Monday, 14 September 2020 16:18

FULL TEXT | Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass at Kambal na Krus Chapel on September 13, 2020, at 10 am.


Nakikiisa po ako dito po sa Kambal na Krus sa pagdiriwang nila ng pasasalamat ng pagtatagpo ng kanilang krus. Kahit na ito’y isang maliit na chapel lamang, matagal nap o ang kasaysayan nito. Kaya ito’y ika-98th year ng pagdiriwang nila ng kanilang chapel.

At tamang tama naman na ang pagdiriwang na ito ay kaugnay sa piyesta natin bukas sa simbahan, the “Triumph of the Cross”, ang “Tagumpay ng Krus ni Hesus”. Sa pamamagitan ng krus, tayo’y naliligtas. Sa pamamagitan ng krus, naranasan natin ang awa ng Diyos.
|


Malupit po ang mundo natin. Puno ng galit at puno ng paghihiganti. Ganun na lang ang galit ng tao na handa siyang magpasabog ng kanyang sarili at mandamay sa ibang mga inosenteng tao. Kaya mayroon tayong mga suicide bombers na ngayon ay pumasok na sa Pilipinas.

Ganun na lang ang galit na nasa tao na handa silang pumatay at magpasakit ng milyong mga tao. Nangyari yan sa Europa sa extermination ng mga Armenians noong World War I at mga hudyo ng World War II.

Nangyari yan sa Africa sa patayan ng mga Tutsi at mga Hutu sa Rwanda.

Nangyari sa Cambodia sa pagpatay ng mga Khmer Rouge.

Nangyayari yan gnayon sa Tsina sa pagpapatay at pagsisira ng kultura at relihiyon ng mga Tibetans at ng mga Uyghurs.  Nangyayari yan sa Middle East sa pagpapatayan ng mga C-Aids at mga Suits.

Nangyayari yan sa Pilipinas sa mga...na nangyayari at sa pagpapatay ng mga drug addicts at mga tinaguriang rebelde without any judicial process.

Puno ng galit at paghihiganti ang mundo. Kaya sa panahong ito ang mensahe ng Diyos ay mercy, habag, awa. Kaya sa simbahan, nandiyan yung debosyon at popular na debosyon ng Sacred Heart of Jesus, debosyon ng Divine Mercy.

Hence, the calls of the popes. St. John Paul II, Pope Benedict, Pope Francis on mercy and compassion. This is what we need now. God’s response to human sinfulness is mercy. Kaya sinabi sa atin ni San Juan, “For God did not send His son into the world to condemn the world but that the world may be saved through Him.”

There is enough reason for God to punish the world. But no, He does not punish. He does not take vengeance. Instead, Jesus the Son of God was pierced for our sins, crushed by our inequity. He bore the punishment that makes us whole. By His wounds, we were healed. Yet, all gone astray like sheep, all following our own way. But the Lord laid upon Him, the gift of us all. God is indeed merciful.

Sa ating gospel, napatawad ng hari ang servant na may utang sa kanya ng sampung milyong piso. Imagine, sampung milyong piso. Hindi lang siya binigyan ng panahon. Ayon sa kanyang hinihingi, bigyan mo ako ng panahon ay babayaran ko ang lahat. Ngunit pinatawad siya, wala ng utang. Deleted na ang sampung milyon na dapat bayaran niya.

Pinatawad ang sampung milyon dahil sa naawa sa kanya ang hari. Kaya galit nag alit ang hari sa kanya na wala siyang awa sa kanyang kapwa alipin. Sabi sa kanya ng hari, “Napakasama mo. Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sayo. Hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?”

Ang pinatawad ng sampung milyon ay hindi makapagpatawad ng limang daang piso. Talagang napakasama niya. Ganyan ang pagpapatawad ng Diyos….dahil sa awa ng Diyos pinatatawad tayong lagi. Ito ang dahilan bakit palagi tayong magpatawad.

Ang tanong ni Pedro, “Ilang beses ko bang patatawarin ang kapatid kong paulit ulit na nagkakasala sa akin?” Akala niya generous na siya kapag nagpatawad siya ng pitong beses. Hindi lang pito. Seventy times pa dito. Ibig sabihin walang sawa, walang hangganan kasi ganyan din tayo pinatatawad ng Diyos at higit pa.

Sa panahon ng pandemic na ito, maraming mga religious services ang hindi natin nagawa sa loob ng anim na buwan. Isa sa mga ito ay ang pagkukumpisal. Kaya hinihikat muli ang lahat na bumalik na sa pagkukumpisal. Mahalaga ang pagkukumpisal kasi dito natin nararanasan na pinatawad tayo ng Diyos. This is the Sacrament of the encounter with the mercy of God.

Hopefully, because we have experienced God’s mercy, we can also become more patient and more merciful to others. Dahil sa mahabang pagkakulong sa bahay at sa walang kasiguraduhan sa kinabukasan, marami sa atin ay madaling mawalan ng pasensiya. Nagiging magagalitin at bugnutin sa iba. We need to be more merciful to one another.

The Sacrament of Confession helps us in being merciful after we ourselves experience the mercy of God. Hindi ba gumagaan ang loob natin kapag tayo’y nakapagkumpisal? Dahil sa magaan na ang loob natin, madali ng pasanin ang mga pabigat sa buhay natin.

Dahil sa napatawad tayo, madali na rin magpatawad sa iba. Dahil sa inunawa tayo, magdali na ring mag-unawa sa iba. At kung tayo ay nagpapatawad sa iba, madali rin tayong pagbigyan ng patawad ng Diyos.

Ito naman ang narinig natin kay Ben Sirach sa ating Unang Pagbasa, “Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang. At pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman. Ang nagtatanim ng galit sa kanyang kapwa, pag tumawag sa Diyos, walang makakamtang awa.”

When we pray the Our Father we say, “Forgive us our sins as we forgive those who sinned against us.” Of all the seven petitions of the Our Father, Jesus gave a commentary only on this petition. He said, “If you forgive others their trespasses, your heavenly Father will forgive you. But if you do not forgive others, neither with your Father forgive your transgressions.”

Kaya makikita natin na may mahigpit na kaugnayan ang habag ng Diyos sa atin at ang habag natin sa kapwa. Dahil mahabagin tayo sa kapwa, kahahabagan tayo ng Diyos dahil sa malaki ang awa sa atin ng Diyos, kaya maging maawain din tayo sa ating kapwa.

Ito ang message ng devotion to the Sacred Heart and devotion to the Divine Mercy – God is so merciful, let us also be merciful. Kaya sinabi ni Jesus, “Be compassionate as your heavenly Father is compassionate.

Sa ating panahon ngayon, maraming mga taong nananawagan ng katarungan. We call for justice. Pero maging maingat tayo. Para sa marami, ang panawagan ng katarungan ay tutungo sa totoo lang panawagan ng paghihiganti.

Katarungan. Pasakitan sila kasi pinasakitan niya kami. Patayin sila kasi pinahirapan kami. Is this real justice? Then we go back to the eye for an eye, tooth for a tooth – a practice that the Lord Jesus has rejected. Kaya kung naniniwala pa tayo sa paghihiganti, hindi tayo Kristiyano. Hindi tayo tagasunod ni Kristo.

Hindi maka-Kristiyano ang manawagan ng death penalty. Kapag pinatay mo na hindi mo na siya bingyan ng pagkakataon na magbago. For the follower of Christ, justice is always tempered with mercy. Hindi dapat mawawala ang awa sa katarungan. Pero maraming nananawagan ng death penalty is just because of vengeance. Dapat patayin kasi nakagawa ng masama.

Noong May 13, 1981, binaril ni Mehmet Ali Agca si John Paul II sa St. Peter’s Square sa Roma. Malapit ng mamatay noon ang Santo Papa, apat na bala ang pumasok sa kanyang katawan.

Noong December 27, 1983, two yers and ahlaf later, binisita ni John Paul II si Mehmet Ali Agca sa bilangguan at doon pinakita ang kanyang habag sa kanya at pagmamahal sa kanya. Walang galit sa kanya si John Paul II.

Nilapitan ng Santo Papa ang nagtangkang pumatay sa kanya at pinadama sa kanya ang kanyang pagmamahal. Pero hindi pinalaya si Mehmet Ali Agca. Binuo niya ang kanyang pagkabilanggo sa Italy at sa Turkey. Nakalaya siya sa bilangguan noong 2010. Halos thirty years siyang nabilanggo. Noong siya’y nakalabas ng bilagguan, pumunta siya sa libingan ni John Paul II at nagdasal doon.

Noong buhay pa si John Paul II, napalapit siya sa pamilya ni Agca. Nakatagpo niya ang kanyang nanay at ang kanyang kapatid at madalas silang nagkaroon ng contact. Iyan ang halimbawa ng restorative justice. Justice that restores relationships that brings harmony.

Sa ating panahon ngayon, pinag-uusapan ang absolute pardon na binigay ng presidente kay Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Jennifer Laude. Maraming mga pag-uusap kung tama ba ang pagpapatawad kay Pemberton. May nagsasabi na hindi pa nga niya nabuo ang six to ten years na sentence sa kanya noong 2015 at special pa ang kanyang kulungan sa Camp Aguinaldo at hindi sa bilibid.

Ang presidente ng bansa ay mayroon ngang karapatan at kapangyarihan na magbigay ng absolute pardon. He exercise this power to Pemberton and also to other prisoners as well. Pero ang daming mga Pilipino sa mga bilangguan natin na natutulog ang mga kaso nila. Bakit hindi gamitin ang prerogative na ito na magpatawad para mabigyan ng pag-asa ang mga nabilanggo at ma-decongest ang ating mga bilangguan na umaapaw na higit na limang beses sa kanyang capacity ang laman ng mga bilangguan natin. Maraming napapabayaan sa mga bilangguan na matatanda na at may sakit pa.

Should not pity be shown to them? If really there is such a virtue as forgiveness in our government, why not exercise this for so many who are languishing in our jails?

So, as we see, ang usapin ng pagpapatawad ay hindi lang usapin ng relasyon natin sa Diyos at ng relasyon natin sa ating kapwa. Ito’y usapin din sa kalagayan sa lipunan. Forgiveness comes out of pity and compassion. May we never lose the sense of pity in our society. We Christians who claim to have experienced God’s mercy, may we also be merciful in our dealings with each other in society.

Let us pray for this grace in this Holy Mass. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer