Search our site  

Advance Search    
               
RENEWING OUR PUBLIC LIFE THROUGH MORAL VALUES
click here
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

PAGPAPANIBAGO ng PANLIPUNANG PAMUMUHAY
sa PAMAMAGITAN ng PAGPAPAHALAGA sa
PAG-UUGALING KRISTIYANO

LIHAM PASTORAL
ng CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP)

 

Minamahal ng Sambayanan ng diyos:


1. Kami, na inyong mga Obispo, ay sama-samang hinanap ang kalooban ng Diyos sa liwanag ng Ebanghelyo tungkong sa mga sinasabi sa amin ng pahayagan, ng mga lider politico, at higit sa lahat, kayo na nasasakupan ng iba’t ibang parokya sa iba’t ibang Diyosesis. Ang malinaw na lumulutang ay ang pangangailangan ng patuloy at mahalagang pagbabago ng buhay panlipunan ng ating bansa.

I. Ang kalagayang Pastoral: Ano ang sinasabi n gaming sambayanan?

2. Aming nakita ang pagkabagsak ng pamamaraan ng political na gawin ang mga lingcod bayan na magsulit sa kanilang pagkakamali. Sa halip aming nakikita ang pag-iwas at paghadlang sa katotohanan tulad na lamang ng wire tapping at ng “Garcillano tapes.” Bagama’t aming kinikilala ang makabayan at mga tapat na Pilipino na nakinig sa aming tawag noong Hulyo 2005 para sa apgsusulitin ang mga nasa katungkulan at maghanap ng mga pamamaraan upang ang katotohanan ay sumibol, amin din naming nasaksihan yaong mga gumamit sa “paghahanap sa katotohanan” bilang balatkayo lamang upang ipagpatuloy lamang ang kanilang hangaring political. Ang pangkaraniwang mamamayan ay pinipilit na pumuli ng kikilingan ayon sa haka-haka maging ito’y tungkol sa pagsasanib ng mga pwersang ibig magpahina sa pamahalaan o ng mga armadong pangkat o kaya ang patuloy na pagbabalak ng kudeta. Tayo ba ngayon ay isang bansa na nakikinig na lamang sa haka-haka at sa mga walang katotohanang pag-aakala?

3. Dahil dito, tila baga mayroong paralysis sa larangang political at ang kagustuhan ng partido ang nangingibabaw kaysa sa tawag para sa kapakanan ng lahat. Tama na ang ganitong nakasisirang politka, aming nadinig na ipinahayag ng sambayanan. Sa gitna ng malawak na pagkakagulo, hindi nakagugulat na marami na sa mga Filipino ang ayaw makialaam or maniwala kapag ang politika na ang pinag-uusapan. Nakalulungkot na marami nang Filipino ang nawalan ng tiwala sa maraming politico maging mula sa kaliwa, kanan, or sa gitna, at ang lalo pang masama, napaghulo ng marami na ang mga institusyong political ay tiwali na. Sa mga dumaraming bilang n gaming mamamayan, mayroong panddamdam ng kawalan ng pag-asa hinggil sa ating bansa at ang kakayahan ng tunay na magbago it.

4. Samantalang an gating ekonomiya sa malaking larangan ay tila baga umuusad ang mga biyaya nito ay hindi naibabahagi sa mga mahihirap. Ang nararanasan ng sambayanan sa aming mga diyosesis at ang kanilang sinasabi sa aming ay ang kanilang higt na pinagtutuunan ng pansin ay ang pang-araw-araw na pakikibaka upang magkaroon ng ikabubuhay. Ang kahirapan ang nananatili pa ring pinakamabigat na pasanin n gaming sambayanan. Sila’y nag-iisip na baka ang inuuna ay ang politika at siyang pinagkakaabalahanan ng kanilang mga pinuno ay yaong mula lamang sa tinatawag na "kailangan ng Maynila” at isang suliranin na ipinapataw lamang sa mga lalawigan. Sila’y tunay na nababahala na ang 2006 ay maging pag-uulit na naman ng kaguluhan sa politika na ating dinanas noong 2005.

II. Ang Ugat ng Krisis: Pagguho ng Pagpapahalagang Moral.

5. Bilang mga Obispo, kami’y naniniwala na ang ugat ng pagkakagulong political ay isang krsisi sa pagpapahalaga sa aral kristiyano (moral values), isang krisis tungkol sa katotohanan at katarungan, tungkol sa pagkakaisa at pagkakabuklod para sa kabutihang ng lahat at sa tunay na kapayapaan. Ang katotohanan ay nagging biktima ng pagkakanya-kanya sa politika at gayundin naman na tinatwag na palitan ng maaring makuja sa politika (Transactional Politics). Ang pagsusulit at pagkakamit ng katarungan sa mga krimeng nagawa, tulad ng pagpatay sa mga mamamahayag at mga lider manggagaway hindi pa nangyayari.

6. Dahil sa krisis ng mga dapat pahalagahang pag-aasal sa buhay panlipunana, ang kapakanan ng nakararami at ang kalalagayan ng mahihirap ay hindi na napapansin. Aming nasaksaksihan ang paghihinagpis ng mag amhihirap na magsasaka na naaapektuhan ng pagtaas nghalaga ng mga gastusin sa bukid at ang pagbaba naman ng halaga ng kanilang mga produkto. Ang mga katutubo, mga magsasaka at mga mangingisda sa aming diyosesis ay punong-puno ng agam-agam dahil sa negatibong epekto ng pagmimina, pagtotroso, pagtibag ng mga bato at pangingisda. At gayundin naman ang patuloy na nakaambang pagkawala ng maraming lupa ng mga katutubo. At ang nakapanghihinayang sa mga bagay na ito ay marami sa ating mga politico ang nasa likod ng mga nasabing Gawain na hindi inaalintana ang ikabubuti ng lahat.

7. Bilang mga Obispo, aming nakikita na ang ugat ng nakalulupaypay na kalalagayan ay ang pagguho ng pagpapahalaga sa aral Kristiyano. Ang panlabas na mga tanda nito ay ang panloloko at pandaraya, katiwalian, manipulasyon at ang pagkaabala lamang sa makitid na interes political na nakikita sa halos bawat sangay ng ating pamahalaan. Binabanggit ng Santo Papa Benito XVI ang sinabi ni San Agustin ang estado na hindi pinamamahalaan ayon sa katarungan ay isang samahan lamang ng mga magnanakaw. (Deus Caritas Est., 28).

8. Amin din namang kinikilala na ang ating kalagayan ay hindi nababalot ng pusikit na kadiliman kami’y binibigyang lakas at sigla ng marami, mabubuting disenteng Filipino mula iba’t ibang pananampalataya at tradisyon, na gumagawa na walang hinahangad na kapalit kundi ang mapabuti ang ating bansa. Aming nakikita ang mga lingkod bayan na nagsisikap para sa integridad at tunay na pagbabago ng mga tiwaling institusyon na kung saan sila ay bahagi rin. Aming kinikilala ang mga laiko, relihiyoso, clero, NGO’s at iba’t ibang samahan kasama ang mga pulis at militar na nagbibigay ng sarili para mapaunlad ang pamahalaan, edukasyon, kalusugan, pabahay, pangkabuhayan at kalagayang kapaligiran ng mga tao. Ang mga taong ito, na nagkakaisa ng pananaw ng isang pagiging mamamayan ang dahilan ng pag-asa sa gitna ng krisis pulitikal na ating kinasusuungan ngayon.

III. Ano ang Dapat nating Gawin?

9. Kasama sa misyon ng Simbahan ang pagpapanibago ng panlipunang kaayusan at buhay sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtatanim ng mga dapat pahalagahan ayon sa Ebanghelyo. Dahilan sa ating buhay pulitikal at ekonomiko ay may bahaging ukol sa dapat ugaliin, ang Simbahan ay mayroong masasabi tungkol sa tukoy na kalalagayan ng tao pansarili man o pangmamamaya, ng ating bansa o mga karatig bansa. (Compendium of the Social Documents of the Church #521) Sinabi ng Santo Papa anumang paghahanap sa kapayapaan, ay dapat magsimula sa pag-uukol ng bawat tao sa pagkilala ng katotohanan at kawalan ng katotohanan. (In Truth Peace #5) Atin ngayong pagbalingan ng pansin ang mga paksa na kinahaharap ng ating bansa mula sa paninindigang naaayon sa aral Kristiyano:

  • Aming imunumungkahi ang walang humpay na paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng mga balangkas at pamamaraan na nasa batas at sa ating saligang batas tulad ng Ombudsman, Komisyon ng Pagsusuri, Komisyon ng Karapatang Pangtao, Sandigang Bayan at Kongreso at gayundin ang iba’t iba pang pangkat ng mamamayan. Ito’y nangangailangan na ang mga nasabing mga kawanihan ay pinamumunuan at pinatatakbo ng mga kapanipaniwalang tao na may integridad at paninindigan.
  • Ang pagtitiwala sa pamamaraang politikal ay dapat maibalik. Bilang unang hakbang aming hinihikayat ang mga lider politico na isulong ang repormang panghalalan sa lalong madaling panahon. Ang Komisyon ng Halalan ay dapat mabago bilang isang may kakayahan at mapagkakatiwalaang sangay ng pamahalaan na hindi matatawaran ninuman. Ang tawag sa pagbibitiw o maging sa pag-uusig sa ilang mga “commissioner” ay hindi dapat na lamang isang tabi. Ang pamamaraan ng halalan kasama na ang pagbilang ng mga boto ay dapat mabago at maiayon sa makabagong paraan bago ang susunod na halalan.
  • Ang halalan sa 2007 ay hindi dapat ipagpaliban. Kinikilala ng Simbahan na ang kapangyarihan sa isang demokrasya ay nagmumula sa mamamayan alalaong baga Ang tukoy nakapangayarihang pulitikal ay ang tao sa kanyang kabuuan. Ang kapangyarihang ito ay isinasalin nila sa mga namumuno ng kanilang malayang inihalal subali’t kanilang pinanatili ang karapatan na magtasa sa sa pinagkatiwalaan nilang mamuno at palitan sila kapag hindi nila tinutupad ng maayos ang kanilang tungkulin. (Compendium of Social Documents of the Church, #395)
  • Bagama’t kami’y sumasang-ayon na dapat palitan o baguhin ang ilang bahagi ng Saligang Batas hindi namin sinasang-ayunan ang pagsisikap na mabilisang mabago ang batas ng lupain ng walang malawakang pag-uusap at pakikibahagi na kinakailangan upang ito’y maisakatuparan. Patuloy kaming naniniwala tulad ng aming ipinalabas na pahayag tungkol sa pagbabago ng Saligang Batas noong 2003 na ang pagbabago ng Saligang Batas lalo na ng uri ng pamahalaan ay nangangailangan ng malawakang pakikibahagi malinaw at hayagang talakayan at mahinahong pagpapalitan ng kuru-kuro. Ito ay mas mainam na mangyari sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang dahilan ng pagbabago ng Saligang Batas ay dapat na nakabatay sa kabutihan ng nakakarami at hindi lamang sa pansariling interes o kapakanan ng mga dinastiyang pulitkal.
  • Muli naming sinasariwa ang aming paninindigan noong Hulyo 2005 na hindi namin sinasang-ayunan ang paggamit ng dahas o anumang labag sa Saligang Batas na mga pamamaraan upang mabigyang lunas ang krisis ngayon. Ang mga ganitong pamamaraan ay maghahatid lamang ng ibang uri ng kawalan ng katarungan mas higit pang mga paghihirap at makasasama sa hinaharap natin.

10. Aming nababatid na ang pagpapanibago ng buhay lipunan sa Pilipinas ay nangangailangan ng pagbabago ng pinapahalagahang kalinangan at mga balangkas na nangangailangan ng higit pang pagpupunyagi sa bahagi ng Simbahan. Sa gayon aming itinatalaga ang mga sarili sa mga sumusunod:

  • Ang pagpapatupad ng mas maayos na programa upang maitaguyod ang pagpapahalaga sa dapat ugaliin ng isang kristiyano na tinutukoy sa pito sa siyam na prioridad pastoral na aming isinabalangkas noong 2001 sa Pambansang Konsultasyong Pastoral sa Pagpapanibago ng Simbahan. Ito’y ang mga sumusunod: Buong-buong paghubog sa pananampalataya; pagbibigay kapangyarihan sa layko tungo sa pagbabagong lipunan; ang pamilya bilang simula at pinagtutuunan ng ebanghelisasyon; ang pagtatag at pagpapalakas ng sambayanan sa parokya; ang pagpapanibago ng mga pari at relihiyoso at ang aming paglalakbay kasama ng mga kabataan.
  • Ang patuloy na paghubog sa maliit na pamayanang kristiyano at iba pang mga pamayanan na nagmumula sa pananampalataya tungo sa mas malalim na ispirituwalidad ng mapanagutang mamamayang kristiyano, at ang aming patuloy na paghihikayat sa kapuri-puring pagsisikap ng mga pamayanang ito na maging bahagi ng pagtatatag ng bansa tulad ng pagbabantay sa IRA, ng mga subasta sa mga pampublikong gawain at proyekto, atbp.
  • Ang itaguyod ang isang ispirituwalidad ukol sa paglilingkod bayan, isang marangal at katiwa-tiwalang lingkod bayan at mamamayan. Ang ganitong uri ng panlipunang ispirituwalidad ay dapat malabanan ang walang puknat na kasamaan ng pagsusugal, pagtutulak droga, pagpapatubo ng mataas, pagsira ng kalikasan, at katiwalian sa tanggapang pampubliko.
  • Ang pagbuklurin ang mga mapanagutang pangkat ng mamamayan na gumawa para sa ikabubuti ng pamahalaan upang sa gayon ay mahikayat ang mas mainam na pagtutulungan upang mapagalaw ang mga pinamamahalaan na bantayan ang katiwalian at gumawa upang mapabuti ang paglilingkod bayan.
  • Aming itinatalaga ang taong 2006 bilang Taon ng Kapakanang Panlipunan sa ilalim ng pamamatnubay ng kalinis-linisang Puso ni Maria at kamahal-mahalang Puso ni Hesus. Ang mga araling panlipunan ng Simbahan na nilagom kamakailan lamang sa inilimbag na “Compendium of the Social Documents of the Church” ay dapat pag-usapan, isabuhay at isagawa sa lahat ng diyosesis, parokya, at paaralang katoliko.
  • Na samahan ang aming pagsisikap ng panalangin at pagpapakasakit at ng malalim na pagtitiwala sa kapangyarihan ng biyaya ng Diyos na mabago ang buhay ng bawat tao gayundin naman ang lipunan. O Panginoon ibalik kami sa dating kaugnayan sa Iyo upang kami’y mabago. (Panaghoy 5:21)

PANGWAKAS

11. Sa lahat ng aming sinasabi, kami ng inyong mga Obispo ay nagsisikap na maging tapat s autos ng pag-ibig ng Panginoon at sa Kanyang tawag na pangalagaan ang lahat ng tao, lalo’t higit yaong nakikita Niyang pinakamaliit kong mga kapatid. (Mt. 25:40) Sa aral na ito ng ebanghelyo ibig naming Makita ang pagkakaroon ng isang uri ng pagkakaiba sa aming pagsisikap na mapaghilom at mapanibago ng ating depektibong kalinangang pampulitika at tiwaling pamumuhay. Sa pagsasagawa nito aming ipinahahayag ang pakikiisa sa mga mahirap na higit na nagdurusa sa kalagayan ng lipunan at ng pulitiuka ng ating bansa.

12. Nawa ang pag-ibig ng Diyos kay Kristo na ibinuhos sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ang magbigay sa atin ng lakas at ng pag-asa na mabago ang buhay panlipunan at maitayo ang isang tunay na lipunang ayon sa pag-uugaling Kristiyano. At si Maria nawa ang ating maging gabay at huwaran sa ating pagpapanibago at paglalakbaytungo sa katotohanan, katarungan, kalayaan at pag-ibig na siyang saligan ng tunay na kapayapaan ng ating lipunan.

 

Para sa Kapulungan ng mga Obispo ng Pilipinas,
+ANGEL LAGDAMEO
Pangulo, CBCP

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter