Search our site  

Advance Search    
               
ENGLISH
click here
Back to Home!
History of the Archdiocese
The Clergy
Archdiocesan Directory
Pastoral Programs
Library
Gospel Readings
RCAM News
Links
Contact Information

Tagalog


Pahayag ng Pagmamahal sa Diyos
San Juan Maria Vianney

 

Minamahal kita, O Pangninoong aking Diyos, at ang tanging hangad ko’y mahalin Ka hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

Minamahal kita, O Panginoong Diyos na puspos ng pag-ibig, at hahangarin ko pang pumanaw sa pagmamahal sa iyo kaysa mabuhay ng isang saglit ng walang paga-ibig sa iyo.

Minamahal kita, O Panginoong Diyos, at wala na akong inaasam pa kung di ang langit upang doon ay magkaroon pa ako ng lubos na kaligayahan sa pagmamahal sa iyo.

Minamahal Kita, O Panginoong Diyos, at ang takot ko’y ang impiyerno, sapagkat doon ay walang ni anumang  timyas ng pagmamahal sa iyo.

O Paninoong aking Diyos, kung  kapos man ang aking dila sa pagpapahayag sa bawat saglit ng pagmamahal ko sa iyo, nais kong sa bawat pintig ng puso ko’y maipahiwatig ito. Tulutan mo akong magpakasakit sa pagmamahal sa iyo, na ikaw ay mahalin sa pagpapakasakit, at sa sandali ng aking paglisan sa mudong ito ay patuloy pa din ako sa pagmamahal sa iyo      . Sumasamo ako sa iyo na sa paglapit ko sa aking paglisan ay lalo mo pang dagdagan at gawing lubos ang pagmamahal ko sa Iyo.

 
Panalangin kay San Juan Maria Vianney

San Juan Maria Vianney, ang buhay mo ay naging pagaalay sa Diyos sa paglilingkod para sa lahat. Nananalangin kami na sa tulong ng Espiritu Santo na ang lahat ay makatugon ngayon ng may paninindigan sa hamon ng pagtawag ng Diyos.

Ipinakita mo sa amin ang tunay at taimtim na pagsamba kay Kristo sa Banal na Santisimo Sakramento. Tulungan mo kaming tumanggap sa Eukaristiya ng buong pananampalataya at paggalang upang mamalagi kami ng may galak sa pananatili ni Kristo sa Santisimo Sakramento.

Tunay kang kaibigan ng mga makasalan. Sa tuwina’y ipinaaalala mo sa kanila: “na ang kanilang mga kasalanan ay tulad lamang ng buhangin sa harap ng matayog na bundok ng awa ng Diyos.” Tulungan mo kaming maging malaya sa lahat ng takot na naglalayo sa amin upang humingi ng patawad ng Diyos; tulungan mo kaming tunay na makapagsisi sa lahat naming mga kasalanan. Matuklasan nawa naming ang tunay na larawan ng Diyos na siyang laging naghihintay sa kanyang alibughang anak.

Lagi kang handa sa pagdamay sa mga aba: “Isa lamang ang aking sinusundan; kailangan kong ipamalagi ang lahat sa iba at walang dapat maiwan sa akin.” Turuan mo kaming magbahagi sa lahat ng nangangailangan. Tulungan mo kaming maging malaya sa lahat ng aming pagkaalipin sa salapi at mapanlinlang na kayamanan.
Isa kang masugid na mapagmahal na anak ng Mahal na Birhen, “ ang tanging matibay na uganayan mo.” Turuan mo kaming lumapit sa kanya sa kapayakan at may pagtitiwala ng isang anak.

Ikaw ngayon ay huwaran ng lahat ng mga pari sa mundo. Ang pag-ibig mo tulad ng isang pastol ay maging tanglaw nawa sa mga pastol namin ngayon at mapahalagahan nila ang ugnayan ng lahat sa pagkaka-isa nang walang pagtatangi  sa iba. Mapuspos nawa sila ng pagmamahal sa Simbahan, ng malasakit sa kanilang paglilingkod, at tatag sa harap ng lahat ng pagsubok. Amen.


Panalangin ng Mga Laiko Para sa Ikapagbabanal ng Mga Pari


Panginoong Hesukristo, sa panalangin ni San Juan Maria Vianney, kaming iyong bayan ay nagsusumamo sa iyo para sa aming mga pari. Sila’y mga biyaya mo sa amin para sa aming mga pangangailangan. Kami ngayon ay nananalangin para sa kanila sa kanilang mga pangangailangan.

Ginawa mo silang mga pari ayon sa iyong pagkapari. Sila’y pinaging banal mo, pinili at pinahiran ng langis ng pagpapala, pinuspos ng Espiritu Santo, inatasan upang magturo, upang mangaral, upang maglingkod, magpatatag ng aming loob, magpatawad, at maghain sa amin ng iyong katawan at dugo.

Ngunit nalalaman din naming na sila’y kaisa namin at tulad din namin ay may taglay na kahinaan. Alam din naming sila’y natutukso sa kasalanan at pinanghihinaan din ng loob. Tulad din namin, sila’y nangangailangan ng tulong, na mapatatag ang kalooban, at ng pagpagpapatawad. Lubos ang aming pasasalamat sa paghirang mo sa kanila mula sa amin upang kami’y unawain tulad ng pang-unawa namin sa kanila, upang makibahagi sila sa aming paghihirap at mga kaligayahan, mga pagkabalisa at kami’y pagtiwalaan, at makiisa kung sino kami, at sa aming buhay, at pananampalataya.

Nagsusumamo kami na ang kaloob mong biyaya sa mga alagad noon sa Emmaus ay iyo din ipagkaloob sa aming mga pari ngayon: ang pananatili mo sa kanilang puso, ang iyong kabanalan sa kanilang kalooban, at ang iyong kaligayahan sa kanilang buhay. Matuklasan nawa nila ang iyong palagiang pananatili sa paghahati ng tinapay sa pagdiriwang ng Eukaristiya.

Kami’y nananalanging sa iyo para sa aming mga pari sa tulong ng Mahal na Birhen, Ina ng mga pari.

Mahal na Birhen, ipanalangin mo ang aming kaparian.
San Jose, ipagsanggalang mo sila.
San Miguel, tulungan mo sila
San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo sila.


INDULGENCES:

During the special Year for Priests – 19 June 2009 to 19 June 2010 – on the occasion of the 150th anniversary of St. John Vianney’s death, indulgences may be obtained when meeting the following conditions:


A plenary indulgence for priests who, on any day, devoutly recite at least Lauds or Vespers before the Blessed Sacrament, exposed for public adoration or in the tabernacle, and who offer themselves with a ready and generous heart for the celebration of the sacraments especially Confession when they receive sacramental Confession and the Eucharistic banquet and pray for the Pope’s intentions;

A plenary indulgence for the lay faithful on the first and last days of the special Year, as well as on St. John Vianney’s feast day (August 4), and on the first Thursday of each month when attending Mass, offering prayers to Jesus Christ, going to sacramental Confession, and praying for the intentions of the Pope;

A partial indulgence for the lay faithful every time they devoutly recite Our Fathers, Hail Marys and Glory Bes, or another expressly approved prayer, in honour of the Sacred Heart of Jesus, to obtain that priests be preserved in purity and holiness of life.

Litaniya sa karangalan ni San Juan Maria Vianney


Panginoon Kaawan mo kami
    Panginoon Kaawan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami.
    Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
    Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami.
    Kristo, pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit.
    Kaawaan mo kami.
Diyos Anak na sumagip sa sanlibutan.
    Kaawaan mo kami.
Diyos Espiritu Santo.
    Kaawaan mo kami.
Iisang Diyos sa Santissima Trinidad.
    Kaawaan mo kami..

Santa Maria, Ina ng Diyos.
    *Ipanalangin mo kami

San Juan Maria Vianney.*
San Juan Vianney, pinagpala mula pa sa pagkamusmos.*
San Juan Vianney, huwaran ng pagkamadasalin.*
San Juan Vianney, masugid na alagad ng Kalinis-linisan puso ni Maria.*
San Juan Vianney, puspos ng kalinisan.*
San Juan Vianney, tapat na salamin ng mga paghihirap ni Kristo.*
San Juan Vianney, bantayog ng kababaang loob.*
San Juan Vianney, dakila sa pananalangin.*
San Juan Vianney, tapat na tagapagsamba ng Santisimo Sakramento.*
San Juan Vianney, walang takot sa pagiging dukha.*
San Juan Vianney, tunay na alagad ni San Francisco de Asis.*
San Juan Vianney, maasahang kaibigan ng mga dukha.*
San Juan Vianney, puno ng takot sa hatol ng Diyos.*
San Juan Vianney, pinatatag ng makalangit na paghahangad.*
San Juan Vianney, pinsakitan ng mga tukso ng demonyo.*
San Juan Vianney, tunay na huwaran ng buhay pagkapari.*
San Juan Vianney, pastol na matatag at puspos ng kabatiran.*
San Juan Vianney, pinag-aalab ng sigasig para sa Diyos.*
San Juan Vianney, mapagkalinga sa mga may sakit.*
San Juan Vianney, walang pagod sa pagtuturo ng pananampalataya.*
San Juan Vianney, na sa pagngangaral ay puno ng alab ng Espiritu Santo.*
San Juan Vianney, maalam sa paggabay sa landas ng Espiritu.*
San Juan Vianney, natatangi sa biyaya ng pangangaral.*
San Juan Vianney, puspos ng liwanag na makalangit.*
San Juan Vianney, di magapi ni Satanas.*
San Juan Vianney, maawain sa mga kaawa-awa.*
San Juan Vianney, tumutulong sa mga ulila.*
San Juan Vianney, biniyayaang gumawa ng mga himala.*
San Juan Vianney, tumulong sa marami upang makapagbalik-loob sa Diyos.*
San Juan Vianney, tumulong sa marami na manatili sa landas ng Diyos.*
San Juan Vianney, na pinagin-dapat na maranasan ang ligaya ng Espiritu Santo sa oras ng kanyang Kamatayan.*
San Juan Vianney, na ngayon ay nakikibahagi sa kaluwalhatian ng Diyos.*
San Juan Vianney, na umaaliw sa mga lumalapit sa kanya.*
San Juan Vianney, ang pintakasi ng lahat ng mga pari sa buong mundo.*
San Juan Vianney, huwaran at pintakasi ng lahat ng nangangalaga sa lahat sa landas ng Espiritu.*

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. 
    Kaawaan mo kami.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo.
    Pakinggan mo kami.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo.
    Kaawaan mo kami.

V. Ipanalangin mo kami, San Juan Vianney.
P. Nang kami’y maging karapat-dapat sa mga pangako ni Kristong Panginoon.

Manalangin tayo,

Ama naming makapangyarihan, ginwa mong maging uliran sa pagmamalasakit sa kapwa ang paring si San Juan Maria Vianney. Pakundangan sa kanyang huwarang pamumuhay at pagdalangin, mapagmalasakitan nawa namin ang kapwa tao alang-alang sa pag-ibig ni Kristo para sila’y aming maakit sa iyo at kaisa nila ay aming marating ang kaluwalhatian mo, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

 

Home | History | The Clergy | Directory | Pastoral Programs | Library | Gospel Readings | RCAM News | Links | Contact Us
_____________________________________

Copyright © 2003 Archdiocese of Manila. All rights reseved.
Usage outside our Permissions Guidelines requires our prior written consent.

 

web page hit counter