Message of Bishop Pedro Arigo
Apostolic Vicar of the Apostolic Vicariate of Puerto Princesa
(Delivered during the Episcopal Ordination of Bishop Broderick S. Pabillo on August 19, 2006 at the parish church of San Ezekiel Moreno, Macarascas, Puerto Princesa City.)
Magandang Hapon sa inyong lahat
Your Eminence Cardinal Rosales
Your Excellency the Ambassador of our Holy Father, Archbishop Filoni,
My dear brother archbishops and bishops
Reverend Monsignori, reverend priests and religious sisters
My dear seminarians
My dear people of God lalung-lalo yung mga taga-rito sa Macarascas, parish of St. Ezekiel Moreno
Alam niyo dito, tuwing hapon, mahigit na isang lingo, buhos ang ulan. Ngayong laang hindi umulan sa Macarascas. Kaya lamang kahit hindi umulan basa pa rin tayo. Basa hindi ng tubig ulan, kundi basa ng pawis. Pero siyempre kahit ganyan, masaya pa rin tayo kasi nasaksihan natin itong isa nating pari ang inyong minamahal na dating si Fr. Rick, ay, naku, Obispo na ngayon.
Noong pagkatapos ng announcement, the day after, nagpunta ako dito kasi gusto kong kausapin si Bishop Rick para i-plano yung details ng ordination—kailan, saan. Eh, pagdating ko dito, naku wala siya; nasa baryo. Hapon pa raw darating. Ang nakausap ko si Sister Leclec. Sabi niya (dahil kumalat na yung mga text messages)- Yes, bishop good news. Not bad news but sad news. Malungkot nga naman para sa mga taga-rito.
(Nakalimutan ko palang i-greet si Mayor at si Congressman, at bago ko rin makalimutan yung mga kapatid ni Bishop Rick, magandang hapon sa inyo at welcome sa Palawan.)
Tulad ng sinabi ng Nuncio mayroong mixed feelings. Yung mga taga-rito, ako rin ganuon, kasi siyempre nakakapanghinayang eh, mawawala sa atin si Bishop Rick. Alam niyo naman kung ano yung ginawa niya, eh. Kaya nga naming naisipan na ganito gawin ang ordination niya dahil sa napagusapan namin ni Bishop Rick na maganda na makita ng mga bisita in concrete, ito yung sinasabing Church of the Poor. Nakita niyo. At itong lugar na ito, for your information, dati ito ay mini-Jurassic Park.Wilderness ito. Eto ngayon after seven years through the effort of Bishop Rick and , of course, through the cooperation of ng mga taga-rito sa Macarascas. Congratulations sa inyo.
Alam niyo, si Bishop Rick—puede na siguro sabihin yung mga sub-sikreto, ay matagal ng ginagawang Obispo. Ayaw niya. Kasi gusto niya talagang maging priest of the poor. Palagay kaya siya ay pumayag na rin kasi, unang-una, di niya matanggihan ang Cardinal. Pangalawa, ang usapan nila he will also be for the poor. No longer priest of the poor but bishop of the poor. Kasi siya yung magiging bishop ng mga urban poor. In a way yung ambisyon ni bishop na siya ay maging taga-tampok ng mga poor at sa kanyang pagiging Obispo tumaas rin ang kanyang paglilingkod sa mga poor. Yung poorer na. Kasi alam niyo yung mga rural poor ay less poor than the urban poor. Kaya si bishop ngayon from priest of the poor nagiging bishop of the poorer. Kanya alam ko si Bishop Pabillo, dahil naduon ang talaga ang kanyang bokasyon… Actually alam niyo nung siya ay nag-apply sa Palawan seven years ago, nag-meet kami doon pa sa Cavite. Tinitignan ko siya from head to foot, iniisip ko, “What’s wrong with this guy?” Baka hindi niya alam kung ano yung pinapasukan niya. Yung pala talagang genuine yung kanyang vocation. To serve the poor.
So Bishop Rick, Congratulations! Hindi ka namin makakalimutan. Anong malay niyo baka bukas makalawa Obispo ng Palawan si Bishop Rick.
|