Search our site  

Advance Search    
               
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

News > Exclusive

 

INTERVIEW OF MS. REMIE DILLENA AND FATHER BONG OF RADIO VERITAS WITH BISHOP SOCRATES B. VILLEGAS, AUXILIARY BISHOP OF MANILA

 

Remie Dillena: Bishop Soc, ano ang masasabi nyo ngayon na meron ng sumuko? Ano ba ang hope natin kahat dito sa Edsa Shrine?

Bishop Soc Villegas: Ito yung inaasahan natin kanina pang umaga sa pamamagitan ng panalangin ay mapapalambot natin ang puso ng kahit sino. Nagpapasalamat tayo na tinaggap nila yung offer ng kapayapaan at sana ito ay simula lang at marami pang
tatanggap nung offer ng kapayapaan. Ayokong sabihin na ito ay pagsuko. Hindi naman dapat tignan na surrender kundi pagtatagpo ng mga pananaw natin.

Remie Dillena: Kaninang hapon merong ngang ilang mga nagtatanong nga po kung merong ilang mga bagong instructions, mga ilan pang panawagan mula sa Archdiocese of Manila para ditto sa Edsa Shrine at sa ating lahat?

Bishop Soc Villegas: Pareho pa rin yung panawagan ng ating Cardinal na pagpatuloy sa ating panalangin, maaaring sa ating mga parokya, maaari ring dito sa Edsa Shrine. Pero ang importante ay saan man tayo naroroon sa sandaling ito ay pakiusapan natin ang Diyos mna matapos natin ang krisis na ito sa pinakamapayapang paraan.

Father Bong: Good afternoon. Kumusta po ang kanyang Kabunyian?

Bishop Soc Villegas: Nag-mo-monitor siya sa Villa San Miguel at alam niya lahat ng nangyayari at natutuwa rin siya katulad nating lahat sa mga maliliit na tagumpay n anatatamo natin simula kaninang umaga.

Father Bong: So, mananatili po kayo diyan sa Edsa Shrine together wit the people praying?

Bishop Soc Villegas: Nag-I-ikot ikot ako kasi meron pang ilang mga errands na kailangang gawin para makatulong din doon sa resolution ng conflict na ito.

Father Bong: I see. Very good. So we continue praying po, Msgr.

Bishop Soc Villegas: Pinagdaasal din naming kayo dyan sa Radio Veritas pagkat malaki ang pananagutan ninyo para ipamahagi ang katotohanan and congratulations sa radio Veritas.

Father Bong: Thank you po, thank you po, Msgr.


 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter