Cardinal Rosales: Jesus is with the poor
Manila Archbishop Gaudencio B. Cardinal Rosales led in the observance of the traditional nine-day Simbang Gabi in the Archdiocese of Manila with a dawn mass at the Manila Cathedral on Sunday, December 16.
In this devotion unique to Filipinos and the Philippines, the Cardinal drew attention to the plight of the poor in his interpretation of the Gospel, focusing on the dynamics between Jesus Christ and his precursor and forerunner, St. John the Baptizer. The Cardinal said that when the people then asked Jesus who St. John the Baptizer was, Jesus painted him as a man with a strength of character, greatness and holiness. He was not like the reed that easily sways with the breeze. He was a man of principles, of conviction and of values.
When John the Baptizer asked the disciples to ask Jesus who he was, whether he was the messiah already, or was there someone else who would come, Jesus told the disciples to go back to John and to tell him what they themselves have seen. The blind see, the lame walk, the sick healed. Jesus was not only preaching. The poor was always around Him and it was to them that He would always first give the Good News.
This scenario, the Cardinal said, can be brought to our society at present where we can be like the reed that is easily bent, like people who are always go with what is popular, or be like St. John the Baptizer, who has conviction, principles, whose life is rooted in values, where the good is good, the good is upheld and the good is sought and defended. Here is where Jesus can be found, the Cardinal said.
In Filipino, the Cardinal said, “Mailalapat din ito sa pangyayari sa ating bayan. Kung sa batas ay lamang ang mayayaman, kung sa pagbabahagi ng batas at mga lupa ay palalamangin ang nakakabayad at may impluwensiya, kung sa batas ang makikinabang lamang ay ang mga malalakas, kapatid, wala diyan si Jesus. Pero kung sa batas, at ang batas ay maipapatupad at ang batas ay babaling sa mga dukha, sa pagbabahagi ng yaman, ng lupa, katulad ng hinihingi ng mga nagtitibag ng lupa sa Mindanao, pagpinapanig iyan, maniwala kayo, nandiyan si Kristo.”
The challenge of the Simbang Gabi, the Cardinal said, is for the faithful to be truly ready for Jesus Christ , to be like John the Baptizer, full of conviction and values, not easily swayed, and to recognize Jesus in the face of the poor.##
================================================================
Following is transcript of Homily of Cardinal Rosales.
Pumasok muli ang simbahang Katoliko sa Pilipinas sa makasaysayang pa-siyam na sinimulan natin ngayon. Ito ay isang pagsisiyam na walang katumbas sa ibang bansa sapagkat dito sa ating bayan ang buong sangkatauhang Christianong Katoliko ay gumagawa ng di pangkaraniwang debosyon, nobena baga , o pagsisiyam hindi lamang ng dalangin, kung hindi pagsisiyam ng pagmimisa, at itinapat pa sa ating kaugaliang sa madaling araw o kaya sa gabi at ang tao ay magsasama kasama ang pagtititis, kasama ang pagtitiyaga, kasama ang ang pagpupuyat. Eto ang mahal na kaugalian ng ating bansa.
Di yata’t ito ay makasaysasayan at dahil dito may mga aral na ipinapaabot ang panginong diyos sa pamamagitan ng aral ng ebanghelyo. At napakaganda ng pagkabasa sa atin ng ebanghelyo. Dalawa ang nagtatanungan sa ebanghelyo ngayon. Una, si San Juan Bautista, kung sino ba itong si Hesus; at ikalawa naman ay si Hesus at itinatanong, sino ba si Juan Bautista?. Nakikita natin sa pagtatanungang ito kung anong klaseng pasko magkakaroon tayo.
Una, unahin nating yung tanong ni Hesus kay Juan Bautista, bagamat sa ebanghyelyo unang nagtanong si Juan Bautista? Anong klaseng tao itong si Juan na Magbibinyag. Tingin nila propeta, guro, nagtuturo. Sabi ni Hesus, “Ano bang nakita niyo sa ilang?” Ito ba ay tulad sa tambong inuugoy lamang, pinapaspas ng hangin? Madaling itugma ang tambo, ang kugon, napakadali. Kaya sabi ni Jesus, “Ganyan ba ang taong maghahanda ng pasko, ng pagdating ng panginoon?” Ganyan ba? Walang buto? Malalim ang sinasabi ni Jesus.
Hindi ganyan si Juan na Magbibinyag. Hindi ganyan ang propeta. May paninindigan iyan. Hindi tambo. Hindi walis na madaling bumaling kung saan man nanggagaling ang hangin. Ang mga taong makakakita sa panginoon, naghahanda ay di katulad niyan. Hindi. Si Juan Bautista ay dakila, matindi, malakas ang loob at higit sa lahat banal. Hindi tambo, walis, tingting, na madaling ibaling ng hangin. Ang ibig sabihin ni Jesus, ang mga propetang katulad ni Juan na Magbibinyag ay mga taong may sariling paninindigan, may mga simulain, yung tinatawag nating prinsipyo. Hindi pangkaraniwan ang tao ito. May simulain iyan. At ang taong may prinsipyo na tulad ni Juan, at kung mayroon man sa atin ngayon na may prinsipyo, ang taong yan ay may simulain, sapagkat ang prinsipyo at simulain ay pareho. Ang taong may prinsipyo at simulain ay may pagpapahalaga sa buhay, may values.A man or a woman with a principle has values in life. Yung taong tulad ni Juan, sabi ni Jesus, hindi tambo yan, hindi basta pinapapadpad ng hangin, hindi kung saan ang ihip ng popularidad nandun siya, madaling uguyin ng hangin. Hindi. Ang taong may prinsipyo, may simulain; ang taong may mga panukala, ang magulang, ang ama, ang ina, na may simulain ay taong ang lahat ng gawain ay nagmumula sa halaga. May values sa buhay. Yun bang, alam niya na pag may mabuti, ang mabuti ang tama, ang mabuti ang hahanapin, ang mabuti and siyang ipinapagtanggol.
Pag tinanong ng Biblia, gusto ba niyong salubungin si Kristo? Gusto niyo bang maghanda sa pagdating ni Kristo? At madidinig niyo yan, sa buong pagisiyam natin –
tuwirin ang daan, patagin ang lubak lubak— uulit-ulitin ng ebanghelyo, pag tinanong sa inyo gusto niyo bang makita si Kristo, gusto niyo bang salubungin si Kristo, Ay katulad ni Juan Bautista dapat tayo ay may simulain, may prinsipyo at ang ating pagkilos at ugali ay nag-uugat sa halaga. Values. Ito ang ating unang hinihingi; yung makita si Kristo, na lahat ng ito ay nagmumula sa ating kahalagaan sa buhay.
Ikalawa ang tanong ni Juan Bautista: Sino ba si Kristo? Are you the promised messiah or are we going to wait for another?Ano ang sagot? Dito kayo magugulat. Ang sagot ni Kristo, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo ang inyong nakita, narinig.” Ano ang nakikita nila kay Kristo na ngayon ay nangangaral na. May mga palatandaan kung saan makikilala ang panginoon.
Si Kristo ay hindi basta nangangaral. Si Kristo ay hindi basta nagsasalita. Ano ang nakita nila? Si kristo ay nagpapagaling ng mga may sakit; minumulat muli ang mga mata ng mga bulag; ang mga ketongin ay pinapagaling, nililinis; ang mga patay ay nabubuhay. Mga kawanggawa ang nasa kapaligiran ni Kristo. At higit sa lahat, sinabi niya, ang mga dukha – the poor are around Jesus Christ. Hindi lang iyon, ang mabuting balita, the Good News, the Gospel, the Evangelization, ang balita naghahari ang Ama sa langit, alam ninyo kung sino ang unang pinagsasabihin ni Jesus niyan? Ang mga dukha. Kaya pala ang magandang balita na nagdadala ng pag-asa ay nakakaabot sa mga dukha, sa mga salat sa buhay, sa mga nangangailan, sa mga walang pangalan, sa mga naghihikahos, kapatid ito ay katunayang nandiyan si Jesus.
Mailalapat din ito sa pangyayari sa ating bayan. Kung sa batas ay lamang ang mayayaman, kung sa pagbabahagi ng batas at mga lupa ay palalamangin ang nakakabayad at may impluwensiya, kung sa batas ang makikinabang lamang ay ang mga malalakas, kapatid, wala diyan si Jesus. Pero kung sa batas, at ang batas ay maipapatupad at ang batas ay babaling sa mga dukha, sa pagbabahagi ng yaman, ng lupa, katulad ng hinihingi ng mga nagtitibag ng lupa sa Mindanao, pagpinapanig iyan, maniwala kayo, nandiyan si Kristo.
Napakaganda ng ebanghelyo at sinasabi sa mga dukha ay ipinapamalita ang mga ito, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa dukha ang mabuting balita. This is the ID, the identification of Jesus, na hinihintay pa. Darating o hindi? Dumating na, ang sabi niya! Lamang hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala. Ngayon, magandang panimula ito ng ating pagsisiyam, panimula palang may sinasabi na may palatandaan. Sino si Juan na Magbibinyag. Sino si Hesus?
Kahit manawari, makilala natin si Hesus. Amen.
|