SA ORDINASYON ANG SIMBAHAN ANG NAGDIRIWANG
Homily delivered by Archbishop Gaudencio B. Rosales, D.D., Archbishop of Manila during the ordination of Rev. Fr. Reginald Malicdem at the Manila Cathedral on September 8, 2004 at 9:00 a.m.
Bishop Soc Villegas, bishop of Balanga
Monsignori,
Reverend dear Fathers,
Reverend Sisters in Christ,
Friends, those who love the priesthood who are here in this Cathedral this morning,
Relatives of Rev. Regie,
Mr. and Mrs. Malicdem,
The family brother,
All of you so beloved to Jesus Christ,
Magandang umaga po sa inyong lahat. Ipahintulot nyo na para maramdaman ko ang sinasabi magta-tagalog ako. Hindi ko ibig sabihin na sa English, hindi ko maramdaman. Kapag tinagalog ko ay na-na-namnam ko talaga. Talagang nakatuon sa puso kaya ipahintulot nyo sa ating pagninilay ay gamitin ang salitang tumitimo sa puso ng bawat isa sa loob ng Cathedral na ito.
Ang bawat ordinasyon ay simbahan ang nagdiriwang. Hindi isang pamilya. Hindi pamilya lamang ng Rivera at Malicdem. Hindi isang parokya. Hindi lamang parokya ng Angono. Nabalitaan ko nagsara na yata ang palengke sa Angono. Narito raw lahat ang mga taga Angono ngayon. Kaya binabati naming kayong lahat at paalala lang po, hindi kayo lamang ang nagdiriwang. Not only the people of Angono are celebrating in an ordination. Sino ang nagdiriwang? Ang buong simbahan. At hindi lamang ang Arkidiyosesis ng Maynila ang nagdiriwang. Ang buong simbahan na itinatag ng ating Panginoong Hesus Kristo. Bawat pari, bawat ordinasyon ng pari ay pagdiriwang ng simbahan. Kaya ginagawa natin ay malawakang pagdiriwang. Ang isang pari ay biyaya ng buong simbahan. Niliwanag ito ng mga dokumento ng simbahan. At sinasabi sapagakat ang pari bagamat galing sa pamilya ng Rivera at Malicdem, ang pari ay hinihirang galing sa simbahan, sa simbahan at para sa simbahan. Kaya maliwanag ang pananaw ng simbahan sa bawat pari. Tayo’y hindi para sa ating sarili. Tayo ay para sa simbahan. At yan din nga ang diwa ng ating pagdiriwang ngayon. Ang buong simbahan ay nagdiririwang. Kaya naman bagamat ang Obispo lamang at ang pari ang magpapataw ng kamay sa ulo ni Rev. Regie, mamamaya aking hihilingin sa inyo at ituturo kung saang yugto ng ating ordinasyon kinakailangang kayo may bahagi. You have a role in today’s ordination. Sasabihin ko sa inyo mamamaya. Lahat ng nasa loob ng simbahang ito kasama sa dalangin ng ordinasyon.
Napakaganda ng piniling araw ni Rev. Regie. Araw ito ni Maria, Ina ni Hesus. Araw na pinakapili-pili ng Diyos na maging Ina ni Hesus, dakila at unang pari. Sinasabi nila na sa pagiging ina, huwag na nating pagnilayan ang kabanalan ng pagiging ina at maliwanag na yun at sa ibang pagkakataon natin pagnilayan ang kabanalan ni Maria. Yung pagiging ina ni Maria, yun ang ating pagnilayan ngayon. Sapagkat ina siya ng lahat ng pari, espesyal na ina ni Regie mula mamaya.
May kasabihan sila, at ito. Kapag ang isang tao, ang isang sanggol ay isinilang ng kanyang inay, ang sabi nila ay isinisilang din ang isang ina. Kapag ang isang bata o sanggol ay isinilang na isang babae, dalawa ang isinisilang, ang sanggol at ang inay. At bawat pagkakataon na ang babae ay magsisilang ng sanggol, kung tatlo ang maging anak niya, tatlong ulit siya ay nagiging ina. Ewan ko kung nakikinig ng mahusay ang mga inay na nasa loob ng cathedral na ito. If you have given birth to an infant, one child, two children, three children, four children, you have been born four times as a mother. Bakit ganun? Sapagkat walang babae na ipinanganak na inay. Uulitin ko, walang babae na ipinanganak na inay.
Ang pagiging ina ay di lamang sa pagluluwal ng sanggol. Kaya nga kapag nagluwal ang isang babae ng sanggol antimano, siya’y inay. Ang ibig sabihin ibang pakikitungo sa hawak hawak niya, kandung kandungan niya. Ibang pagtingin, ibang pagtanaw, ibang pagkupkop, ibang pagyakap. At mamamya ibang pagsasalita. Ibang higpit, ibang luwag ng pagkupkop ng bata. At ang mga inay lamang ang makapagsasabi niyan. Those who have been in child birth, they have the right to speak to us this way. Gusto ko sana ang yugtong ito, dapat ipakita ng mga inay. Ibang pagkilala, ibang pag-unawa, luwag magpatawad, handang umunawa, handang tumulong, handang dumamay…isinisilang ang isang ina.
Sa pagsisilang niya ng isang anak, ito si Maria. Isinilang siyang inay nuong isilang niya si Hesus. Bakit nagsisimula tayo nito? Sapagkat araw ni Maria ngayon. At ikaw Rev. Regie, ginusto mong isilang ng panibago. Oo nga’t isinilang ka ng nanay mo at nandiyan sa likod mo. Ibang pag-iral yan. Ibang pag-iral. Pag-iral na makatao. Hindi ko sinasabing walang kuwenta, hindi. Regie, may dala-dala kang yaman na binigay sa iyo ng nanay mo at ng tatay mo. Sabihin natin yung magandang halimbawa. Yung pag-aalaga nila sa iyo, yung pagtuturo sa inyo. Ganito anak ang pakikitungo sa tao. Yan ang dala-dala mong puhunan galing sa pamilya ng Rivera at Malicdem. Pero yung makataong pakikitungo, ginawa ka pa ngang kristiyano, dinala ka ng tatay at nanay mo sa simbahan sa Angono, bininyagan ka at ang sabi mo sa akin si Fr. Matan ang nagbinyag sa iyo. Anong ginawa niya? Mula doon sa lebel ng magiging inay ng tatay at nanay mo, pagiging magulang, ini-anak ka at ibinigay kay Kristo. Upang panibagong paghuhubog. Upang panibagong pag-uunawa. Upang panibagong pagmamahal ang ituro sa iyo sa pamamagitan ng salita ng Diyos, sa pamamagitan ng sakramento. Ulit ulit na ginawa iyun. Hindi ka pa pumasok, ni wala pa sa isip mo na magpapari ka.
At ito naman mga kapatid sa pananampalataya ito ang ginagawa sa inyo. Tuwing papasok, sasama sa misa, papasok sa simbahan, hinuhubog kayo. At hindi pa nga tapos ang paghubog na iyan. At hindi maaring matapos sapagkat maraming kulang sa ating pag-unawa. Araw araw nagbabago ang ating karanasan. At tumatawag ng bagong paghubog. Huwag nyong akalaing tapos na. Hind matatapos ang paghubog sa tao. Kung kaya pag huminto ka ng paghubog sa’yo, hihinto ang pagsulong mo, hihinto ang kaunlaran maging sa lupang ito. Kaya Regie at mga kasama ngayon sa pagninilay na ito, ikalawang yugto ang yan ng buhay ni Regie. At yan kasama po nyo siya. Hanggang ngayong sandaling ito, kapantay nyo siya. Bagamat diacono na siya.
Mamaya kapag napatawan ng kamay ng Obispo’t mga pari at ipagdasal niyo na lukuban siya ng Espiritu Santo, magiging iba ang pag-iral diyan. Hindi lang makatao, hindi lang maka-kristiyano, pag-iral na maka-pari. At dito ina mo si Maria na hind pangkaraniwan. Kung sa mababang yugto ang ina mo ay nasa likod mo ngayon, mamaya pag lukob ng Espiritu Santo si Maria ang magiging ina mo. Inang espesyal. Ibang pag-iral. At bakit nagkakaganun? Ito, ito ang mahiwagang buhay ng mga pari. Kaya humihingi ng ibang tagapamagitan. Bakit alam ng lahat na gusto mo akong pari? Ngayon matutupad at dalangin at kagustuhan mo at ang kagustuhan ng Panginoong Diyos magtatagpo at magsasagupa iyan, iisahin. Sa ordinasyon na ito, hinirang ka at sa pamamagitan ng ordinasyon lulukuban ka ng Espiritu Santo. The whole spirit will come upon you. Lulukuban ka ng espiritu. Hindi lang lalantingan ka, lalapatan ka, papasok sa buong pag-iral mo ang espiritu santo. Magiging sagisag lamang ang pagpapataw ng kamay. At ang hindi nyo nakikita mga kapatid sa pananampalataya sa loob ng cathedral na ito, ang hindi nyo makikita at hindi ko rin makikita. Ngunit mararamdan ko at ni Regie at kayo na bababa sa kanya at lulukuban siya ng espiritu santo. Papasukan ng espiritu santo ang buo niyang pagkatao. Ang buo niyang pagkataong pag-iral. Hanggang sa siya matatakan ng hindi nyo nakikita. Tanda ng pagkakapili sa kanya ng Diyos na hindi rin maipaliwanag ng maliwanag ng mga dalubhasa sa Theolohiya. Basta may mangyayari kay Regie.
Hindi lang papapataw sa kanya ng Espiritu Santo, papasok sa kanya ang Espiritu Santo. Katulad ng sinabi mismo ni Kristo, na ang espiritu ng Diyos ay sumasa-akin. The spirit of the Lord is within me. That’s why I will speak the good news to the poor, give sight to the blind, ibig sabihin papasok ako doon at magagawa ko itong mga kababalaghang ito , ang mgangaral ng mabuting balita. Ngunit tatakan siya, hihiwalay siya sa balana. At sabi nga sa iyo kagabi, kahit mapasuot ka saan man, hindi Regie, hindi maaari na mabubura yan. Kung maging banal at tapat ka, naroon yan sa iyong kaligayahan. Kung mananatili kang tapat at mabait, mananatili iyan sa iyong kaluwalhatian. At ang sinong paring samaing palad na mawili sa masama, mananatili yan at dala-dala saan man siya mapasuot hanggang sa kanyang kaparusahan at malaking kahihiyan.
The other side of the priesthood. The first side of the priesthood is grace. Uulitin ko sa lahat ng tao na naririto, ang isang pisngi ng pagkapari ay biyaya. At dahil dito’y lumalapit sa kanya ang mga tao at alam niya na ang pari ay nilalapitan ng biyaya. Nagpapaturo ang mga tao, nagpapaalaala, nagtatanong ang mga tao, nagpapasama ang mga tao, natatakot, nagpapalakas ng loob ang pari. Biyaya, ke yan ang sakramento, ke yan ay pangangaral katulad ng ginagawa, lumalapit ang mga tao. Unang pisngi ng pagkapari ay biyaya kung siya’y mananatiling tapat.
Regie sasabihin ko sa iyo ngayon, ang ikalawang pisngi ng pagkapari ay sumpa. Kapag ang pari ay hindi nagtatapat, kapag ang pari ay hindi naging tapat, yung biyaya ay nagiging sumpa. Kaya ipagdarasal ang mga pari mga taong nandito ngayon. Palagay naintindihan ninyo, tagalog na tagalog ito. Ipagdarasal nyo. Bagamat pari, nagbibigay, nagbabahagi ng biyaya, pwedeng mangyari na sila mismo’y naghahawak ng sumpa. Kaya ituloy natin ang pagninilay. Yung sinasabi nga na tinatakan ng Espiritu Santo, at Regie, makakaisa siya ni Kristo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa maipaliwanag ng husto yung configuratio con cristo. Hanggang ngayon kinakapa-kapa ko ang ibig sabihin ng “to be configured to Christ.” Anong ibig sabihin nun? Ako ba’t si Kristo’y magkakaisa? Isang identity namin? Palagay ko’y hindi papayag ang Diyos niyan ni mga dalubhasa sa Pilosopiya at Theolohiya. Si Kristo’y si Kristo, ang tao’y tao, ako’y ako. Anong ibig sabihin ng configuratio? Anong klaseng pagkakaisa? Ito, kahapon ginamit ko sa iyo ito at ginagamit ko twing magsesermon ako ng bagay sa ordinasyon.
Hindi maaaring magkaisa kami ni Kristo yung talagang isang isa, isang katawan, no way! Si Kristo’y banal at ako’y nagsusumikap lamang magpakabanal, isang abang pari. Eto, si Kristo, ako, dalawa. Kapag pinagsanib ito Regie, at ako’y nasa likod niya ang kita nyo’y hindi dalawang kamay kundi isa. Hindi maaari sa configuration con cristo ay ganito, hindi maayos. Disfiguration with Christ. Kapag ka ganyan, tignan nyo ang sama ng ayos, ang sama ng patas. Ang pagpapari ay ganito, ito configured to Jesus. Bagamat dalawa, kami ni Kristo, iisang pag-iisip, iisang ugali, iisang panukala, iisang pananaw, iisang pagkilos, iisang kabanalan, iisang kabaitan. Ganyan ang pari. Hanggang sa masasabi nga, ganyan katindi ang pagkakaisa kapag isang isip na ikaw ay maaari nang kumilos, magsalita sa pagka-persona ni Hesus. Ganyan katindi Regie ang pagpasok sa iyo ng Espiritu Santo at pakikipagkaisa mo kay Kristo. Ito’y sinasabi ko sa inyo, sinasabi ko sa sarili at sa mga kasama kong pari ngayon sa ordinasyon. Itong pagkapari at dahil dito’y kailangan natin ng ibang uri ng ina. In a special way Mary will be your mother. Siya ang unang nakaunawa sa ganitong pagkapari ni Hesus.
Ipagdarasal nyo ang mga pari. Lahat kayong narito. Ipagmamalasakit nyo ang mga pari. Katulad ngayon kayong lahat ay magiging bahagi ng pagkapari ni Regie. Sasabihin ko sa inyo mamamaya saang yugto ng ordinasyon niya. Habang pinapatawan siya ng kamay ng mga pari, Obispo. Maging bahagi kayo ng ordinasyon na ito. Maging bahagi kayo ng ordinasyon na ito ni Fr. Regie at ng lahat ng paring o-ordinahan sa paningin ninyo, saksi kayong lahat. Anong gagawin ninyo? Pagdating ng panahon, ng yugtong iyun na pinatawan na ng Obispo ng kanyang kamay ang ulo ni Father, nananalanging sana’y pumasok ang Epsiritu Santo sa kanya. Sabayan niyo ng isang tahimik na dalangin, isang tahimik na bulong sa Diyos, Diyos ko hindi man ako makalapit kay Regie, walang maaring makapagpataw ng kamay, Diyos ko hindi man ako karapat dapat, please listen to my prayer unworthy that I am, send in the name of Jesus, hindi man ako makalapit sa ngalan ni Hesus, ipataw nyo na ang Espiritu Santo. Ipadala nyo na ama ang pagkapari ni Regie sa pamamagitan ng paglukob ng espiritu santo. Please Lord at sa ganyang paraan kayo’y bahagi ng ordinasyon. Dalangin lamang ang dala niyo pero may ibang ginagawa ang Diyos sa harapan ninyo.
Regie, alam kong napagnilayan mong matagal ito, sasama ka sa mga hanay ng mga paring ito na ganyan ang buhay. Walang malilihis sa gawang mabuti ni Kristo. At nakitang mong dahan dahan, yun din ang ipinangangaral ni Kristong kabaitan, yun din ang ipinangangaral ni Kristo na pagdamay, yun ang ginagawa ni Kristong pag-ibig. Lamang binibigyan natin ng bagong artikulasyon sa simbahan. It’s the same. Ang sabi’y gumigimik tayo…hindi gimik yun! Pamamaraan yan! Hihimayin natin ang pag-ibig hanggang sa yugtong kayang gawin ng sino mang tao. At diyan papasok yung pagninilay. Diyan papasok yung kasipagan. Diyan papasok yung mga pag-iisip. Kasama ka sa simbahan ni Krsito. Brother you will be a priest.
Ating idalangin si Regie. Ipagpapatuloy natin ang seremonya. Mula ngayon sa bawat yugto nito kasama kayo. Pagpalain sana siya. Pasalamat kay Ginoo at Ginang Malicdem sapagkat alay nila si Regie galing sa kanilang sariling pamilya para sa simbahan, para kay Jesus, para sa Ama. God bless you all!
|