Search our site  

Advance Search    
               
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

GO FOR AN ECOFRIENDLY CHRISTMAS
Panawagan at Patnubay para sa Simple, Makatao at Makakalikasang 
Pasko’t  Bagong  Taon

Sa patuloy na pagbabago ng ating lipunan ay nag-iba na rin ang ating mga istilo’t pamamaraan ng pagkonsumo at pamumuhay.  Ang Pasko, halimbawa, na dati rati’y payak at ispiritwal – ngayon ay magarbo na’t komersyal. Nitong mga huling dekada ay naging kakabit na ng ating pagdiriwang ng kapaskuhan ang paglikha ng basura’t polusyon sa ating kapaligiran. Para nga yatang naging kakambal na ng ating taunang ritwal ang walang pakundangang pag-aaksaya at pagtatapon sa ating mga bangketa’t  lansangan, kanal, estero’t ilog, bakanteng lote’t bukas na tambakan. 

Sa napipintong pagsapit ng Pasko’t Bagong Taon ay maiba naman tayo.  Tungo sa kakaibang paggunita sa Pasko ng pagsilang ng dakilang tagapagligtas, at pamamaalam sa 2005 at pagsalubong sa 2006, ang Ecological Waste  Coalition ay nagsusulong ng isang panawagang pampubliko tungo sa isang “ecofriendly Christmas.”

Layunin ng munting pagsusumikap na ito na himukin ang madla na ibalik at buhayin ang makabuluhang pagdiriwang ng Pasko’t Bagong Taon sa simple, makatao at makakalikasang paraan.  Ang patnubay na ito ay nagtataglay ng ilang mga praktikal na mungkahi kung paano gagawing “ecofriendly” ang mga dekorasyon, kasayahan, at regalo sa Pasko, at gayundin ang Simbang Gabi at Bagong Taon. 

Ang mga sumusunod na grupong katuwang ng Ecological Waste Coalition ay nagtulong-tulong upang mabuo ang patnubay na ito: Archdiocese of Manila Ecology Desk, Bangon Kalikasan Movement, Cavite Green Coalition, Concerned Citizens Against Pollution, Global Alliance for Incinerator  Alternatives, Greenpeace Southeast Asia, Health Care Without Harm, Institute for the Advancement of  Educational and Ecological  Alternatives, Kaalagad Katipunang Kristiyano, Maskara, Miriam PEACE, Mother Earth Foundation, Sining Yapak, Soljuspax, Tanggol Kalikasan, at Zero Waste  Philippines.

I.  Christmas Decorations

  • Gamitin muli ang mga palamuting ginamit noong nakaraang Pasko.  
  • Gawing pampamilyang proyekto ang paglikha ng mga palamuti tulad ng parol at belen mula sa mga bagay na makikita sa loob ng bahay o bakuran.  Subukang gumawa ng mga dekorasyong “biodegradable” mula sa mga tuyong dahon, damo, bulaklak, busal ng mais, sanga, balat ng kahoy, saha ng saging, palapa ng niyog at iba pa.
  • Para sa Christmas tree, maaaring gumamit ng maliit na puno o malaking halaman na nakalagay sa paso, o sanga ng punong kahoy o walis tingting na maaaring ipatong sa garapon o paso.
  • Kung kailangang bumili ng dekorasyon, piliin ang mga yaring lokal, gawa sa natural na materyales, di nag-aaksaya ng enerhiya, di madaling masira, di lumilikha ng kalat o lason pagkagamit. 
  • Ipagpaliban ang pagsisindi ng Christmas lights para makatipid sa kuryente at gamitin ang natipid sa kawanggawa, katulad ng napagpasiyahan sa lunsod ng Makati. Sapat na ang isang parol na may ilaw sa gabi. Kung di maiiwasan, tipirin ang paggamit at  gumamit lamang ng bumbilyang mababa ang wattage dahil  mas maliit ang konsumo nito sa kuryente at di gaaanong  nag-iinit.

2.  Christmas Parties

  • Iwasan ang magarbong kasayahan at ipagkaloob ang natipid sa mga pamilyang dukha at salat sa pagkain, damit, gamot at iba pang batayang pangangailangan. 
  • Isama sa pagpaplano ng party kung paano makapagbibigay aliw at tulong sa mga maralita sa ating paligid.  Halimbawa: a) mangulekta ng mga luma ngunit malinis at maayos na mga damit at laruan na ipamigay sa mga batang lansangan, b) isama ang isang pamilyang maralita sa inyong salo-salo, c) ihandog kahit 1% lamang ng gagastusin sa kawanggawa.
  • Gawing “team building activity” ang paghahanda sa Christmas party.  Halimbawa: grupo-grupo ang pagluluto, pag-aayos ng lugar, paghahanda sa palatuntunan, paglilinis ng lugar at iba pa.
  • Kung mangongontrata ng pagpapakain, hilingin sa caterer na gumamit ng mga reusable na utensil (baso, plato, mangkok, kutsara, tinidor at kutsilyo).  Kung bibili sa labas, magdala ng mga lalagyan upang makaiwas sa mga disposable na nagiging basura lang.
  • Tiyakin na may bukod na lalagyan para sa nabubulok at di nabubulok na mga panapon.  Gawing compost ang mga nabubulok at ibalik sa lupa.  Gamitin muli o ibalik sa pabrika ang mga di nabubulok.
  • Iwasan ang paggamit ng styrofor, plastik at mga disposable utensil na madalas ay itinatapon na lamang at sa tambakan ang bumabagsak.  Piliin ang mga reusable upang magamit pang muli sa ibang okasyon.
  • Iwasan ang paggamit ng isahang gamit na table napkin. Maaaring gumawa ng mga maliliit na panyo mula sa katsa o supot ng arina, labhan ito pagkagamit, itago at gamitin sa susunod na okasyon.
  • Mag-isip ng mga makabuluhang ritwal o palatuntunan sa party na mag-iiwan ng mensahe tungkol sa makabuluhang pagdiriwang ng pasko na magdudulot ng higit na pagkakaisa para sa kapakanan ng bayan at kapaligiran. 

3.  Christmas Gifts

  • Kalapin at ipagkaloob sa kawanggawa ang mga di kailangang regalo, kasama yung mga damit, laruan at aklat na napagkalakihan na.
  • Magvolunteer at ihandog ng libre ang oras at talento sa mga gawaing makatutulong sa kapwa, komunidad at kalikasan: tumulong sa  mga proyekto ngayong kapaskuhan ng iyong barangay,  simbahan, paaralan o samahan. 
  • Magkaloob ng mga handog na mula sa mga bagay na nariyan na't binigyan ng panibagong-anyo o gamit: sa halip na nagdagdag-basura ay nagbawas ka pa, nakapag-ensayo ng pagiging malikhain, at nagpatunay na binigyan mo ng panahon at pansin ang tumatangap.
  • Lumikha ng sariling regalo para sa mga kapamilya at kaibigan: lutong bahay, halaman mula sa bakuran, scrapbook, CD music selection at iba pa.  Mas praktikal na alamin sa pagbibigyan kung ano ang gusto nilang matanggap na regalo sa kapaskuhan upang tiyak na magugustuhan ang regalong ibibigay.
  • Magbigay ng mga bagay na tubo, gawa o luto sa probinsyang pinagmulan: prutas, gulay, halaman, kakanin, minatamis, panghimagas, katutubong alak (basi, lambanog, tapuy, tuba), pampalasa (bagoong, sinamak, suka, patis, paminta, laurel, oregano, anise, kasuba), gamit pambahay (walis, basket, bayong) at  iba pa.
  • Maghandog ng mga makakalikasang regalo na gawa sa mga recycled na materyales o mga bagay na nagsusulong sa “sustainable living.”  Kung bibili ng regalo, pumili ng mga produktong hindi  galing sa “old-growth forests,” walang “GMO,” di “fossil- fuel based,” di nakakalason, di gawa ng “child/ abusive  labor.”
  • Magbigay ng mga bagay na magtuturo sa pagbibigyan kung paano mag-recycle.  Halimbawa: handouts, primers at manuals sa iba’t ibang klase ng recycling.
  • Pumili ng mga regalo na di na kailangang ibalot pa. Halimbawa: pagbigay ng halaman sa paso, masahe ng mga masahistang bulag, gift cheque, concert ticket, raffle coupons at iba pa.
  • Huwag ng ibalot pa ang regalo.  Kung nais ibalot, gamitin ang mga lumang magasin o dyaryo (comics section), papel na supot,  pinaglumaang bandana o retaso.  Imbes na plastic tape o  ribbon, maaaring gumamit ng abaka o sinulid bilang panali.  Maaari din gumamit ng  kraft paper (magandang guhitan ng mga malikhaing  dekorasyon gamit ang colored pencils). 
  • Padalhan ng e-cards ang mga kapamilya at kaibigan na may access sa Internet. Kung magbibigay ng Christmas card, sikaping gumawa ng sariling card na mas personal ang dating at mensahe, o tangkilikin ang mga Christmas card na gawa ng mga grupong may ispesyal na misyon o krusada. Para sa mga local na kaibigan, tumawag na lang sa telepono o mag-alay ng Misang Pasasalamat (para sa mga Katoliko) upang higit na makaiwas sa paggamit ng mga materyales.

4.  Christmas Shopping

  • Planuhin ang pamimili at suriing mabuti ang listahan upang makapagbudget ng husto at makatipid sa biyahe at sa gagamiting gasolina o diesel.
  • Magbitbit ng bag, basket o bayong para sa mga pinamili upang maiwasan ang paggamit ng sangkatutak na plastic bag.
  • Huwag bilhin ang mga bagay-bagay na labis-labis o magara ang balot.  Tandaan na ang halaga ipinangbalot ay ipinapatong sa presyo ng bagay na binili.

5.  Simbang Gabi

  • Para sa mga simbahan, iwasan ang paggamit ng plastik na banderitas at ang labis-labis na ilaw, laluna sa pader at bakuran ng simbahan.  Imbes na plastik ay maaaring gawing tela ang banderitas upang ito'y paulit-ulit na magamit. 
  • Iwasan ang balot na plastik sa mga pagkain bibilhin. Makiusap sa mga tindera ng puto bongbong, bibingka at kape na kung maaari ay gumamit ng dahon ng saging para sa mga kakanin at reusable cup naman para sa inumin. 

6.  Bagong Taon

  • Iwasan ang paglikha ng basura’t polusyon sa pagsalubong sa Bagong Taon sa pamamagitan ng mga sumusunod:

- malikhaing paggamit muli (reuse) o pagreresiklo (recycle) ng mga bagay na balak itapon kapag naglilinis ng bahay

- paggamit ng “non-toxic” na mga bagay panglinis (halimbawa: suka imbes na muriatic acid)

- paghahanda ng sapat at di labis-labis na pagkain sa media noche upang makaiwas sa pagkapanis o pagkabulok

- di paggamit ng styrofor, plastik at mga isahang gamit pangkain

- di pagsusunog ng gulong at iba pang mga bagay-itsahan ng mga paputok

- di paggamit ng watusi, labintador, bawang, sawa at iba pang uri ng mga paputok

- imbes na magpaputok ay lumikha na lamang ng ingay mula sa pagsigaw, pag-alog ng mga barya, pag-uumpog ng kaldero’t takip nito at iba pa

Salamat po sa inyong pagtangkilik sa isang simple, makatao at makakalikasang Pasko’t Bagong Taon!

ECOWASTE COALITION
Pasko 2005

Lou Valencia Arsenio
Advocacy Program Officer
Caritas Manila
Philippines

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

web page hit counter

c="../../images/nav/nav_history.gif" alt="History of the Archdiocese" name="nav_history" width="160" height="20" border="0" onMouseOver="MM_showMenu(window.mm_menu_0627145825_0,110,0,null,'nav_history')" onMouseOut="MM_startTimeout();"> The Clergy Archdiocesan Directory Pastoral Programs Library Gospel Readings RCAM News Links Contact Information