HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
News & Events
Hesus, sa Eukaristiya, Tagapagbigay ng Pagasa

(Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Mass of the Lord’s Supper at the Manila Cathedral on April 2, 2015 at 5 p.m.)

 

 

Sa Misa ng gabing ito ay atin pong sinisimulan ang tatlong araw na pananalangin, pagninilay, pagdiriwang, bilang paghahanda po sa muling pagkabuhay ni Hesus. Subalit ang bagong buhay na iya ni Hesus ay daraan sa iba’t ibang yugto at sa gabing ito ang paggunita sa Huling Hapunan at hayaan niyo po na sa gabing ito ay tumutok tayo sa kahulugan ng Eukaristiya na nakaugat doon sa Huling Hapunan ng Panginoon.

Para po sa kabatiran ng lahat, sa Enero sa susunod na tao, 2016, ang Pilipinas po ang host ng International Eucharistic Congress. Ito po ay magaganap sa Cebu. Kaya mahalaga na ang buong bayang Pilipinas, lalo na sa gabing ito ay pumasok sa misteryo ng Eukaristiya. Ano ito? Ito ba ay ritwal lamang? Ano itong iniwan ni Hesus? Sa mga pagbasa po natin sinasabi ng mga ebangelista, mga sumulat ng ebanghelyo, si San Marko, San Mateo, San Lukas, na ang huling hapunan ay ang Pascua, passover meal na sa unang pagbasang narinig natin na taon taon ay ginagawa ng mga Israelita bilang pasasalamat sa Diyos sa kanilang passing over, tumawid sila mula sa pagkaalipin tungo sa bagong buhay. Pero sila ay naligtas dahil sa dugo ng cordero, ng tupa na inilagay nila sa kanilang mga pintuan. Ang anghel ng Panginoon na magdadala ng kamatayan sa mga Ehiptio ay tumawid, nilampasan ang mga bahay ng Israelita. Naligtas sila at sila naman ay nakalampas, nakatawid mula sa isang buhay ng kahirapan, buhay na walang dangal patungo sa bayang ipinangako ng Diyos.

Subalit sa huling hapunan, passover meal, hindi lamang iyon ang pinagpasalamat ni Hesus at kanyang mga alagad. Ang kanilang ipinagdiriwang ay ang passover ni Hesus. Siya ang tatawid. Alam niya. Oras na. Tatawid siya mula sa lupang ito pabalik sa kanyang Ama. At ang pagtawid na iyan, sabi sa ebanghelyong narinig natin ay gagamitin niya. Itong huling sandali, itong kamatayan niya, ang pagtawid niya sa Ama ay gagamitin niya upang ipamalas ang kanyang malalim na pagibig sa ating lahat. Kaya mula sa passover , Paskuwa ng mga Hudyo, sa Paskuwa ni Hesus, pagtawid ni Hesus ano ngayon sa atin iyan? Eukarisitya, pagpapasalamat natin sa Diyos.

Kung ang mga Israelita nagpapasalamat tuwing paskuwa sa kanilang pagtawid sa kalayaan tayo rin sa Eukaristiya nagpapasalamat dahil sa pagtawid ni Hesus tayo rin itinawid niya mula sa kasalanan tungo sa bagong buhay. Magpasalamat tayo. Eukaristiya. Pagpapasalamat dahil sa ginawa ni Hesus, kamatayan ay pagtawid tungo sa Ama na hindi lamang ang sarili niya ang daladala ngunit tayong lahat. Pinatawid tayo sa pagkaalipin, sa pagkasalanan tungo sa bagong buhay.

Sa ganyang diwa po ang Eukaristiya ay hindi lamang Sakramento ng pasasalamat dahil sa ginawa ni Hesus. Ito rin ay sakramento ng pananatili ni Hesus. Hindi natatapos ang kanyang pagakay sa atin, pagtawid natin kayo mayroon tayong pagasa. Sa International Eucharistic Congress, tututok tayo paano si Hesus, sa Eukaristiya, sa Blessed Sacrament ay tagapagbigay ng pagasa sa atin. Tamang tama po dahil sa panahon natin ngayon ang daming pagdududa; ang daming nawawalan ng pagasa; ang daming pagod na pagod na; ang daming, sinasabi nga nila, cynical, wala ng ibig paniwalaan, wala ng ibig pang pagkatiwalaan.

Sa gabing ito po, sa Eukaristiya tunghayan natin si Hesus. Papaano niya tayo itinawid? Papaano niya binago ang ating kondisyon sa buhay para patuloy tayong umasa? Magpasalamat. Pero may kasama po itong pananagutan. Habang itinatawid tayo ni Hesus sasama ba tayo o baka naman tumatawid siya, paglingon niya, wala pala siyang kasama! Iiwan ba natin si Hesus at tayo ba ay maiiwan na naman sa pagkaalipin ng kasalanan at lumang buhay? Sa tulong po ng mga pagbasa tatlong simpleng pagtawid. Transformation. Pagbabago. Malimit sabi natin ang Eukaristiya, transubstantiation. Ang simpleng tinapay at alak nagbabago, nagiging katawan at dugo ni Hesus. Pero hindi lamang po iyon ang pagbabago sa Eukaristiya. Simulan po natin.

Una. Ang pagbabago na naganap sa tradisiyonal na passover meal, hapunan ng paskuwa ng mga Hudyo. Ano ang ginagamit? Tupa. Mahalaga ang dugo ng tupa. Binago iyan ni Hesus. Hindi na tupa. Sa katunayan sabi po ng iba mukhang si Hudas ang dapat bumili ng tupa na gagamitin nila pero hindi bumalik si Hudas. Hindi bumili ng tupa si Hudas. At sa oras na iyon siguro namulatan ni Hesus, ang ipinagdiriwang natin ngayon ay hindi ang tradisyonal na paskuwa ng mga Hudyo na ang kailangan ay tupa. Ito ang aking paskuwa. Ako ang tupa. Ito ang kordero ng Diyos. Hindi na bagay, hindi na gamit, hindi na isang tupa ang iaalay sa Diyos para sa kapuwa. Ang iaalay na ang sarili. Ito ang aking katawan. Ito ang aking dugo. Binago ni Hesus sa Eukaristiya ang kahulugan ng pagbibigay.

Hindi masama ang magbigay ng pera; hindi masama magbigay ng pagkain; hindi masama magbigay ng damit kahit nga lupa, bahay, mabubuti po ang lahat ng iyan. Subalit sa Eukaristiya, natututunan natin, kapag hindi kasabay ng pagbibigay ng sarili ang pagbibigay ko ng pera, pagkain at kung ano man, parang hindi ka rin nagbigay. Kahit isang milyon ang ibinigay mo kung hindi kasama ang sarili mo, halos wala kang ibinigay. Kahit sampung milyon ang ibinigay mo, pero habang ibinibigay mo, reklamo ka ng reklamo, tinutuos mo ang mawawala sa iyo at ikaw naman sa isip mo, bakit ba ako nanaman ang magbibigay? Hindi ka nagbigay, hindi ka nakatawid. Nanatili ka pa ring matigas ang puso.

Hindi natin sinasabi masama ang pagbibigay ng bagay. Samahan ng pagbibigay ng aking puso, ng aking katawan, ng aking dugo. At kung dumating ang panahong walang wala ka rin, wala kang maibigay na pera, wala kang maiambag na kahit ano, huwag kang magalala. Mayroon ka pang maibibigay, ang sarili mo. Ang iyong ngiti, ang iyong pagunawa, ang iyong pasensiya, ang iyong presensiya. Mga kapatid isa ito sa transformation na hinihing ng Eukaristiya para mabigyan ng pagasa ang napakaraming tao. Ibigay ang sarili kasabay ng pagbibigay ng mga bagay. At kung wala ng bagay na maibigay, mayroon pa. Ang iyong sarili. Ito ang aking katawan. Ito ang aking dugo.

Mga bata na nandito, sana hindi lang kayo masanay na hunihingi sa inyong mga magulang. Pahingi ng bagong sapatos. Pahingi ng bagong T-shirt, gusto ko yung kumikinang-kinang. Pahingi ng bagong head band. Pahingi ng bagong cell phone. Alam niyo walang katapusan iyan eh. Yung cell phone ngayon, pagkatapos ng limang buwan, may bago na naman modelo, hihingi at hihingi ka na naman. Pero ito ang mahalaga. Kahit na sa iyo na buwan buwan ang pinakamaayos na cell phone, kung wala kang pagibig na natanggap, wala kang pagasa. Hope can come to us only if we change our lifestyle; not objects but personal giving. Kaya nga po ang Huwebes Santo, ang misa ngayon, kahit saan ay mayroong collection na pupunta sa mahihirap. At dito po sa Manila Cathedral ang collection natin sa misang ito ay ating ibibigay sa mga kapatid nating nasunugan sa parola. Three thousand families, 19000 individuals. Pero ang pakiusap ko, kahit piso, kahit beinte singko sentimos ang inyong maibibigay, please ibigay ng buong pagmamahal. Napakalaking insulto sa mga hirap na hirap ang bigay na wala namang puso. Ang Eukaristiya hindi pagbibigay ng malaking halaga, kundi ng buong buong talaga ng aking buhay.

Ikalawa po. Sabi po sa ebanghelyo, lalo sa ikalawang pagbasa, sa sulat ni San Pablo. Nuong gabing pinagtaksilan si Hesus, ibinigay niya ang kanyang katawan at dugo ng bagong tipan. Ito po ang ikalawang pagbabago na ginawa sa Eukaristiya. Ang pagtataksil hindi tinapatan ni Hesus ng kapwa pagtataksil. Ang pagtataksil ng kanyang alagad hindi niya tinapatan ng paghihiganti. Binago niya. Ang pagtataksil ni Hudas sinuklian niya ng bagong tipan, bagong pagkakaibigan. Sabi nga po ng mga Obispo ng Asya, the night of betrayal became the dawn of the greatest love. Ang gabi ng pagtataksil binago ni Hesus. Sapagkat sa totoo lang papaano mababago ang pagtataksil? Papaano matitigil ang pagtataksil? Hindi sa pamamagitan ng pagtataksil din. Matatapos ang kasalanan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Iyan ang isang napakahalagang aspeto ng Eukarisitya.

Tayo po minsan kahit sumisimba hindi naman natin binabago ang mga kataksilan sa pamamagitan ng pakikipagtipan. Minsan tayo ang prinsipyo natin, galit ka sa akin, galit din ako sa iyo. Ayaw mo sa akin, eh lalong ayaw ko sa iyo. Pinagtaksilan mo ako, akala mo ikaw lamang ang marunong magtaksil? Kaya ko rin magtaksil! Kumaliwa ka, kumuha ng babae, akala mo hindi ako makakakuha ng lalaki? Kaya walang nababago eh. Yung kasalanan ng isa, tatapatan ng bagong kasalan. At dadagdagan pa! Walang nababago. Walang pagasa. Palalim ng palalim ang hukay ng pagkaalipin. Iyan ay inihinto na ni Hesus. Binago niya. Ang pagtataksil na ginawa natin sa katauhan ni Hudas at ni Pedro, sinuklian niya. Taksil kayo sa akin, mahal ko pa rin kayo. Iaalay ko ang aking dugo para sa inyo. At ang dugo kong ito ay pakikipagtipan ko sa inyo. Sa pagtataksil nasisira ang pagtitipan. Pero si Hesus dala ng pagibig hindi bibitaw sa kanyang pakikipagtipan. At nabago ang mundo. Sa mga magasawang nandito, please, matuto sa Eukaristiya. Sa mga lingkod bayan na nandito, nakipagtipan sa bayan nung kayo ay nahalal. Kung kayo ay natutukso sa pagtataksil balikan ninyo ang ginawa ni Hesus, bumalik kayo sa pakikipagtipan.

Iyan po ang ikalawang pagbabago. Yung una hindi lamang iniaalay ang bagay ang iniaalay, sarili. Ikalawa, ang kasalanan at pagtataksil palitan ng pagibig na nakikipagtipan. At ang panghuli po pagbabago... Sa ebanghelyo, si Hesus guro, Panginoon, ano ang ginawa niya? Naghugas ng paa ng mga alagad. Nagbago. Ang pinuno naging lingkod. Ang pinakadakila binago ang pagiging dakila. Ano ngayon ang sukatan ng kadakilaan? Kung gaano ka kababa. Tama nga po dahil kay Jesus nabago ang lahat. Kung bago sasabihin natin, umaasenso ko; umaangat ka. Ganoon ang kadakilaan. Greatness. An ascent to glory. But in Jesus Christ in the Eucharist, in the Last Supper, that was transformed. You descend to greatness. You dont ascend to greatness. True greatness is seen and found when you stoop down and wash the feet of others even those who are plotting against you. You go that low in service and love and you become great.

Kaya po sa Eukaristiya, hindi puede na sumisimba ka pero saksakan ka pa rin ng yabang! Ang sumisimba ginugunita ang pagaalay ni Hesus bilang lingkod. Pagtulad sa kanya nagiging unti unti na mababa ang loob at lingkod ng lahat. Sabi ni Hesus, kung ako na inyong pinuno at guro ay naghugas ng inyong mga paa, maghugasan kayo ng mga paa.

Ito po ang tatlo. Marami pa. Pero tatlong pagbabago na dulot ng Eukaristiya na sana po ay isapuso at isaisip natin bilang paalala ni Hesus. Ang pagbabago, una. Hindi sapat ang pagbibigay ng pera, gamit, at kung anu-ano. Ibigay ang iyong sarili. Ikalawa. Ang kalapastangan, ang mga pagtataksil huwag ng dagdagan, baguhin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagibig na nakikipagtipan; tapat sa tipanan. At ikatlo. Ang guro, ang dakila kailangan maging mababa, lingkod ng lahat.

Then we have hope for our society. Imagine a society that has been transformed by the Eucharist, where people will not be materialistic but will give each other a loving presence. Imagine a world where there would be no more betrayals but only fidelity to the covenant. Imagine a world where people do not compete out of ambition and pride because their only desire is to serve as a lowly, humble servant. This is the Eucharist. This is the memorial of Jesus. This is the presence of Christ. Dakilang pagibig sa Eukaristiya, saan man matagpuan, si Kristo ay naroroon, walang alinlangan.

Tayo po ay tumahimik sandali at tanggapin sa ating puso ang malalim na kahulugan na iniwan sa atin ni Hesus na alaala sa Eukaristiya at maging handa tayo sa pagbabago dulot nito sa atin at sa lipunan.

 
Pure Divine Action, Feast of Fidelity, Easter Joy

(Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Easter Vigil Mass at the Manila Cathedral on April 4, 2015.)

Alleluia!



We thank you for celebrating this most sacred night, this mother of all vigils here at the Manila Cathedral. May I ask you, who among you are celebrating the Easter Vigil for the first time here at the Manila Cathedral? Wow! Thank you for coming. Thank you for joining us in this most beautiful occasion. Susuwertihin kayo! And we hope you will make it a habit to celebrate this beautiful evening here with us.

Some people might be wondering how come the liturgy is very long. This is just the introduction. Well, if you look at the readings, the nine readings—we had nine readings today in this vigil—we see how the whole of the past history really was leading up to this event. Maikli pa nga kung tutuusin kasi ang lahat ng kasaysayan bago kay Hesus ay isang napakahabang paghahanda ng Diyos at ng bayan para sa dakilang kapistahang ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. We don’t have the luxury of time to go through the nine readings individually but if you look at all of them; you see how common themes tie them up: The theme of creation and how the resurrection of Christ recreates us. The theme of God’s mercy, God’s unrelenting commitment to His people by renewing His covenant and the resurrection of Christ is the sealing of that covenant; The theme of liberation from sin, crossing through Egypt through the waters to liberation, a theme again of our passage from a life of sin to grace. And water. Water is mentioned a number of times in the readings. Water, symbolizing life but also destruction, reminding us of our baptism which according to St. Paul in the letter to the Romans, is our participation in the death of Christ and in the rising of Christ. And so after this liturgy of the Word, we will witness the baptism of some of our brothers and sisters. And we will renew our baptismal promises. Encapsulated by St. Paul, in baptism we are dead to sin, and alive to God. Sa binyag tayong lahat ay namatay na sa kasalanan, ibinaon na ang kasalanan kasabay ng pagbabaon kay Hesus. Pero si Kristo’y muling nabuhay kaya sa binyag, patay sa kasalanan, buhay sa Diyos. Through the water.

But let us dwell on the Gospel and I would like to share with you three points that we can get from the Gospel but with the eight readings as a background. Kung aantukin po kayo, hindi ko po kayo masisi, kaya okay lang. pero kung hindi kayo aantukin mas okay kasi nabuhay na muli si Hesus eh bakit naman kayo mamatay muli?

The Gospel is taken from Saint Mark’s version of the resurrection of Jesus. There is no account of the resurrection per se. how did Jesus rise from the dead, we do not know. In the gospel, the three women going to the tomb early morning of Sunday just discovered that the tomb was already empty and the stone covering the tomb already rolled back. How did it happen? It will remain a mystery in the heart of God. But the significance of the event will remain even with the mystery that envelopes the unique experience of Jesus of his resurrection. But I want to dwell on three important things.

First, the resurrection of Jesus is an action of God the Father. It is a divine action. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay kilos ng Diyos. Ito ay purong banal na kilos. We cannot, we as human beings, we cannot produce the resurrection. Look at the images used in the Gospel to convey to us the truth that this is a divine action in history. The stone rolled back; the presence of the angels; the empty tomb and the message. In other accounts there is even an earthquake. Lahat pong ito ay patunay na ang pagkabuhay na muli ni Hesus ay gawa ng Diyos. And even the expression used, the angel told the women. You seek Jesus of Nazareth, the crucified, HE HAS BEEN RAISED. He has been raised. Hindi yung He rose. Hindi, eh. He has been raised. Binuhay siya. Nino? Ng Ama.

And so dear brothers and sisters, what we are celebrating is pure, pure GRACE, unadulterated grace. This makes the celebration of Easter frightening, for who are we to touch pure divinity? This is one of the most beautiful feasts of the Church, but I tell you, I tremble on Black Saturday when evening comes and the time for the vigil fast approaches. I really am nervous. I ask myself, Chito, how can you handle a pure action of God? How can you touch and proclaim pure divinity? And we just have to say, we are unworthy, we humbly bow before this action of God.

Kaya po ang pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay isang pagdiriwang ng punong-puno ng pagpakumbabaan dahil alam natin ito ay kilos ng Diyos. May I know if there are parents and grandparents here? May mga magulang ba dito, lolo at lola? Wala? Ah, ayan! Siguro sanay na sanay kayo pag natutulog ang asawa niyo ginigising niyo. Pag natutulog yung mga anak niyo dahil may klase na, ginigising niyo. Pag natutulog ang apo niyo ginigising niyo rin. Kapag nagising hindi niyo sinasabing, Ayy, nabuhay na maguli! Hindi po iyon resurrection. Pati tayo pag natulog tayo, pag nagising tayo, nagpapasalamat tayo sa Diyos. We do no say, Hey, the next time I go to Mass, sasabihin ko na lang, Christ has died, Chito is risen, and Christ will come again. Eh, bakit mo ginawa iyon? Eh, nagising ako, eh. Hindi ho, eh, kasi when we wake from sleep a day will come when we will sleep again, wake up again, and then one day, we will not wake up. We will die. Pati yung mga nari-rinig niyo diyan na, Hoy, mahusay itong healer na ito, pati patay nabubuhay. Alam niyo, darating ang panahon, mamatay uli iyon. But the resurrection of Jesus because it is a pure action of God, when Jesus was raised, He did not return to our normal earthly life where one day he will die again. No! He rose from the dead into the fullness of God’s existence where there will be no more sin and death. It is a pure, divine existence. Kaya po we need to reflect on this over and over again. Pray over it and somehow touch pure divinity.

The second point po is, how privileged Mary of Magdala, Mary the mother of James and Salome and the other apostles, that we can learn from them the central message of the resurrection of Jesus, which is fidelity. When Jesus was arrested, put to death, people probably thought, Ah, you, you who claim to be the son of God, you who claim to be the one sent by God, look nothing has happened to your God, nothing has happened to you. But after three days with the resurrection we see God the Father faithful to the Son. People thought that the Father had abandoned Jesus, and for a while, Jesus said, My God, my God, why have you abandoned me? But the resurrection God is shown to us as a faithful God; God who was faithful to Jesus; Jesus who was faithful to the Father, now the Father shows his fidelity to Jesus. And why were the three women the privileged witnesses, the first witnesses of the empty tomb? Because they were faithful to Jesus. While the other apostles had run away, the women according to Mark were there viewing the crucifixion. They were faithful. And the risen Jesus, how faithful. The angel told Mary Magdala and the women, Go tell his disciples and Peter, iyang Peter na yan! Na itinanggi na kilala ako, go to them and tell them, I am going before them to Galilee, I will see them there. The risen Lord remained faithful calling them His disciples.

My dear brothers and sisters, the resurrection is a great explosion of divine, human fidelity. The Father faithful to Jesus; Jesus who was faithful to the Father; the friends of Jesus faithful to Him, and now the Risen Lord faithful even to those who have sinned against Him. So mga kapatid ang fiesta ng Muling Pagkabuhay ay fiesta ng katapatan. Mga magasawa, huwag palalampasin ang gabing ito na hindi kayo nagsasariwa ng katapatan sa isa’t isa. Kung katabi niyo ang asawa niyo, hawakan ninyo ang kamay. Tignan niyo muna kung asawa niyo nga. At sabihin ninyo, sa ngalan ng Diyos na tapat, sa ngalan ni Kristo na muling nabuhay na tapat; sa ngalan nina Maria Magdalena na naging tapat kay Hesus, hanggang sa hukay magiging tapat ako sa iyo. Mga bata maging tapat sa pagaaral. Maging tapat sa kabutihang asal. Ang mga may trabaho maging tapat sa ating tungkulin. Nanawagan tayo sa ngalan ni Kristong muling nabuhay sa mga lingkod ng bayan, maging TAPAT, HUWAG MAGNAKAW! HUWAG IPAGKALULO ANG BAYAN. Ang kapistahan ng resureksiyon ay kapistahan at pagwawagi ng katapatan. Ipakita natin that we are an Easter People through our fidelity. And this being the Year of Consecrated Life, may we call also on consecrated people to everyday celebrate the resurrection by being faithful to their consecration. And on this Year of the Poor let us be faithful to those Jesus loves the most, the suffering and the needy.

And finally, Easter Joy. Do not be afraid, the angel said. And the women were amazed and joyful when they ran to the disciples. But what is the character of Easter Joy? Alam po ninyo ang kaligayahan ng muling pagkabuhay ay isang kaligayahan na tahimik, malalim at kung minsan, naglalakbay sa dilim. In the Gospel that we heard, the women did not see right away, the Risen Lord. It will take a while for them to see the Risen Lord. Easter Joy is motivated by faith. I may not see you yet, but I believe. Even if the tomb and the many tombs of my life are still there, I know they will be empty because your life will replace it. You will transform our tombs from places of death to places of new life. I may not see it yet, but I believe. And the person who believes and walks while believing will know that joy.

Mga kapatid, marami sa atin, lahat naman tayo, hindi laging naglalakbay na maliwanag na maliwanag ang dinaraanan. Hindi naman natin nakikita si Hesus ng lantaran araw araw. Pero katulad nina Maria Magdalena, manalig at lumakad baka sa paglalakad mo masalubong ng hindi mo inaasahan, Easter Joy, that the Lord of surprises can produce. When you least expect it; when you are not even desiring it; when you think you are just walking in an ordinary manner, suddenly He is there. He comes and your joy is affirmed. And may I ask you please believe that our many tombs should not remain places of death; with Jesus they are also places of new life. The tomb where he was buried was also the place where He rose from the dead. That is our joy! Your tears of sorrow are at the same time the tears of hope. As you cry because of your death you also cry because you know that that death is your life, too.

Iyan lamang po.

We are touching a divine action; let us humbly worship the Lord. Secondly, the resurrection is a feast of fidelity. Let us rejoice at God’s fidelity to us and as baptized people, let us live in fidelity. And thirdly, Easter Joy is not boisterous; it is not loud. It is suffered, deep. It is even experienced in tombs; tombs that are transformed from places of death to places of life.

Let us pause and in silence experience the Joy that the Risen Lord offers to us.


 
POVERTY THAT DEHUMANIZES, POVERTY THAT SANCTIFIES CBCP Lenten Message 2014




Do justice, love kindness, and walk humbly with your God (Micah 6:8)


POVERTY THAT DEHUMANIZES, POVERTY THAT SANCTIFIES


CBCP Lenten Message 2014



As we begin this Lenten Season in the Year of the Laity, we invite you, our brothers and sisters, to reflect on poverty, particularly the types that contradict God‟s Kingdom as well as those other types that promote and establish the Kingdom. We do this following the lead of our Holy Father, Pope Francis, whose own Lenten Message takes its inspiration from St. Paul writing about our Lord Jesus Christ: “He became poor, so that by his poverty you might become rich” (cf. 2 Cor 8:9).
Read More

 

 
Sino Nga Ba?

(Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Friday of the Lord’s Passion service at the Manila Cathedral on April 3, 2015 at 3 p.m.)

Muli na naman natin ginugunita ang isa sa pinakamadilim na araw sa kasaysayan ng mundo: ang pagpapapatay kay Hesus. Subalit sa mata ng pananampalataya, sinasabi din po natin at ipinahahayag na ang araw na ito ay araw ng pagluluningning dahil sa dakilang pagibig na nagbigay sa atin ng kaligtasan at bagong buhay. Ako po at tatlumpo at tatlong taong pari na at isa sa pinakahinihintay kong araw ay ang biyernes santo. Parang ito yung araw na di ka mauubusan ng maibabahagi sa mundo. Pero ito rin po ang araw na kinatatakutan sapagkat pumapasok tayo sa pinakamalalim na misteryo ng pakikitungo ng Diyos sa atin para lagi ring kapos ang ating kaalaman at salita upang maipahayag bakit ang pagibig na nagliligtas kailangang dumaan sa hapis at kamatayan.

Sa dunong ng tao hindi po natin ito lubos na mauunawaan at maipapaliwanag. Kailangan po talaga ng mata ng pananampalataya. At kahit na sa pananampalataya lagi pa rin kapos. Subalit kahit kapos at kulang kailangan natin ipahayag ang dilim ng kasalanan at ang epekto nito na buong pagibig na tinanggap ni Hesus bagamat siya ay walang kasalanan upang tayo na makasalanan ay mabigyan ng bagong buhay. Ibig ko pong magbahagi sa inyo ng ilang pagninilay, papaano nga ba tayo naligtas sa pinagdaanan ni Hesus. Siya hindi nakaligtas pero dahil dun tayo ang naligtas. Kabalintuan para maligtas tayo siya hindi pinaligtas at hindi nakaligtas.

Ang una pong baunin nating pagninilay ay ito. Sabi po ni Propeta Isaias tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayun din ang kirot na tayo sana ang lumasap. Akala natin ang dinanas niya ay parusa sa kanya ng Diyos subalit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan. Siya ang binugbog dahil sa ating kasamaan. Iyan po ang pangitain ng propesiya ng Propeta Isaias. Papaano iyan nangyari kay Hesus? Mga kapatid, sana maanting ang puso natin. Nang si Hesus ay sinunggaban na, pinuntahan ng mga dadakip sa kanya, ang tanong niya, “Sino ang hinahanap ninyo?” Nung sinabi nila na “Si Hesus na taga Nasaret,” hindi siya nagtago; hindi siya nagturo ng iba. Madilim noon at puede naman niyang ituro kahit sino, yan si Hesus. Hindi. Buong tapang, buong katotohanan sinabi niya, “Ako si Hesus.” Alam niya na pinaghahanap siya, puedeng tumakas, puedeng magkubli. Hindi niya ginawa yan. Ako si Hesus. At mukhang nagulat yung mga dadakip kasi kung tayo iyon takbuhan, tago ka na, ipain mo yung iba, magbago ka ng pangalan. Maraming alias, huwag kang aanga anga.

Nagulat ang mga dadakip sa kanya dahil siya ay makakatotohanan. Kaya siya pa ulit ang nagtanong, Sino ba ang hinahanap ninyo? Si Hesus po na taga Nasaret. Sagot niya, Sinabi ko na Ako si Hesus. Kung Ako ang hinahanap niyo, hayaan ninyong umalis ang mga taong ito. Nakakadurog ng puso. Ganyan tayo iniligtas ni Hesus. Ako pala ang hinahanap ninyo, ako si Hesus, sila mga alagad ko, palayain ninyo. Hayaan ninyo silang umalis, ako naman pala ang hanap ninyo. Ganyan tayo naligtas. Si Hesus na mismo ang nagsabi sa mga dadakip sa kanya, Hayaan ninyo silang umalis. Bagamat kung tutuusin sila ang dapat dakpin at siya at ang dapat umalis. Ganito ang pagibig na umako sa ating sakit.

Mga kapatid, kung ako ay naroroon at narinig ko si Hesus na magsabi, hayaan ninyong umalis ang mga taong ito, isang bahagi ng pagkatao ko ang magsasabing, Salamat, pinalaya kami ni Hesus. Siguro tatakbo ako ng pinakamabilis at sasabihin ko sa sarili ko, Hindo ko na ito kasalanan, hinayaan na kami ni Hesus eh, pinakiusap pa niya. Pero aaminin ko, siguro habang ako ay tumatakbo, darating ang punto na babagal ako, titigil ako, makokonsiyensiya ako. Bakit niya, bakit niya ginawa iyon? Bakit niya pinili magisa? Bakit niya ako inililigtas? Sino ako para maging kapalit ng kanyang buhay?

Mga kapatid, pumunta po tayo dun, pakinggan natin ang sinasabi ni Hesus, lumaya lang kayo, ako ang dadakpin. Hayaan nating umalingawngaw sa ating konsiyensiya ang ganitong pangungusap, ganyan tayo kamahal ni Hesus. At ito po ay espesyal na pagmamahal. Kita naman natin sa mundo ngayon walang umaamin. Lahat nagtuturuan. Ipapanganib ang iba maligtas lang ang sarili. Si Hesus hindi ganyan. Aaminin niya, Ako si Hesus, palayain ninyo sila. Tayo walang umaamin sa kasalanan, laging kasalanan ng iba. Mga magulang kapag bumagsak ang inyong anak sa iskuwela huwag naman ninyo laging sinisisi ang titser. Baka naman mayroon talagang pagkukulang ang inyong anak; baka hindi nagaaral. Mga asawa, pagkayo ay nagtaksil, kalimitan sinisisi niyo po ang asawa ninyo. Sa sasakyan pag nasagi, walang umaaming kasalanan ko iyan, laging kasalanan nung iba. Pati ho kami. Pagnatutulog ang mga tao sa aming homilya, ayaw naming aminin baka kami ang nagpapatulog. Sasabihin lang namin, Walang interes. Pero baka kayo rin, na kapag kayo ay natutulog ang sinisisi niyo lagi nakakaantok yung pari. Eh baka naman napuyat kayo sa kato-tong-its. Ang mundo natin ngayon, turuan, turuan, ang tawag escape-goating. Si Hesus iba! Ako ang hinahanap ninyo; ako ang dakpin niyo. Palayain ninyo sila. Iyan ang pagliligtas sa atin.

May ikalawa pa po. Noong si Hesus ay binugbog na, pinahagupit na ni Pilato, iniharap siya sa mga tao sa pagbabasakali ni Pilato makukuntento na ang mga galit kay Hesus at maantig na ang kanilang mga puso at pagnakita nila siya ay duguduguan na, baka sabihin nila, Tama na. Nagdusa na siya, tama na. Pero hindi po nangyari iyon. Pero mahalaga yung sinabi ni Pilato noong inilabas na si Hesus, halos hubad, duguan, na sabi nga sa unang pagbasa, hindi na mukhang tao; mukhang busabos. Pero ano ang sabi ni Pilato, Narito ang Tao. Ecce homo. Narito ang tao. This is the Man. Siguro hindi po naisip ni Pilato na yung sinabi niya ay isa ring pangungusap ng kaligtasan para sa atin. Itinuturo ni Hesus na hubad, walang maipagmamalaki; hind na maipagtatanggol ang sarili, walang kapangyarihan at walang tumutulong, ipinakita niya sa atin papaano maging Tao. Narito ang Tao. Wala ng magagarang damit si Hesus. Wala ng makinis na balat. Wala nang mapormang buhok. Wala ng kaibigan. Wala ng humahanga.

Ano na lang ang dinadala ni Hesus? Integridad! Katapatan sa Diyos, pagmamahal sa kapwa. Hinubad ng lahat, iyan lang ang natira. Iyan ang Tao. Inililigtas niya ang tao. Ibinabalik niya ang tunay na Tao. Na nung panahong iyon hanggang ngayon, ay palabo ng palabo. Akala ng iba para maging tunay na tao, kailangan mayaman ka. Mas may pera ka mas mukha kang tao. Mas signature shirts ang suot mo mas mukha kang tao. Kaya mangungutang, magnanakaw, magtitinda ng shabu, gagawin lahat para magmukhang tao! Para bagang ang pagkatao ay nasa suot. Magkaroon lang ng tigyawat, hindi na makatulog, hindi na makalabas. Parang hindi na akong tao, nakakahiyang humarap sa mga tao. Banat dito, banat dyan. Lahat ng pera gagamitin dyan para magmukhang tao! Nililinlang tayong lahat, hindi iyan ang pagiging tao. Isinasalba tayo ni Hesus sa lahat ng mga trap nakinahulugan na natin. Hindi iyan. Hindi sa suot. Hindi sa dami ng pera mo. Hindi sa anyo mo. Hindi sa poder. Hindi diyan nasusukat ang iyong pagkatao. Kung makakaharap ka sa Diyos dahil ikaw ay tapat; kung makahaharap ka sa tao dahil ikaw ay may wagas na pagibig, pagkalinga, pagdamay, tao ka! Huwag mong ikahihiya iyan. At sa Taon ng mga Dukha, huwag nating maliliitin ang mga walang wala, dahil mayroon pa silang kayamanan, ang kanilang pagkatao. Kaya si Hesus naging dukha upang ipakita, ito ang pagiging tao.

Sa mga kabataan na nandito, please, huwag kayong maniniwala sa kung anu-anong kaisipan, at kung anu-anong advertisement, na para kayo magmukhang tao ang inyong buhok ay laging makinis. Kahit wala kang buhok, kung marangal ka tao ka! Huwag kayong maniniwala na ang inyong pagkatao ay nasusukat sa dami ng mga aretos sa katawan, na halos hindi ka na makatayo ng tuwid dahil sa dami nang inyong mga alahas. Hindi tao ang tawag diyan. Ang tawag diyan, cabinet. Maging tao ka! Kala nung ibang tao diyan nagmumukha silang tao, cabinet ka. At huwag mo akong payayabangan, I am not impressed! I will not tremble before you. I will tremble before the person presented by Pilate: This is the Man. Iligtas po natin ang ating kapwa na nilalamon ng maling pagkatao. Ginawa iyan ni Hesus, samahan natin si Hesus.

At panghuli po. Si Hesus na nagsabi hayaan ninyo silang umalis, naranasan niya ang pagiisa. Pero doon sa krus, ano ang sabi niya nung nakita niya ang kanyang Ina. Ginang narito ang iyong anak. At sa alagad na kanyang minamahal, Narito ang iyong Ina. Itong iniwan na nagiisa ang kanyang ganti, sa aking pagiisa sana kayo magugnayan. Sa aking pagiisa, wala sanang magisa. Ina ito ang anak mo, at ito na ang iyong Ina. Saan sila naguugnay? Kay Hesus. Ina ni Hesus, alagad ni Hesus, ngayon sila na ang magkasama dahil sa kanya. Siya na mawawalan ng ina at iniwanan ng mga alagad. Tayo ang bunga ng kanyang pagiisa. Ibinibigay niya tayo sa isa’t isa. Hindi man tayo magkakadugo; hindi man tayo magkaka-probinsiya dahil kay Hesus, Ina natin sila; Ama natin siyla; kapatid natin sila. Siyang nagiisa sa krus nagiwan ng kapatiran.

Baunin po natin sa ating paguwi sa araw na ito; sa ating paglapit sa krus; sa ating prusisyon, baunin natin ito. Papaano nga ba tayo naligtas? Una, si Hesus hindi tayo pinahamak. Sinabi niya, paalisin ninyo sila. Iniligtas niya tayo. Ikalawa, itinuro niya kung papaano tunay na maging tao; inililigtas tayo sa mga huwad na kaisipan at pamamaraan ng pagpapakatao daw. At ikatlo. Ibinigay niya sa atin si Maria. Ibinigay niya tayo kay Maria. Ibinibigay niya ang bawat isa bilang kapatid, at sa Taong ito ng mga Dukha, marinig sana natin ang sinasabi ni Hesus, narito ang iyong kapatid; narito ang iyong pamilya.

Sa pagtatapos po, ibig kong basahin ang isang parang tula na isinulat ni Propesor Rolando Tinio. Isang tula para sa misa ng Alay Kapwa na ang titulo ay, “Sa Pagdurusa ng Iba.” At ito po’y nilagyan ng musika ni Father Hontiveros. Nakalimutan na ang awit na ito. Ito’y awit na maraming tanong. Tanong natin kay Maria. Tanong natin kay Hesus. Tanong natin sa Diyos Ama. Tanong natin kay Hudas Iskariote. Tatapusin ko po ito sa mga tanong na ito na sana tanungin din natin.

Sa Pagdurusa ng Iba

Sa pagdurusa ng iba na si Jesus ay nagpasan
Ako kaya Mariang Ina ay dapat mong pagbintangan?

Sa pagkahapis ng aba na di mabilang kung ilan
Poong Ama, ako kaya ang dapat mong paglupitan?

Sa ulit-ulit na hibik na di ko ibig pansinin
Sa ulo mo, Jesus, tinik baga akong dumiriin?

Pagkat wala akong tugon, wala akong ginagawa,
Parusa mo Panginoon, baka ako ang lumagda?

Sa dami ng itinaboy na sukat sanang naharap,
O Iskaryot sa pilak mo’y ba’t hindi ako ang tumanggap?


Sino ba ang tunay na nagkalulo? Sino ba ang tunay na tinik? Sino ba ang lumagda sa hatol? Sino nga ba?

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>