Search our site  

Advance Search    
               
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

ANG OBISPO, PASTOL

 
(Homily delivered by His Eminence Gaudencio B. Cardinal Rosales, D.D. during the Mass for the Episcopal Ordination of Bishop Broderick S. Pabillo on August 19, 2006 at 2 p.m. at the Ezekiel Moreno Parish Church, Macarascas, Puerto Princesa City, Palawan.)

We see here a history of a vocation. A while ago we were saying, Father Broderick came to Puerto Princesa looking for what he thought—and it’s true—is the best way to serve his fellowmen. Looking for his way of serving the poor, and his search was correct and when he left, he was with the Salesians of Don Bosco, he was looking for that which will resound in his heart and ministry. Hinahanap niya yung paraan na akala niya ay tugon sa paglilingkod sa Diyos, sa pagsama sa mga dukha. And like the mysterious God that we have, it was God that found him. Sa kanyang paghahanap ang Diyos ang nakatuklas sa kanya. Kaya ngayon ginagawa siya ng Simbahan na isang Obispo, isang Pastol. At siya nating pagninilayan ito, ang kanyang pagiging Obispo at Pastol.

Sa taga-rito sa Macarascas, alam na nila at nakilala na nila hindi lamang ang pagkapari ni Fr. Broderick, kung hindi ang kanyang pagkatao. Ang pagnilayan ngayon ay: “Ano ang Pastol? Ano ang nagagawa niya?

Sa pagkakita ni Jesus sa napakaraming taong patuloy na sumusunod sa Kanya, nakikinig at nagaabang kung ano pa ang matatanghuran nila kay Jesus, kapagdaka’y naipalagay Niya na ang mga tao ay waring mga tupang walang pastol. (Markos 6:34). Ito ang nakita ni Jesus sa mga taong sumusunod sa kanya, at tatlong bagay ang pinuna ni Jesus noon.

  • Mga Tao
  • Walang Direksyon
  • Wari’y walang Pastol.

Patuloy ang Panginoong Hesukristo sa Kanyang lantarang pagsasalita at pangangaral sa mga tao. Katulad ng ginagawa ng mga pari ganoon din naman ang kanyang mga alagad. Katatapos din lamang nilang magpaala-ala sa mga tao sa ibang mga pook at isinalaysay nila at ikinukwento nila ito kay Jesus. Ito po yung tagpo sa ika-anim na Kabanata ni San Markos. Tuwang-tuwa ang mga apostol, kinukuwento ang mga ginagawa nila.

Inabutan sila ng napakaraming mga tao na ‘di malaman kung anu-ano ang pangangailangan, mga taong ‘di rin nila alam ang pangangailangan nila. Dito ipinalagay ng Panginoon na nakakaawa ang mga tao. Sinu-sino sila? Ang iba’y mayroon dalang may karamdaman, maysakit, mayroong walang makain, at ang marami ay gustong makita at madinig si Jesus. Sino ba ang Jesus na ito.

Noong kapanahunan ng Panginoon ay napakaraming dukha, marami na ring naghihikahos. At mananatili itong ganoon, parating maraming mga dukha, hanggang sa ngayon. Ito ang tiyak, parati nating kasama ang mga dukha. Lagi tayong makakahalubili ng mga dukha. Tayo mismo magmi-mistulang dukha.

Yung mga taong natagpuan ni Jesus, mga dukha ‘yan, mga pobre. At kailangan natin sila! Uulitin ko: Kinakailangan natin ang mga dukha! Ang dukha ang laging nagpapaala-ala sa atin ng pangangailangan ng madla. Ang nagsasabi ng totoo ay ang dukha. sila ang larawan ng mukha at persona ng Panginoon. Totoo iyon! Sapagkat sa huling tagpo, paghuhukom. Mateo 25:40 sinabi, “Tunay na sinasabi ko sa inyo, hangga’t ginawa ninyo ito sa isang pinakamaliit ng kapatid ninyo---nagpainom ka sa nauuhaw, nagpakain ka sa nagugutom, nagpatuloy ka sa walang tahanan—ito’y ginawa mo sa Akin. Halina pumasok ka sa paghahari ng Ama.” Ang dukha ang magpapasok sa atin sa kalangitan. Ang dukha ang magpapakilala sa atin kay Kristo.

Kinakailangan natin ang mga dukha upang tayo ay makakita, upang tayo ay makakilala at ng upang tayo ay makatagpo ng Kristong magpapatuloy sa atin sa Kaharian ng Kanyang Ama. Ganoong kakailangan natin ang mga kabos/mga dukha!

Palagi nating kailangan sila, ang kanilang paala-ala at kanilang presensiya upang pukawin tayo. Ang kanilang mukha, ang kanilang presensiya nagpapaala-ala sa atin, ginigising tayo, pinupukaw tayo, sa matindi nating pagkatulog sa walang pagbabahala. Sila din ang nagsasabi sa ating, ilayo sa tukso, malaking tukso ng paghahangad, malaking tukso ng pakikipagagawan, malaking tukso ng pag-agaw ng kapangyarihan at yaman na natamo sa anumang paraan or uri ng laruan ng mga yaman, ng may mga impluwensiya at lakas. Ito’y hindi aruan ng dukha.

Kanya kailangan natin sila. We need the poor to inspire us. We need the poor to remind us. And this is the reason why the Lord Jesus said, “You will always have the poor with you, you will not always have me.” (John 12:8). Hindi pababayaan ang dukha sa kasuklamang lumalaganap sa daigdig. Kailangan natin ang dukha, sa pag-aagawan sa puwesto. Kailangan natin ang dukha na magpaala-ala sa atin. We need the poor and that’s why there are so many of them amongst us.

Halos sinabi ni Jesus, ang mga dukha ang palaging magpapaala-ala sa inyo na kainakailangang magtulungan kayo, na laging magmamahalan kayo. Kailangan niyo ang mga mahihirap. Ako ay hindi na magtatagal sa piling niyo, ang sabi ni Jesus. You will need the poor to remind you. Sila, ang mga dukha, ang mananatiling tagapagala-ala na kailangan ng tao ang PAG-IBIG at PAGKA-HABAG.

The poor is a Gospel by themselves.

Ikalawa: WALANG DIREKSON.

Nakita ni Jesus na ang mga tao ay pasunod-sunod lamang sa Kanya. Mga taong walang direksyon, walang tiyak na patutunguhan. Walang inspirasyong. Walang bisyon. Walang pananaw!

At kapag walang tiyak na kapapatunguhan ang kawan ay magpapaikot-ikot na lamang ang mga ito. Gagala-gala sa mga ulanan, init at bagyo. They will just go from need to need, from hunger to hunger, from difficulty and crisis to another. Bakit ganoon? Pagkat walang direksyon. Walang kapatutunguhan. Walang vision. para bang naglalakbay na walang destino o kapupuntahan. Parang namamaril na walang ‘target.” Ito ang tingin ni Jesus sa mga tao.

Ito rin naman ang dahilan kung bakit sa di mabilang na limit ay kanyang ipinangaral at ipinaliliwanag ang kanyang paboritong tema doon sa Bagong Tipan. Ang kanyang PANANAW!

At iyan ay ang PAGHAHARI NG AMA!

Napakalimit at iyan ay masasabing daang ulit—isang daan at tatlumpong ulit itong salita Paghahari ng Ama, the Kingdom of God, the Kingdom of Heaven, the Kingdom of the Father—daang ulit, halos kinahihibangan na ng Panginoong Hesukristo, na mga salita tungkol dito, kaya ito naman ang ginawang pananaw ng mga tao.

Dito tayo papunta. At saklaw ng tema at destining ito ang lahat ng nangyari, nanayayari at maaari pang mangyari sa kasaysayang akala ng tao ay siya ang gumuguhit. Hindi. Hindi mga kapatid. Bagama’t may kasaysayan tayo, ang daigdig at ang langit ay sa Diyos. Ang Diyos ang kumikilos at siya ang gumuguhit ng kasaysayan nating lahat sa lupa—mayaman man o mahirap, tao ay pawang mga galamay lamang tayo ng Diyos dito sa lupa.

It’s God writing our history. Not we because heaven and earth belong to God. Pinatuloy lamang tayo dito sa daigdig na ito. We are God’s guests on earth. And look at what we’re doing to it. Look at our behavior.

Ang Diyos ang kumakatha ng kasaysayan, tayo ay galamay niya. Tayong lahat ay galamay ng Diyos. May mga galamay na suwail. May mga galamay na matigas ang ulo. May mga galamay na kung saan nakaturo. Nguni’t mayroong tinatawag na karunungan ng mga galamay, o sa wikang Ingles ay ang “The Philosophy of the Fingers.” Ano yon?

Tignan niya ang ating mga daliri. Ilan ang mga daliri natin? Lima sa bawa’t kamay. Tignan ninyo. Pantay-pantay ba iyan? Bakit kaya? King ang Diyos ay makatarungan dapat pantay-pantay ang mga daliri. Tama ba iyon? Bakit hindi pinagpantay-pantay ng Diyos ang mga daliri? Ano ang tawag dito? Hinlalaki, hintuturo, palagitnaan, palasingsingan, kalingkingan. Paghawak mo ang limang iyan ay tulong-tulong. Inilarawan ang sangkatauhan. Hindi maaaring mangyari na itong hinlalaki at hintuturo ay kukurutin ang kalingkingan. Puede ba yon? Hindi, kaya nga inilayo ng Diyos, eh para di natin makurot. Pero sa buhay ng tao, tignan niyo, ang malakas iniipit ang mahirap. Wala sa karunungan ito ng Diyos. At ito ang gusto nating ituro. Ang poor you will always have with you. And the poor you will always have with you. Kung anu-ano ang ating iniisip. Nandyan na ang sagot ng Diyos.

Sinasabi niya ang kailangan ay magtulungan at magmahalan ang tao.

At sabi pa ni Jesus, ito ay number 3, “wari ay walang pastol.”

Wari’y walang nagpapastol. Ang pastol ay hindi gabay kung saan gusto ng kawan o tupa. Ang katungkulan ng pastol, kanyang hinihikayat, kanyang sinasamahan ang mga tupa. Ang pastol ay kasama at giya sa kapatutunguhan sa PAGHAHARI ng AMA.

Tatlo rin naman ang tungkulin ng pastol para sa kawan.

  • Pagturo. Ang pastol ay magtuturo at magpapala-ala sa mga kawan. Iyan ang trabaho ng pastol.
  • Magpabanal. Iyan ay trabaho ng pastol. Sa pamamagitan ng sakramento, mag-akay sa panalangin. Himukin ang mga taong bumait.
  • Mag-lingkod.

Katulad na nakita niyong ginawa ng pari ninyo dito sa Macarascas. Pastol na pastol ang dating sa pagganap ng tatlong tungkulin: pagturo, pagbabanal at paglilingkod. Prophecy, Sanctification, and of course the Kingly Service. Ito ay binubuo upang tugunan yung tatlong sinabi ni Jesus, dukha, walang direksyon, walang pastol.

Kaya naman itong mga tungkulin na ito ay ibinibigay sa isang pari sa araw na ito. Pagkakaloob ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Simbahan sa isang kakilala niyo, matagal-tagal na nakasama niyo dito. Dala niya ang kanyang pinuhunan sa buhay. Kung saan siyang iminulat ng kanyang mga magulang, dala niya ang mga ito, puhunan niya yan sa kanyang pagkatao at paglilingkod. Ligtas na pagkakamali for a priest to think that the family has nothing to do with the vocation. The natural things, the goodness of a person, start not in the seminary but in the family, in the witnessing of the parents, the elders and siblings. At gayon din sa inyong mga magulang na naririto, mayroon kayong ibinigay na puhunan sa inyong mga anak upang magsimula ng angkan ay mayroon silang dadalahing baon. Kabaitan ba iyan. Magandang ugali ba iyan. Kababaang loob ba yan. Mapagdamay ba iyan. Ah! Puhunan niyo yan sa inyong mga anak.

Bishop Broderick brings to his ordination all that he has discovered and what he has imbibed from his family. Kasama iyan sa puhunan ng tatanggapin ng Diyos para maglingkod sa Diyos sa ibang antas ng pagkapari at pagkaobispo. Dala niya rito yung natutunan niya, ligayang natagpuan niya nung siya ay nag-aaral. Dala niya dito ngayong hapong ito yung pagkahubog niya sa seminaryo, mga kasama niya sa congregation ng mga salesiano, dala rin niya ang diwa ni San Juan Bosco. Lalo’t higit ang kanyang karanasan dito sa Palawan. Higit sa lahat dito sa Macarascas, at ang mga nakilala niya rito, mga nakaibigan niya dito sa paligid-ligid. At sa pagbebendisyon at paglukob ng Espiritu Santo ang lahat ng iyan ay kasama sa paggawaran ng Diyos. Hindi lamang para sa kanya kundi para sa mga taong kanyang paglilingkuran at marami pa siyang paglilingkuran.

Pasalamat tayo sa Diyos ay mayroong hapon na ganito. We thank God for this. Now I call you Brother Bishop Broderick, ito ang sisimulan mong balikatin at isabuhay para sa mga tao sa Simbahan. And we your brothers in the conference welcome you to this new level of the ministry.

We pray for you for your new responsibility. We ask the Lord to accompany you, inspire you and bless you ALWAYS!

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter