered Jesus. On that level, they knew Jesus. Only on that level – hanggang doon lang. Tanyag. Bantog. Pamoso. “Hosana sa kaitaasan! Pinagpala ka sa ngalan ni David. Hosanna sa kaitaasan!” Papuring hanggang doon sa lebel na iyon ng kanyang katanyagan.
Kapatid, ano ang masama sa ganoong papuri, na hanggang ngayon ay ating inuulit-ulit? Papuring hindi natin nalalaman. Bakit ba? Ito’y parating na sa dyaryo. Ito’y para sa telebisyon. Puri ka ng puri. Ano nga kaya, katulad ng nangyari kay Jesus. Sa lebel na iyon nakilala – on that level, the people sang “Hosanna in the highest!” Iniitsahan pa ng mga bulaklak at mga damo.
Ano’ng masama doon? Hindi nila nalalaman talaga si Kristo. Sa papuring ganoon, ipinapataw nila, ibinibigay kay Kristo ang gusto nilang mangyari. Wari ba’y ipino-programa si Kristo. They’re trying to put Christ there, where they want him. They’re trying to program Christ into their own way of praising. Kung baga sa computer ay para bang mayroon ng template, at dito ipapasok si Jesus. “Hosanna! Pasok ka rito, Hesus. Sapagkat kami’y kasama mo.” Ngunit sa tutoo lang – siya’y ginagamit ninyo.
Maraming-marami ang ganyan – naglalako ng sarili. Iya’y pinupuri. Itinitinda ang sarili. Nasa panahon tayo ngayon ng pagtitinda ng sarili. Makinig lamang sa radio – “Ako ang magaling”, “Ako ang pinaka – Ako’ng tanyag. Ako’ng marunong sa lahat.” Bakit natin pinupuna ito? Sapagkat masama ang manatili ka sa lebel na iyan. Napakasama yung iyong pupurihin ang isang tao nang hindi mo alam kung bakit. Iyon pala’y pino-programa mo siya sa buhay niya. Na parang sinasabi mong, “Pasok ka – sa mga balak ko.”
Bakit masama iyon, kapatid? Hindi ba ninyo alam na iyon ding mga taong pumuri kay Kristo, iyon ding mga taong kumanta ng “Hosanna sa kaitaasan, pinagpala ang napaparito’t pumapasok, hosanna sa kataas-taasan!”; sila rin pala ang magpapapatay kay Kristo. They will be the same people who will cry for the blood of Jesus. “Hosanna in the highest!... Crucify him!”
Well, this is a warning, a caution to us, as we enter the Holy Week. On the first day of this Holy Week, Palm Sunday, we sing “Hosanna in the highest!” We wave our palms, we march from the plaza to the cathedral, recreating in that short distance that we traveled, what happened to Jesus. But, of course, it’s alright to welcome Jesus – if we understand why we are doing it. Hindi baleng papurihan si Jesus kung nalalaman natin na ito ang magdadaan – na siya’y mahihirapan, pahihirapan, papatayin, at muling mabubuhay.
Kung may itinuturo ang Mahal na Araw, ang Santong Araw, Holy Week, it is this: We must have hope. Magkaroon tayo ng pag-asa. Basta huwag manatili sa papuri – sa papuring hindi natin naiintindihan. Papuring ipino-programa ang isang tanyag sapagkat kalimitan ay gagamitin lang pala natin yan. Hindi! Natuto na tayo sa nangyari kay Kristo. Mga Kristiyano, ating pangalagaan ang ating pananampalataya. Ang ating pagiging mabuting Kristyano’t mamamayan. Huwag tayong basta padadala sa papuri. Kilalanin natin ang taong nagpapakilala sa atin. Pumapasok, hindi sa lansangan at templo, katulad ng ating isinagawa, kundi pumapasok sa ating buhay.
Welcome Jesus in your heart. Sing to him the “Hosanna!” But you need to sing the real hosanna in your heart. Why? Because one day you will have your Good Friday also in your heart.
May Jesus give you the hope the inspiration to remain faithful and to sing the real PaterNoster – Ama Namin -- sa inyong puso. Huwag “Hosanna”, kundi “Ama Namin”, kung saan ang Diyos ay ginagawa nating Panginoon at hari sa buhay. Humihingi tayo ng awa at humihingi ng patawad. Sa Kristiyano, ang awit ay hindi hosanna at papuri, kundi paghingi ng tulong at patawad. In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. Amen.
|