Message of Bishop Broderick S. Pabillo
(Delivered during his Episcopal Ordination on August 19, 2006 at the St. Ezekiel Parish Church in Macarascas, Puerto Princesa City, Palawan)
Magandang hapon po sa inyong lahat. Bayaan niyo na lang basahin ko ang sasabihin ko kasi napakaraming damdamin sa loob baka kung hahayaan kong magsalita yung puso ko, hindi tayo magtatapos.
Your Eminence Cardinal Gaudencio Rosales, my new boss.
Your Excellency Archbishop Fernando Filoni, our beloved Papal Nuncio,
Your Excellencies Archbishops and Bishops
Your honor Congressman Baham Mitra
Your honor Mayor Edward Hagedorn, mayor of Puerto Princesa,
Dear Priests, Sisters, brothers, God’s faithful from as far as Manila, Negros and here in Puerto Princesa, even from Rizal has come here….Good afternoon.
Noon ako’y umalis—o tumakas—ng Metro Manila noong 1999 at dumating dito sa Palawan, akala ko dito na ako tatanda at mamamatay. At handa na ako noon. Pero iba pala ang plano ng Diyos. Tulad ni Propeta Jonas binalik niya ako sa aking iniiwasan. Nguni’t kakaiba kay Jonas, pumunta ako sa dakilang lunsod hindi upang ipahayag at antayin ang pagkawasak nito. Pupunta ako sa Maynila upang ipahayag, ipaala-ala, at kung maaari, ipadama ang pagibig ng Diyos.
Ito ang dala-dala ko, ito ang baon mula sa Palawan, lalong-lalo na mula sa parokya ng San Ezekiel Moreno—ang pagmamahal ng Diyos. Sa Ingles ba: The Provident Love of God. God can really be trusted. He is faithful and He provides. Damang-dama ko ito at ang parokyang ito ay isang konkretong katibayan nito.
Noon dumating ako rito noong May 2, 1999, wala akong naratnan kundi isang maliit na kubo sa tabi ng Kapilya ng Sto. Niño doon sa Baryo ng Macarascas. Talagang walang-wala. Pati ang gamit sa pagkain at sa kusina ay galing pa kina Nanay Dolly. Walang laman pati ang sakristiya. Kaya sa unang lingo ako ay nagmimisa na baso ang gamit bilang chalice at platito bilang paten.
Sa loob ng unang taon, kandila o kingky o moron ang aking ilaw. Ganoon na lang nasanay ang mata sa kandila o kingky na kapag pumunta ng bayan nasisilaw ako sa fluorescent light.
Pero ngayon tingnan ninyo ang lahat sa paligid na itto. Nagkakoryente na kami ngayong taon. Enero lang kami nakabitan ng linya. Pati cel signal full bar pa. Ngayong Marso lang dumating ang Globe dito sa amin. Ang lahat ng ito ay galing sa Dakilang Ama. Hinding-hindi ko masasabi na ito ay galing sa akin. Sa training ko ay nag-aral at nagturo. Ito ang aking training. Dumating ako sa Palawan na walang alam sa construction. Ni hindi ko alam ang presyo ng pako, o kayo por kilo pala ang pagbili ng pako. Hindi ko alam paano maglikom ng pera, nahihiya ako humingi. Wala akong kakilala sa Palawan. Hindi ko nga alam na may lugar pala na Macarascas. Hindi ko pa nga ma-pronounce ang panglang ito nang sabihin sa akin ni Bishop Arigo na dito ako ipapadala. Ni hindi ko alam na may santo pala na Ezekiel Moreno. Kaya masasabi ko na ang lahat ng nandito ngayon ay ebidensiya na ang Diyos ay kumikilos. Siya ay mapagbigay at mapagmahal. Sinasabi ko sa mga leaders ng parokya na kung tayo ay may gagawin huwag kaagad nating tanungin kung may pera ba o wala. Usisain natin kong kailangan nga ba talaga at kung naaayon ba sa kagustuhan ng Diyos. Huwag kayong mag-alala. Mayaman si Papa. Talaga ngang mayaman si Papa! Maaasahan natin yan!
Ang karanasan at conviction ng pag-ibig ng Diyos ay dala-dala ko mula rito sa Macarascas patungong Maynila. Nakakatuwa! Galing na ako roon. Doon ako nag-aral ng apat na taon at nagturo ng labing dalawang taon ngunit dito ko naranasan sa Palawan sa loob ng pitong taon na ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na maaasahan. I taught from books in Manila but I was taught by life, by nature and by the poor here in Palawan. Blessed be God!
Dinadakila ko ang pag-ibig ng Diyos higit sa lahat sa okasyong ito. Damang-dama ko ang pag-ibig ng Diyos sa inyong lahat. Kahit na sa malalayong lugar kayo ay pumunta dito; kahit na ganito ang panahon nagbabayanihan ang mga taga-rito. Ang lakas ng buhos ng ulan, nagpuputol ng mga damo, nagtatayo ng mga kubol ang mga tao. Hindi ko mababanggit ang lahat ng tumulong at patuloy pang tumutulong. Lubha akong nagpapasalamat sa lahat, lalong-lalo sa inyong nagdasal. Sa novena ipinagdasal natin ang mabuting panahon, at pinagbigyan tayo ng Diyos.
Hindi ko mababayaran ang aking utang na loob sa aking mga magulang. Ang pinagsikapan nilang ipamana sa amin ay ang edukasyon at magagandang asal. Wala sila rito ngayon; yumao na ang aming ina at hindi na kaya ng aking tatay ang pumarito pa sa Palawan. Pero sila ay kinakatawan ng aking mga kapatid at mga kamag-anak na nandito ngayon. Apat kaming magka-kapatid, ang isa ay wala rito; siya ang nagbabantay kay Daddy.
Malaki ang aking utang na loob sa mga Salesiano—sa buong Salesian family. Sila ang humubog sa akin. Marami sa kanila ay pumarito ngayon. Ang tingin ko sa aking sarili ay isa pa rin sa kanila—ewan ko na kung ganyan pa rin ang turing nila sa akin.
Salamat din sa mga kaparian ng buong Palawan—ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa. Salamat sa pagtanggap ninyo sa akin—kung sa Ingles pa …. I came just out of the blue out of nowhere. Ngunit totoong nakatagpo ako sa inyo ng mga kapatid. You came in full force kahit na doon pa sa Taytay at Puerto Princesa. Maraming salamant sa inyo!
Siyempre sa inyo na mga parokyano ng San Ezekiel Moreno. Kung may nagawa man akong kabutihan sa inyo… mas malaki ang naitulong ninyo sa akin. Dito ako natutong maging kura paroko. First parish ko ito. Aalis man ako ngunit ang puso ko ay naiiwan dito sa inyo.
Pagkalipas ng pitong taon, hindi ko masasabing aalis ako ng Palawan na walang kakilala. Salamat sa taga HTC, sa mga nasa Adult Lay Formation group, sa mga kasapian ng St.Vincent de Paul, sa mga miyembro ng Rotary Club of Puerto Princesa, sa Habitat, sa mga tanggapan ng chancery at mga parokya, at sa iba pang marami mga grupo.
Isang katangian ng parokyang ito ay an gaming dormitoryo, na, sa totoo lang, ito ay tulad ng isang boarding school. I think the only one in Palawan. Ang dormitoryong ito ay isang buháy na monumento ng Diyos na mapagbigay dahil ito ay libre at tumatakbo dahil lang sa donasyon—donasyon ng buhay at panahon ng mga volunteers, ng mga Salesian sisters, ng Angelicum College of Quezon City, ng Holy Trinity College, ng Rotary Clubs ng Puerto at ng Maynila, ng mga donors at marami ay hindi pa nakaparito, at ng bayanihan ng mga parokyano.
Sa pagdiriwang na ito higit ko na naramdaman ang pag-ibig ng Diyos dahil sa mga taong walang sawang tumutulong.
--- Una kay Cardinal Rosales na pumayag ng ipagdaos ang ordinasyon dito upang mapagbigyan naman ng pagkakataon ang mga nasa tabi-tabi—those in the margins—ng karanasan ng ganitong okasyon na madalas ay nasasaksihan lang sa mga cathedrals. Salamat din po sa inyo mahal na Cardinal at sa Archdiocese of Manila sa mga tulong ninyo sa okasyong ito.
--- Thank you Archbishop Filoni for accepting the invitation to come to Palawan to be one of the co-consecrators. He has newly been assigned to the Philippines as Papal Nuncio and this is his first time here in Palawan. Thank you Archbishop for coming here.
--- Kay Bishop Arigo. Ang pagiging Obispo ko ay siguradong naimpluwensiyahan ni Bishop Arigo dahil siya ang unang Obispo na naging malapit sa akin.
--- At kay Bishop Juanich at sa mga kaparian ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa, salamat sa inyong suporta at tulong.
--- Kay Fr. Bobby na nangasiwa sa mga preparasyon. Kasama niya ang maraming laiko ng Puerto Princesa at ng parokya niya sa Luzviminda. Siya rin ang nag-design ng suot ko ngayon.
--- Sa provincial at city officials. Salamat kay Mayor Hagedorn at kay Governor Reyes sa pagpapahiram niya ng mga gamit. Salamat din kay Congressman Baham Mitra sa mga suportang ibinibigay niya at sa mga serbisyong ibinigay ng mga government officials dito sa amin.
--- Sa mga Mother Butler ng national at local levels sa pangangasiwa sa aming mga gamit sa misa at sa paglinis ng simbaha.
--- Kay Kapitan Romia Labrador, sa kanyang mga kagawad at sa mga opisyales ng barangay na buong-buong loob na kumilos at sumoporta sa gawaing ito.
--- Sa lahat na tumutulong lalong-lalo na ang mga nasa kusina at naglinis at naglagay ng palamuti sa parokya.
--- Hight sa lahat, salamat sa inyong lahat sa inyong pagparito—mula sa mga kabataan hanggang sa mga Obispo. We are greatly honored by your presence. Kayo na lang po ang magpaumanhin sa aming pagtanggap. Ngayong po naranasan ninyo kung paano maging mahirap. Mainit pala maging mahirap. Natural hindi 5-star hotel treatment ang maibibigay naming sa inyo, ngunit ang lahat ng ito ay taos sa puso namin.
Kaya sa okasyong ito, tulad ng sinabi ni Archbishop Filoni nararanasan natin ang ating pagiging katolico—na tayo ay magkaiba ngunit nagkakaisa. Galing sa iba’t ibang mga lugar nguni’t nag-iisang pananampalataya at pagdiriwang. Itong lahat ay galing sa pag-ibig ng Diyos!
Sa lahat ng ito purihin natin ang pag-ibig ng Diyos!
|