Search our site  

Advance Search    
               
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

TEN COMMANDMENTS FOR
PRO-LIFE AND FAMILY VOTERS, Read

 

SAMPUNG UTOS NG MGA BOTANTENG
PRO-LIFE AT PRO-FAMILY

 

  • Itaguyod at ipagtanggol ang Buhay sa lahat ng pagkakataon, mula sa simula ng buhay hanggang sa natural na katapusan nito. Huwag kang sasamba sa mga huwad na ideolohiya; at sa mga dayuhang gawi’t kaisipan na yumuyurak sa dignidad ng buhay at kagalingan ng pamilya, ang batayang yunit ng lipunan.
  • Huwag mong ikompromiso ang iyong mga prinsipyo’t paniniwalang pro-life at pro-family sa iyong pakikipag-ugnayan sa at pagpili ng mga kandidato sa eleksyon. Huwag kang yuyuko at boboto sa mga immoral, korup at walang-kakayahang mga kandidato. Napakahalaga ng ating buhay, pamilya at bayan para ipagkatiwala sa mga ganoong uri ng tao.
  • Huwag mong balewalain ang iyong boto. Huwag mo itong ibenta sa anumang presyo. Huwag kang bumoto na wala kang mahigpit na mga panuntunan at masusing pagsisiyasat sa buhay personal at publiko ng mga kandidato.
  • Huwag kang bumoto sa mga mga kandidatong pabor sa ligalisasyon ng diborsyo at maging sa sarili’y di-tapat sa kanilang kasal at pamilya.
  • Huwag kang bumoto sa mga kandidatong umaayon sa ligalisasyon ng “euthanasia” o “mercy killing” at walang kalinga sa mga may-edad at may sakit.
  • Huwag kang bumoto sa mga kandidatong pabor sa ligalisasyon ng aborsyon at sa mga gamot at bagay na naglalaglag sa sanggol sa sinapupunan. Huwag kang bumoto sa mga kandidatong nagtataguyod sa “reproductive rights” at sumusuporta sa paggamit ng kontraseptibo at isterilisasyon bilang paraan sa pagkontrol ng populasyon.
  • Huwag kang bumoto sa mga kandidatong nagsusulong ng “sex education” na nakatuon sa paggamit ng mga kontraseptibo at “safer sex” imbis na pagtuturo ng moralidad at paghuhubog ng tamang gawi.
  • Huwag kang bumoto sa mga kandidatong nagsusulong ng pagsasama ng parehong kasarian at legalisasyon ng pag-aasawa ng parehong kasarian na naggkukubli sa ngalan ng anti-diskriminasyon.
  • Huwag bumoto sa mga kandidatong binebenta ang kinabukasan ng ating bayan sa mga dayuhan at elitistang interes, at tanging pinapangalagaan ang pansariling interes na ikinasisira ng kapaligiran at likas-yaman.
  • Huwag kang bumoto sa mga kandidatong tiwali, magnanakaw sa gobyerno, manhid sa kahilingan at opinyon ng mamamayan, di-demokratiko, di-makatarungan at di-patriotiko sa kanilang pamamahala’t mga programa. Ang tunay na kaunlaran ay ang pagtaas ng kalidad ng buhay ng ating mga kapatid na mahihirap at pagkakaroon ng katarungan, kalayaan at kapayapaan.

Maging isang responsableng botante at Kristiyanong. Humayo at paramihin ang boto para sa buhay at pamilya.

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter