Search our site  

Advance Search    
               
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

PONDO NG PINOY AT SIX!

(Homily delivered by His Eminence Gaudencio B. Cardinal Rosales, Archbishop of Manila during the Eucharistic Celebration for the sixth anniversary of Pondo ng Pinoy on June 19, 2010 at the Paco Catholic School Auditorium, Manila.)

 

Lubhang kagalang galang na Obispo Broderick Pabillo, kasamang obispo sa arkidiyosis ng Maynila; mga monsignores at kapatid na pari, kasama sa paghahandog ng eukaristiyang ito; mga madre, mga brothers, mga catechists, lay workers and leaders, mga teachers, kayong lahat.

Una, bago ko malimutan, isang kumusta at bendispyon galing kay Papa Benito XVI. Nakausap lang naming siya last week nung pagsasara ng Year for Priests sa Roma.  Ang bendisyon niya sa mga Pilipino pinadadala niya, pangungumusta sa inyong lahat at kanyang pagbabasbas. Kaya ngayong tinupad ko ang sabi niya, nasa inyong lahat ang pangungumusta ng Santo Papa at kanyang bendisyon

Ikalawa, ika-anim na taon na ng Pondo ng Pinoy. Ang bilis ng takbo ng panahon. Six years ago itinatag natin ang Pondo ng Pinoy o ipininatatag ng Panginoong Diyos sa Archdiocese ng Manila itong kilusang tawag ay Pondo ng Pinoy. Ito ay hindi basta proyekto;  ito ay stilo ng buhay, higit sa programa ng pangongolekta. Para bang ibinigay sa atin ng Diyos ang isang paraan para makamtan ang ligaya ng lahat. Ito'y isang grasya na bigay ng Panginoon. Natatandaan ko sa isang kuwento, ewan ko kung ito ay totoo o hindi. Mayroon daw mag-asawang binigyan ng pagkakataon makapaghiling sa Diyos at sinabihan, “Kung tutuparin niyo ito, ibibigay ko sa inyo isang malaking gantimpala, biyaya.” Tinupad ng mag-asawa kaya sila ay humarap sa kinatawan ng Diyos, kay San Pedro na nagsabi, "Ano ngayon ang gusto niyo? Dalawang bagay lang ang mahihingi niyo."  Siyempre yung babae gusto yumaman kaagad. Ang gusto naman ng lalaki, lumakas na parang leon. "Gusto ko ay maging isang leon!"  Ay at bigla siyang nagkabuntot! Isa na ang biyayang nahingi! Nag-aaway yung dalawa, "ayan nagkabuntot tuloy ako," sabi ng lalaki. Aba ay gusto pa ba ng babae na yumaman pa? Hindi! Ikalawang biyaya, maalis ang buntot. Nawala ang dalawang pagkakataon nila. Paghumingi tayo ng biyaya sa Diyos pagagamitin natin ang husay. Nagmamadali kasi sila, eh.

Kapatid, ang Pondo ng Pinoy ay biyaya ng Diyos. Huwag tayong nagmamadali katulad ng lalaki  sa paghingi natin ng biyaya ng Diyos gamitin natin ang Pondo ng Pinoy sa ganito, hindi tayo magkabuntot, at ang ikalawa ay ang maalis ang buntot.

Ang Pondo ng Pinoy ay nagkaganito, nauna ito kaysa bisyon (vision), anachronistically (anachronistic-sala sa panahon). Dapat logically, ang hiningi muna ay ang pananaw, ang vision. Ngunit nung 2004 pagdating ko dito at nabulaga tayo sa situwasyon sa kamaynilaan--napakadaming dukha, napakadaming walang bahay, napakadaming squatter, napakadaming may sakit. Kaya't alam natin na ang pananaw ay dala-dala na natin, ang unang sinimulan ay ang Pondo ng Pinoy bilang isang paraan ng pamumuhay ng Kristiyano. Yun po ang ginagawa natin ngayon, anim na taong nakaraan, napakadaming participante, napakadaming biyaya. Sasabihin ko na sa inyo, napakadaming biyaya na ipinagkakaloob ng Panginoong Diyos sa Pondo ng Pinoy. Hindi lamang mga taong naniniwala sa puntain ng Pondo ng Pinoy kung hindi napakaraming taong araw araw nagsusubi at nagsisintabi ng kahit ng isang maliit na tinapay o  ang kaugnay nito na beinte singko sentimos kung ano man ang mas maliit pa diyan.

Kaya ngayon ating pong ipinagdiriwang itong biyayang ito at sa pagdiriwang natin ng biyayang bigay ng Diyos natatandaan natin na ang  Diyos ay napakabait sa tao. Kung minsan, nalilimutan natin yung katotohanan at ang ating natatandaan lamang ay ang karahasan ng tao. Kalimitan natatandaan atin ang karamutan ng tao. Kung minsan natatandaan natin yung pamumuna ng tao. Kung minsan natatandaan natin yung mga tao ay walang nakikita kung hindi ang masama at katakut-takot na puna ang ibubunton. Alam niyo, kung ginanyan tayo ng Diyos, walang Kristo. Pero maraming tao ganyan pa ang paningin. Hindi tayo ang kasama nila kahit ano pa ang sabihin ng namumuna.  Ang ating ibinibigay sa tao ay si Kristo at ang kanyang pag-asa. Alam niyo pag may mga taong tubog sa hanapbuhay na ganyan na manira ng kapwa tao, maging sila ay nabubulagan.

Ngayon na tayo ay nagdiriwang nitong payak maliit na paraan para ipamahagi ang kabaitan ng diyos, natatandaan natin na ang diyos ay mabait sa tao. Bakit nagkakaganito ang tao? Bakit nagkakaganito tayo? Sapagkat hindi natin matalastas ang kabutihan ng Diyos. Hindi natin maisip na tayo ay mamahalin pa ng Diyos kahit ganito ang ating ugali. Ang ginawa ng Diyos ay ginawa niyang mas payak ang pagkilala at paglilingkod sa knaya. He made loving, serving God simpler at isang ginamit niya ay ang Pondo ng Pinoy. Ito ay hindi nating imbesyon. Ang nilalaman ng Pondo ng Pinoy ay matagal ng ipanangaral ng Diyos Ama sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Lamang nakikita natin ang ibinubunga nito sa pamamagitan ng iniisip ng tao.

The first thing  we learn from Pondo ng Pinoy is that God in his goodness has allowed us to share in that gooodness even in the midst of pain, even in the midst of hunger, even in the midst of homelessness. Ang unang ipinalaala sa ating ng Pondo ng Pinoy ay sa kabaitan ng Diyos kanyang ipinahintulot na tayo ay makibahagi sa kabaitan Niya kahit tayo ay niligid ng problema at sabi pa ng iba ay walang pag-asa. Makinig tayo sa kabuuan ng catechesis o pagtuturo ng Pondo ng Pinoy.

Ang Pondo ng Pinoy ay parang ikalawang paglikha. I will say it's a second creation. Likened to a second creation waking us from what appeared hopeless and poor. Ang Pondo ng Pinoy ay parang ikalawang paglikha na dito ay pinupukaw tayo, ginigising. Kahit na sa gitna ng kahirapan may lilitaw ng pagasa pag mayroon isa o dalawa na nangahas na gumawa ng mabuti. Kahit maliit na mabuting gawin natin, magbabago ang situwasyon. Walang ibang maisusulat na lalaban diyan at marami pang sumulat ng palaban diyan nguni't ang ating paniwala ay simpleng paggawa ng mabuti magbabago ang kapaligiran. Pasalamatan natin ang Panginoong Diyos. Salamat sa Diyos at mayroong bagong pagkagising, bagong awareness.

The littlest act of love can amount to much goodness. Pinakamaliit na gawaing mabuti ito ay darating sa malaking pagbibigay at kabaitan sa tao. The littlest acts of love can dismantle all disbelief and make brothers and sisters of would be enemies. Isang maliit lamang kagaya ng ngumiti ka sa kapwa, makapagbabago. Kakagaling lang namin sa Roma dumaan kami ng Holy Land at yung bansang iba ang paniniwala, mga Muslim countries. Dumaan kami sa Jordan at sa Dubai. Kakaiba yung bihis ng mga tao, yung suot. Siyempre iba ang tingin nila sa atin, lalo pa't naka-cross ako dito, medyo ng itinago ko pa nagbahagya pero aninag din. Pagkat bawal duon ang krus. Habang nanduon, yun palang ngumiti ka, binabawian ka ng ngiti. Ito, talaga, nung ngumiti ako,--siyempre pag hindi mo binati, maasim ang mukha, maganit, pero do the littlest acts. Sinubakan ko ito, kahapon. Aba ngumiti rin sa akin yung kasalubong ko. Tignan niyo yon! The littlest acts of goodness can dismantle disbelief. Kanya tama yung kasabihan ng Pondo ng Pinoy. Ano yung sinasabi natin sa Pondo ng Piinoy? Sabay-sabay. Ano yon? ANUMANG MAGALING KAHIT MALIIT BASTA'T MALIMI AY PATUNGONG LANGIT.  Huwag niyong kalimutan iyan. malaking bibliya ang hawak hawak niyan. At pagdadinig niyo iyang awit na yan, inaawit ng mga bata, puede ba may hihilingin ako? Puede akong makahiling sa inyo? Basta kinanta ng mga bata iyan, pagdating sa verse na iyon kahit hindi niyo saulado ang buong kanta ay (he proceeds to sing) maski iyan lang. Maliit din ang hiling ng Diyos. Gagamumo. Pasalamatan natin ang diyos pagkat ginising tayo, pinukaw tayo sa katotohang ang malilit ay magdadala sa kabutihan.

With Pondo ng Pinoy setting the stage for commonality where there are sharers more than owners, with its catechesis reminding all that we do in the world of the littlest goodness and love of fashioning all these, no matter how casual, basta’t magaling ay patungong langit. Yan ang turo sa tin. Maliliit na bagay.

We believe that in Pondo ng Pinoy what we do everyday in the name of love for God and compassion for the poor, no matter how incidental, will surely shape our destiny. Naniniwala tayo dito. Gawin niyo para sa pag-ibig ng Diyos at sa diwa ng pagtulong sa ating mga kapatid na may karukhaan, ito ay dahan-dahang huhubog sa atin sa ating kahihinatnan, langit na ating bayan.  With the catechesis on PnP every little good deed will be rewarded.  Ito ang sabi ng Kawikaan 14:14: Ang masama ay binibigyan ng kanyang kaparusaan, ang magaling ay tatanggap ng kanyang gantimpala. “The miscreant will reap the reward of his conduct; and the good the reward of his deeds”.  (Proverb 14:14)

God has revealed to us in the manner we do good things everyday.  Nothing will be lost, none taken for granted, for as long as we do good in God’s love, absolutely nothing will be discounted. Basta ito pala ay ginawa natin para sa pagmamahal natin sa diyos walang mawawala. Kuwentado iyan sa langit. Basta ikaw ay gumawa ng mabuti, iyan pala ay nakatala na sa langit. Hindi mawawalan ng gantimpala. 

Pondo ng Pinoy does not only teach this, it motivates people to do and to live in this way. Tinuturuan tayo nito. Akala niyo maliit na bagay ang magsubi ng isang mumu, halagang diyes sentimos. Hindi. Hindi ang pera ang binibilang kung hindi yung antas ng inyong espiritu na marunong kayong magisangtabi ng isang bagay para sa kapwa. Hindi ito mawawala sa diyos at hari manawari hindi ito magkukulang para sa inyo sa katapusan. Kahit anong sabihin ng tao na matalas pa ang bibig kaysa labaha, sa razor, huwag niyong kalilimutan ito, may taong ganyan sa ating lipunan, maging sa ating simbahan may ganyan mga tao-- huwag niyong kalilimutan ang turo ng Pondo ng Pinoy. Dito tayo hinuhubog magpakababa at pakumbaba matutong gumawa at mabuhay ng ganito.  Pondo ng Pinoy is not a mere project or program, let us pray that Pondo ng Pinoy becomes our Filipino Christian way of life.Pagisipan lang niyo ang mga maliit na bagay na kaya niyong gawin, ito ang turo ng pondo ng pinoy.

The second thing we learn is that there are simple and little things we can do in life. Merong mga bagay na magagawa tayo, simple, payak.  Added to these little things we are capable of living with, Pondo ng Pinoy reveals that everyone does little good things for the same motivation of loving God and helping a neighbor.  Sabi niya itong malilit na bagay na ginagawa ngayon yun daw basta ang motivation ay magmahal sa Diyos at dumamay sa kapwa, pag ginawa pla ito, ito ang mga “artificial divides” (or division) in our lives collapse. Paliwanag natin iyon.  Pag sa kasimplehan ng ating pamumuhay ay  ginawa natin, yung artispiyal na dibisyon ng buhay ay nawawala. 

In Pondo ng Pinoy there will be no dividing line between a high-walled property and a simple kubo dweller. Kung ang inyong bahay ay naliligid ng mataas na pader, gumawa ka ng mabuting maliliit na bagay at yung kapitbahay mo, maliit ang bahay, tatlong kilometro ang layo sa inyo, walang dibisyon, walang bakod, gumuho yaan, no difference between the rich resident of a gated subdivision and an ordinary space rented dweller. Malaking pagkakaiba sa biglang tingin sa isang pamilyang nakatira sa isang subdibisyon kung saan bilang na bilang ang tao, di numero ang mga sasakyan, at sa isang taong nakatira sa gitna ng siyudad, malayo, walang tinitirahan kung hindi isang espasyo, may kasosyo pa siya sa isang higaan, isa tutulog sa gabi, isa tutulog sa umaga.

Mag Pondo ng Pinoy ka, mawawala ang dibisyon. Bakit? Pareho kayong naniniwala sa diyos na nagtuturo guamaw ka ng maliit na bagay sa ngalan ng pagmamahal at yung isang walang matirahan ay gumagawa rin ng gayon, walang diperensiya sa inyong dalawa. Iisa ang tunay niyong bayan, pagsasaluan ang kaharian ng Diyos. Lumalalim ang turo ng pondo ng pinoy kanya nga ang hatol sa inyo ngayon, ngayong pa sinasabi ko sa inyo, ito ang payo ko say inyo. Ang Pondo ng Pinoy ay hindi isang bagay saglit ginagawa. Nagbigay ako ng diyes tapos na na. Hindi. Ang Pondo ng Pinoy ay isang uri ng pamumuhay. It's a way of life. Ito ang dahilan kung bakit ang Pondo ng Pinoy ay patuloy ang catechesis. Kanya kayo ay pumaparito, muling binubuklat, muling inuungkat ang yaman ng mga katotohanang mabuti't banal sa loob ng Pondo ng Pinoy tuwing ... kelan nga iyon? Nalimutan ko na. Tuwing? (audience shouts: “First Saturday.”). At salamat sa inyo na kayo ay hindi nagsasawa at ipinapangampanya pa niyo na balikbalikan ang yaman ng katotohanan at kabanalan na ipinapamahagi ng Pondo ng Pinoy.   For as long as anyone can do a little good things a day, either rich or poor, all divisions fall and everyone feels safe in the big love and peace that little acts of goodness builds.  That is what Pondo ng Pinoy teaches.

Alam niyo, ang intsik, ang mga Chinese ay may kasabihan. Napakayaman talaga ng turo ni Confucius. Sabi niya: “You want to be safe?” Gusto niyobang maging ligtas? Ang sabi ni Confucius, "Alagaan mo ang iyong kapitbahay." Hindi niya sinasabing magposte ka ng guwardiya. Ang sabi niya,  “Mahalin mo at alagaan ang iyong kapitbahay.” Ungkatin niyo ang yaman na iyan pag-uwi niyo, at bumalik kayo dito next month, First Saturday, at inyong pagsaluhan ang yaman ng sinabing iyan. You want to be safe, take care of your neighbor. At tignan niyo, kung ito ay inyong maiuugnay sa turo ni Hesus. Ngayon pa, hinahamon ko kayo, humanap kayo sa salita ni Hesus na maiiugnay niyo sa sinabing iyan ni Confucius, bibigyan kayo ni Msgr Gerry Santos... Gerry bibigyan mo yung may tamang sagot sa next First Saturday. Humanap kayo ng yugto sa salita ni Hesus na kaugnay na sinabi ni Confucius, kung gusto mong maging ligtas, alagaan mo ang iyong kapitbahay.

The third thing that Pondo ng Pinoy teaches is that God allows great things to be done in love by little people. Turo din yan ng Pondo ng Pinoy. Dahil namihasa kasi tayo na ang malaking gawain ay gawa kailangan ng mga maginoo, matatalino, mga doctor, mga pilosopo, mayayaman, lider. Ang turo ng Pondo ng Pinoy, “Great things can be done by little people.”  Can you believe what you hear that big things can be done by little beings? Mayroon yan, pero, sa banal na kasulatan, unang aklat ng bibiliya, Henesis, duon pa ay sinabi na ng Diyos ang mga binhi ng ganitong katotohanan. Makagagawa ang lahat--hindi sinasabing iilan ng marurunong--makagagawa ang lahat ng dakilang bagay. Bakit? Sapagkat duon sa unang aklat sinabi ng Panginoong Diyos, lalalangin natin ang tao na kawangis natin. Gagawin natin ang tao na katulad natin, alalaongbaga, yung gawain ng Diyos na pinakadakila ay kayang gawin ng sinumang tao. Magmahahl, yes. Magturo, yes. Magpakain, yes. Magpatuloy, yes. Magpakita ng mabuting ugali, larawan ng Diyos, yes. Umisip kayo na mayroon ang Diyos, na hindi magagawa ng tao, na hindi masasalarawan ng tao.

Yung paglikha ng mula sa wala, hindi kaya gawin ng tao, pero matapos mapapauhanan ang tao ng daigdig, puede mapahintulutan ng Diyos na ang tao ay gumawa rin sa pagtuklas. Sapagkat siya ay tao? No. Sapagkat siya ay likha ng Diyos. At dito ay makikita ang mga likha ng tao, radio, telepono, computer, ipod, ipad, ay lahat na yata na hindi niyo akalain. Eto ikukuwento ko sa inyo isang karanasan ko nitong pagbiyahe ko. Hindi ko akalain na ako ay makasakay sa PINAKAMALAKING eropalano. Kung humahanga na ako duon sa 747, yung nasakyan naming eroplano sa Dubai nagkataong biyahe sa pupuntahan naming, yung bang Airbus 380 na talagang, double ng Airbus 320, doble tuloy-tuloy hanggang sa buntot. Dito sa eroplano na ito kami inilagay, yung mga kasamahan kong pari, hanga kaming lahat. Akala ito ay likhain ng tao. Basta ang tao ay nilikha ng Diyos, binibigyan ng Diyos ng karapatang yung biyayang ibinigay sa kanya, katulad ng katalinuhan, karunungan, lakas, guniguni at lahat ay siya ay gagawa ng ganito. Saan nagmula ang unang pagtuklas? Sa engineer, mga scientist, gumawa nito? Hindi. Sa Diyos na lumikha sa kanila.

In the Bible this is said this way that God will make man in his own image and likeness (Genesis 1:26).  Have you seen a hydroelectric dam two kilometers long and nearly half a kilometer high producing enormous amount of electric power; or have you flown in a gigantic airplane two stories inside and flying dozens of tons of passengers and freight?  And you will claim these as human inventions, yes.  But the truth is that all were initially created, including man.  Let us call it “second creation” for even the inventors were God created.  But the wonder that PnP teaches is that little acts of goodness can be done, allowed by God and inspired by Him and completed in the little acts of goodness, by ordinary and even less than ordinary people, like you and me.

Akalain niyo, sa loob ng anim na taon hindi ko mababaybay lahat. Akalain niyo ay inyong maliit ng 25 sentimos o piso, limang piso, akalain niyo hindi ko makuwenta, ilang daang libo nga malnourished ang napakain natin. At the moment I have not counted this. Hindi ko na mabilang. Hindi ko na isinasama dito yung malalaking bagay na nagawa ng inyong 25 sentimos, yung napag-aral, napagamot, yung nabigyan ng puhunan. Mga bahay na napagawa. Wala naman ito sa ating guniguni nung ipahintulot ng Diyos na itatag ang Pondo ng Pinoy... na hindi natin ipinamamalita, eto nga't hindi ko na mabilang. na ito ay ipinahintulot ng idyos na mangyari dahilan sa inyong pagtuturo, pagaaral sa inyong pangagalat ng maliit na bagay ay puede palang umani ng malaking pag-ibig sa Diyos, na ang nagbibigay ay katulad din ng tumatanggap. Lahat ay nakikinabang sa pagmamahal ng Diyos. Magbigay ka tumatama ka sa Pondo ng Pinoy. Tumanggap ka, tumama ka sa pag-ibig ng Diyos. Ito ang napakalaking turo sa atin. Ito ay hindi intensyon ng Pondo ng Pinoy. Ito ay matagal nang ipinangangaral ng panginoong Diyos. Binigyan lang tayo ng bagong kamalayan na ito pala ay maaaring gawin ng simpleng tao katulad niyo. Ito ang ating dapat pasalamatan.   

This is what we celebrate in memory this day. We glorify God. God has been so good that he allows us to build in the littlest way possible, but in great love for God and neighbor, the world he wants us to live in.  A place where all are brothers and sisters. Dahan dahan na natin ginuguho yung “the great artificial divides.” Kung minsan ito ay nakikita sa wall ng mga bahay, hindi lang. Ang great artificial divides ay nakikita rin sa ating pinupuntahan, mga malls. May mga taong hindi makapamili sa malls, ang kanila ay sa wet market, sa ukay-ukay. May iba diyan hindi sumasakay sa kotse, LRT o tricylce. These are great divides.

We are unconscious of them now, pagkat sari-sari ang kumptensiya ng mga taong mas marunong kaysa atin, nalilinlang tayo. May mga great divides, artificial divides. May mga taong, halimbawa, na hindi makapagaral sa malaking pamantasan, hindi kayang bumayad ng ganoong kalaking matrikula, kaya nasaan sila? Sa free day care. Alam niyo na ang daigdig na pinupuntirya ko. Ito ang turo ng Pondo ng Pinoy. Hindi sila kinasusukaklaman, pero kaya nating paguhuin yung mga artificial divide. Ang unang step, mag- Pondo ng Pinoy. Lahat pantay pantay. Bakit? ang mayaman ay hindi taga-may-ari; ang wala, hindi sila mawawalan. Patas ang daigdig pag lahat ay natuto sa katotohanan at kabanalan na itinuturo ng Pondo ng Pinoy. Ito ang isang magandang bigay ng Diyos na larawan at biyaya sa atin. Angkinin natin ito. Salamat sa Diyos at nagsimula na kayo. Pagpalain ang lahat ay mayroon tayong bigay ng Diyos, ang Pondo ng Pinoy. God bless.    

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter