HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
The Philippine Conference on the New Evangelization

(Opening statement of His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Press Conference on the Philippine Conference on the New Evangelization, on August 13, 2013, at the Quadricentennial Pavilion, University of Santo Tomas beginning at 10 a.m.)



Photogallery



Magandang umaga po sa inyong lahat. Magkakakilala naman po ba kayo? Kahit naman po galing po kayo sa iba’t ibang istastyon at outfit sa kuwarto pong ito magkakaibigan tayo. Magbatian po muna kayo. Paminsan minsan nagbabatian yung mga iba’t ibang...

Siguro po dahil yung ating Philippine Congress (Conference) on New Evangelization ay maggamit ng maraming story telling, paghahatid ng mga kuwento ng buhay pananampalataya, ikuwento ko rin ho sa inyo kung bakit tayo nagkaroon ng ganitong inspirasyon. Ang una po ay ang panawagan ni Pope  Emeritus Benedict XVI ng Taon ng Pananampalataya, the Year of Faith, upang matuklasan muli ng mga mananampalataya, ng mundo ang ganda ng pananampalataya. Kasi po may mga bahagi ng mundo na ang pananampalataya ay kung baga, extra curricular activity na lang at sinasabi nung iba na puwede namang tumuloy ang buhay kahit walang pananampalataya. Pagkatapos po niyan tumawag siya ng isang pagtitipon ng mga obispo ang tawag po yung Synod of Bishops. At doon po sa Synod of Bishops ang pinakatema ng paguusap ay “New Evangelization for the Transmission of the Faith.” So makikita po natin na yung Synod of Bishops na iyon na ginanap nung October 2012 ay upang ipagdiwang yung Year of Faith subalit mayroong tulak na ang tawag nga po ay New Evangelization. Pag sinabi ko pong New Evangelization yun po naman yung misyon ng Simbahan nung una pa hanggang sa ngayon. Hindi naman nababago ang misyon, it is stille evangelization, na ang ibig sabihin po ay pagpapahayag sa salita, sa gawa, sa ating pagkatao, sa ating paguunayan, sa ating mga estruktura ipahahayag ang ebanghelyo, ang mabuting balita na sa bandang huli ay balita na hindi lamang salita kundi salitang nagkatawang tao. Balita na naging tao, si Hesus. Siya ang ebanghelyo na buhay. Siya ang mabuting balita, ang mabuting salita ng Ama para sa mundo at sa kasaysayan at sa kanya nakatutok ang pananampalataya. So doon po sa Synod of Bishops na nagkataon po ay ako ay nakasama, lumitaw po ang mga ideya at mga pagbabahagi ng mga obispo, mga layko, mga religious galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At sa akin pong pagsasala, doon po umusbong itong ating mga objectives ng Philippine Conference on New Evangelization. Malinaw na malinaw po doon sa Synod of Bishops to celebrate the Year of Faith and to embark on the New Evangelization ang tatlong bagay ho.

Una papaano natin ipahahayag si Hesus kung hindi natin siya nararanasan? Pati nga ho sa ordinaryong buhay sino ho ba ang kapani-paniwala na saksai? Ang kapani-paniwala na saksi ay yung nakakita, nakaranas, nandoon sa pangyayari. So sino ang puwedeng sumaksi kay Hesus? Yung may buhay na ugnayan at karanasan kay Hesus. Kaya ang new evangelization ay hindi lamang mga strategies ngunit nakaugat sa experience, a renewed experience of Jesus. Kaya po yun ang isang objective natin sa PCNE na magkaroon muli sa pamamagitan ng tatalong araw dito po ng karanasan kay Hesus.

Ang ikalawa po ay ito. Sa mundo ngayon, sino po ang inatasan ni Hesus na siya ay ipakilala sa mundo? Walang iba kundi ang kanyang katawan na tinatawag nating Simbahan, ang kanyang presensiya sa mundo. Ang sambayanan na galing sa ating mga marurupok at makasalanang tao subalit mahal ng Diyos, pinagkakatiwalaan niya, tinatawag, sinners yet loved at ang tindi ng pagpapahalaga ay ng tayo ay ginawa niyang bayan, bayan ng Diyos, katawan ni Kristo at templo ng Espiritu. Bahagi po ng evangelization ay matuklasan muli ang kagandahan ng pagiging simbahan at hamunin ang ating mga sarili,   kamusta ba tayo? Nagiging matapat ba tayo sa ating pagiging katawan ni Kristo? Kaya nga po hindi lamang ito parang taking pride in being Church but it is a humble pride, kasi yung humble in the sense na alam natin na kailangan na tayo ay laging lumilinis, lagi tayong lumalago sa pagiging katawan ni Kristo. So yun po ang ikalawang objective ng PCNE na magkaroon ng karanasan ng buhay ng simbahan na parang kung baga umaamin sa ating mga kakulangan, subalit may pagasa na hindi ay iniiwan ni Hesus ay tayo pa rin ang inaasahan ng maging presensiya niya sa mundo.

At ang ikatlo na malinaw na malinaw sa Synod of Bishops ay, sabi po ni Ambassador Tita at ni Monsignor Gerry, ang ating misyon ng pagpapahayag ng pananampalataya ay nagaganap sa mundo na pakabilis ng mga pangyayari at pagbabago. Nung ako po ay bata wala pang computer, wala pang cell phone. Kung ako ay nasa Maynila tatawag sa pamilya ko sa Cavite, dadaan ka pa sa operator, siguro yung iba sa inyo nakaranas pa nun. At itatanong pa ng operator, sino po ang magbabayad nito? Collect call ba iyan? Pagna-aalala ko pa iyan parang Wow, bago ka makakonekta sa pamilya mo marami ka pang dadaanan. Lalo na po nung ako ay nasa abroad talaga naman yung overseas  calls ay ... yung pitong taon kong wala sa Pilipinas once a year lang ako nakakaoverseas call. At parang tanggap mo na ganoon. Dati rati susulatan ka, maghihintay ka ng dalawang linggo, tatlong linggo bago dumating ang sulat sa iyo. Sasagutin mo, mga tatlong linggo rin bago dumating dun sa sinulatan mo. Ngayon! May magtetext sa iyo, nakalagay 6:45, pag 6:46 nagtetext na uli sa iyo, ano ang sagot mo?. Ang daming pagbabago, ang dami po. At ang lahat pong ito—migration, ecological changes, patuloy pagkalat ng karukhaan. Dati nangingibang bayan ang mga taon dahil mayroon kang pangarap. Ngayon nangingibang bayan, nagpupunta sa mga lugar na hind mo papangaraping pupuntahan pero napipilitang pumunta dahil nandoon ang kita, nandun ang trabaho kahit medyo peligroso sa lugar na iyon. Ang dami po. Ang ang hamon po ng New Evangelization ay ang ebanghelyo, si Hesus ay laging bago. Sabi nga po ng sumulat ng Letter to the Hebrews, “Jesus the same yesterday, today and forever.” The eternal word of God. He will not become old; He is forever new, and forever young. Kaya lang, nagiiba ang mundo. Ang simbahan din ay kailangang unawain ang nagbabagong mundo upang ang mensahe na si Hesus, ang larawan ni Hesus ay laging maipapahayag na Bagong Balita sa nagbabagong mundo. Kaya po ang misyon din ng New Evangelization ay unawain ang mundo natin. Malinaw po sa synod of bishops ang mundo natin ngayon maraming problema, maraming contradictions pero sabi po sa ating ng new evangelization, unawain ang mundo, at huwag lang tignan kung ano ang mga problema. Tingnan din kung ano ang mga opportunities for mission na nandyan sa mundo kahit mukha siyang.. kahit mabigat pero nandiyan din ang mga binhi ng mabuting balita kasi ang mundong ito ay mundo pa rin ng Diyos. Kaya sinasabi po ng ating Ambassador Tita at Monsignor Gerry this PCNE will be a celebration of joy. Sabi nga ni Father Deng, this will even be a continuation of the quadricentennial, a jubilee kasi may nangyayari sa mundo pero hindi pinababayaan ng Diyos ang mundo. Sa dami ng problema natin nandiyan siya, titignan natin, hahanapin natin siya at atin pong tutugunan ang kanyang paanyayang ipahayag ang Mabuting Balita sa ating mundo sa kasalukuyan.

At bilang pagtatapos po, itong tatlong aspeto na ito, maranasan muli si Hesus, mapanibago ang Simbahan bilang Katawan ni Kristo at may pananampalataya, may ligaya, may realismo at pagasa rin na harapin ang mundo sa kanyang kadiliman subalit nakita rin ang mga liwanag sa mundong ito. Ito hong drive na ito ay may destination, gusto sana nating ma-abot yung mga taong hindi pa nakakarinig kay Hesus, which is a constant mission of the Church, kaya nga po nagiimbita rin tayo ng mga kapatid natin na galing sa ibang Asian countries na kung saan ang simbahan ay a small minority, marinig rin natin ang kuwento nila. Papaano ba maging Simbahan, Christian sa isang bansa na walang pang one per cent ang Christian presence. Papaano isabuhay ang pananampalataya sa isang bansa na hindi lamang kakaunti ang Kristiyano kundi unti-unting parang mahirap ipahayag ang pananampalataya. Magandang marinig nating mga Filipino  iyon. At tayo rin ay magpunyagi na maging misyonero, sa mga lugar lalo na sa Asia kung saan hindi pa naririnig ang Mabuting Balita. May isa pa ho, paanyaya ng mga lay associations na tutukan ang pamilya, mga kabataan ang mga dukha. Lalo na ang mga dukha na nangangailangang marinig muli ang mabuting balita. Kasi pag dukha araw araw ang balita ng buhay mo ay hindi maganda, hindi mabuti. Kaya papaano ang mabuting balita ni Hesus ay talagang espesyal para sa kanila. At ikatlo ay muling pagalabin ang diwa ng pananampalataya sa mga Kristiyano na naglalamig na sa pananampalataya. Kaya yung mga tanong ng mga Kristiyano na parang nawawalan na ng gana ay mapakinggan. Kaya nga po kung darating kayo matutuwa kayo sa mga titles nung mga streams at mga tracks talagang kinuha natin ang lenguahe ng mga ... halimbawa, “Church: BOOORRRINNNGG!!” Isang workshop yung ang title ang subtitle ay: Talaga bang walang buhay ang pagiging pananampalataya. We listen to comments, especially of the young, baga doon sa seemingly negative comments ng kabataan nandoon din ang opportunity for mission.

Pangarap po natin, sabi nga po ni Msgr. Gerry, na ito ay isang humble offering to the Church, universal, in this Year of Faith. At alam ko po na maraming bahagi ng Simbahan na nagtatanong ano ang sinubukang gawin sa inyong bansa para maisulong ang New Evanglization? Kaya ito po ay gagawin natin October 16 to 18, hindi lamang po para sa ikabubuti ng Archdiocese of Manila. Ito po ay ating ambag sa Simbahan sa buong Pilipinas, ambag din po natin ito sa Simbahan sa Asia at kahit po very humble offering po sa Universal Church. In fact po nung umattend ako ng meeting sa Roma nung June nabanggit ko po ito at interested sila na balitaan sila kung ano ang mangayayari. Malay natin magpadala pa po ang some offices in the Vatican ng participants, observers, para makita a Filipino contribution to the New Evangelization and the Transmission of  Faith, na Filipino ang flavor, na Asia ang flavor. So hindi naman ho sa tayo ay nagmamalaki pero ito po ay tugon natin, humble contribution to the Universal Church. Ipagdasal po natin na maganap ito taon taon na. Na yung ating paghahanda sa 2021, the 500th anniversary of the coming of Christianity to the Philippines,   taon taon po ay may tema ang CBCP. Hopefully through the PCNE makatulong din tayo sa buong Pilipinas sa paghahanda sa 2021 celebration.