Search our site  

Advance Search    
               
Pray the English version, click here.
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

ORATIO IMPERATA
National Elections 2004


CBCP Logo(Upon instruction of the Local Ordinary this prayer is recited by the faithful before the Prayer of after Communion. The appropriate time to start it is Ash Wednesday. It maybe said thereafter every Sunday and during the entire week until Election Day. It is prayed kneeling, except during the Easter Season)


Panginoon Jesu-Krsito, pangako mo na mananatili kang lagi
sa piling naming, ang iyong baying Pilipino.

Sa panahong ito na kami’y nasa sangang-daan ng pambansang eleksyon,
buong kababaang loob kami’y nananalangin
ng iyong patnubay sa liwanag ng Espiritu Santo,
upang ang lahat ng boboto,
ay makilala ng tunay ang mga tatakbo sa mga posisyon sa pamahalaan
at sila’y mapuno ng pagmamalasakit sa bayan at sa aming kinabukasan.

Biyayaan mo kami ng lakas ng loob
na nagmumula sa kapangyarihan ng Espiritu Santo
upang mapanindigan naming ang saligang pamamaraan
at ang ayos ng batas laban sa lahat ng karahasan, pamimilit
pag-aagaw ng kapangyarihan at kaguluhan.

Gawin mo kaming mapagbantay sa tulong ng Espiritu Santo,
upang ang panahon ng pangangampanya, paghahalal, at pagbilang ng boto
ay maging katotothanan, maayos at tanda ng tunay na kalayaan.

Panginoon, iligtas nawa ng makapangyarihan at maamong pagkalinga ng Espiritu Santo
ang lahat ng mga kandidato kasama ng kanilang pamilya,
mga kaanib sa pulitika at mga tagasunod.

Iadya mo sa lahat ng kapahamakan ang lahat ng gumagalaw sa gawaing ito bilang tagapagturo sa pulitika, taga-pagsuri ng kandidato at mga tagabantay ng balota.

Ipagkaloob mo sa amin ang karunungan mula sa Espiritu Santo,
upang maunawaan naming na ito ay kaloob mong panahon sa amin
upang baguhin ang amin glipunan sa wastong pagpili ng mga pinuno ng bansa na may kaalaman,
kakayahan at makatarungan na mamumuno sa aming mahal na bayan,perlas ng silangan,
itunuring nawa anmin ito bilang pagkakataon tungo sa pagbabago ng asal ng buhay,
katiyakan ng pamumuhay, kasaganahan at kapayapaan.

Panginoon Jesu-Kristo, dinggin mo ang pagsusumamo ng iyong baying Pilipino,
sapagkat ikaw ay nabubuhay at naghahari kasama ng Ama, kaisa ng Espiritu Santo,
Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen ng Guadalupe – Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz – Ipanalangin mo kami.
Sa lahat nawa ng bagay an Diyos ay dakilain.


 

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

 

 
L10 Web Stats Reporter 3.15