Print this page
Monday, 12 October 2020 06:30

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, apostolic administrator of Manila during the online Sunday Mass at the St. Dominic Savioparish in Mandaluyong, on October 11, 2020, at 10 am.


Talagang mahal ng Diyos ang parokyang ito ng San Dominico Savio dito sa Mandaluyong. Binibigyan niya ngayon ng bagong pastol na mangangalaga sa parokya. Iyan po yung ibig sabihin na pagtatalaga ng bagong parish priest – ang patuloy na pangangalaga sa bayan ng Diyos.

Salamat po sa Salesian Congregation, nandito po si Fr. Jerry, ang provincial na patuloy na nagbibigay ng mga pari na maging pastol ng parokya. At mabuti po ay nandito naman sa atin si Fr. Andreiu, ang unang parish priest, matagal na panahon na. Nandito po si Fr. Soliva, ang isa rin sa mga parish priest na nandito. At nandito rin si Fr. Mon Merino, ang parish priest ng inang parokya ng parokyang ito, ang San Felipe Neri. Kaya ito po ay pakikibahagi natin sa ating pagdiriwang ngayon.

Ipagdasal po natin si Fr. Doods, na sana maging tapat siya sa kanyang pangangalaga sa bayan ng Diyos na ipinagkatiwala sa kanya. At ipagdasal din natin ang mga parokyano dito sa St. Dominic Savio Parish na patuloy sana tayong lumago sa kabanalan tulad po ng binibigay sa ating halimbawa ni San Domingo Savio.

Lahat naman tayo ay may karanasan na mag-alaga. Mag-alaga ng halaman, mag-alaga ng isang hayop, mag-alaga ng baby, mag-alaga ng may sakit, mag-alaga ng isang lola o isang lolo. Kapag tayo ay nag-aalaga, gusto nating ibigay ang the best sa inaalagaan natin. Ang problema lang minsan hindi natin alam kung ano ang gagawin. At madalas wala naman tayong kakayahan na ibigay ang the best.


Alaga tayo, ang bawat isa sa satin ng Diyos. Siya ang may likha sa atin. Siya ang gumagabay sa atin. Binibigyan tayo ng mga anghel na sumusuporta sa atin. Nandiyan si Mama Mary na ating ina. Binibigyan tayo ng mga santo na maging halimbawa natin tulad ni St. Dominic Savio. Binigay niya si Hesus, ang kanyang kaisa isang anak upang tayo ay tubusin. Kaya talagang binibigay ng Diyos ang the best sa atin. At mas maganda pa ang mga balak na ibibigay niya. We cannot just imagine what God has prepared for those who love Him.

Itong pagbibigay ng Diyos ng the best para sa atin, ay inilalarawan sa pamamagitan ng piging, ng party sa dalawang pagbasa natin ngayon.

In the First Reading, from the prophet Isaiah, the Lord God is inviting us to a feast where rich and delicious food and drink are prepared. It is not just a feast of food and drink, but what He prepares is a situation of joy and happiness. There will no longer be any sadness. He will wipe away the tears from every eye.

Also, in the gospel, the King prepared a feast for the wedding of his son. And you can just imagine how grandiose the feast is. Kinatay na ang mga baka at ang pinatabang guya. Handa na ang lahat. God also wants to give us the best not only at the end of our life but already in this life. He does not want us to be sad. Tulad natin, ang Diyos din ay gusto na masaya at masigla ang kanyang inaalagaan. At bilang Diyos, alam niya ang gagawin at kaya niyang ibigay ang magpapaligaya sa atin. Do we trust Him in this? Naniniwala ba tayo na gusto ng Diyos ang kabutihan at kaligayahan natin?

Yesterday was the beatification of the first millennial saint, the teen-ager Carlo Acutis. He died of aggressive leukemia at the age of fifteen in 2006. But otherwise, he was an ordinary boy but with an extraordinary love of the Eucharist. When he received his first communion at the age of seven, he was enamored with the Eucharist. And from the time on, never missed a chance to receive communion and to join in Eucharistic celebration in his parish. It was he, who brought his family to frequent communion. He was so happy with Jesus in the Eucharist that he could not understand why his companions took the Eucharist for granted. He said that people are lining up to watch a football game. Lining up for hours to watch a concert. But they don’t line up to come to church and receive Jesus.

Siya po ay naimpluwensiya rin ni St. Dominic Savio. One of his models as a young teenager was Dominic Savio. You see how a saint begets another saint.

He was good at computer so, at the age of eleven, he started a project to make a website to make Eucharistic miracles of the Lord to make people realize how real and how good the Eucharist is. This website is still circulating all over the world now translated into seventeen languages.

Talaga bang naniniwala tayo sa kabutihan ng Diyos? Na gusto niyang ibigay ang the best sa atin? Kasama na diyan ang Banal na Eukaristiya? Ito ay mahalagang tanong kasi kadalasan nabubuhay tayo na parang walang Diyos, na parang hindi siya concern sa atin. O kaya na pahirap lang sa atin ang Diyos na hindi tayo magiging masaya kung susunod tayo sa kanya. Kaya hindi natin siya pinapansin at hindi natin iniintindi ang kanyang paanyaya sa atin.

Tulad ng mga tao sa ating ebanghelyo, sa halip na dumalo sa piyesta ng hari, nagkanya kanyang lakad sila. Ang isa sa kanyang bukid, ang isa sa kanyang business. Hindi ba mahalaga na ang hari mismo ang nag-imbita sa’yo? Hindi ba sila excited na pumunta sa party na inihanda ng hari? Ang nakakataka pa, inabuso, binugbog, pinatay pa ang mga sinugo na mag-anyaya sa kanila.

Iyan ang larawan ng mga Israelita. Ang mga propeta na pinadala ng Diyos upang tawagin ang pansin nila para matanggap nila ang mga pagpapala ng Diyos, ay kinailangan ininsulto, hinamak at pinatay.

Hindi naman sila iniimbita sa masama kundi sa kabutihan at sa kaligayahan ng Diyos. Kung ang Diyos ay maghahari sa atin, magiging maganda sana ang buhay natin. But no, we want to go our own way. We want to build a tower reaching heaven by our own resources, in our terms, on our own conditions. This drama of building the Tower of Babel continues to happen today. We want to reach heaven. We want to have happiness without God, without technologies, with our ideologies, with our plans. Babagsak ang mga ito.

Pero ayaw ng Diyos na ma-frustrate ang kanyang balak na magbigay ng kaligayahan. Handa na ang lahat para sa salu salo. So, he asked his servants to invite everyone to find that they find in the streets – mabuti man o masama. He wants the wedding hall to be filled, the wedding feast to continue.

Kaya ang paanyaya na tinanggihan ng mga invited guests ng chosen people of Israel ay tinanggap ng mga Gentiles, ang mga hindi kabilang sa mga chosen people. Hanggang ngayon ang mga nasa periphery, ang mga mahihirap at inaapi ang mas kumakapit sa Diyos. Para sa kanila nga ang kaharian ng Diyos.

Today is a Sunday of the Indigenous Peoples, Linggo ng mga Katutubo, ng mga Lumad. Sila na isinasantabi at inaagawan pa ng kanilang mga lupang ninuno ang mas nakakaintindi sa piyesta ng Diyos na ibinibigay sa pamamagitan ng kalikasan. At sila ang nangangalaga at nakikinabang sa piyestang ito. At sila ang marunong makipag kapwa tao.

In our parable, the king was not seating there on his throne alone, separated from the people who were feasting down below. He joined the people in their feasting. Ang Diyos natin ay Emmanuel, the God who is with us. Kasama natin siya. Nakikihalubilo siya sa atin. And He came across one who is not dressed in a wedding garment. Hindi siya agad pinagalitan. Tinanong muna siya bakit, “My friend how is it that you came in here without a wedding garment?” Hindi nakasagot ang tao. Ibig sabihin alam niya na dapat may nararapat siyang suot para sa okasyon. He was not one who only lost his way into the feast. He intentionally did not prepare. Kaya ipinatapon siya at nagdusa siya sa labas.

Gusto ng Diyos na mapuno ang kanyang handaan. But we have to be prepared to take part in the feast. What does this garment symbolize? It is the garment of righteousness. We cannot come to God without righteousness lalung lalo na, na tayo na tinubos na ni Kristo, binigyan na ng Espiritu Santo, may kakayahan na tayo na maging matuwid, kung wala tayo nito nagpabaya na tayo. Wala tayong masasagot kapag tayo ay pinuna ng Diyos.

Meron tayong isang magandang awit sa Aklat ng mga Psalmo, Psalm 16. This is an entrance hymn before the people came into the temple to worship. Hayaan ninyong basahin ko ito sa inyo sa Pinoy version.

“Lord, sinong pwedeng pumasok sa temple mo? Sinong puwedeng mag-stay sa Banal mong Bundok? Yaong taong sumusunod sa Diyos sa lahat ng bagay, laging ginagawa kung ano ang tama at buong pusong nagsasabi ng totoo. Hindi niya sinisiraan ang iba. Di siya gumaagawa ng masama sa kaibigan at hindi nagkakalat ng tsismis tungkol sa kapwa. Ayaw niya ng mga ni-reject ng Diyos pero mataas ang tingin niya sa mga may takot kay Lord. Pag nangako siya, talagang gagawin niya, tutuparin niya iyun kahit gaano pa kahirap. Nagpapautang siya ngwalang interest, di siya tumatanggap ng lagay para idiin ang inosente. Ang taong ganito ang ginagawa, magiging matatag hindi matitinag.”

So, already in the Old Testament, there were conditions for joining the worship service. This condition is righteous living. Yes, God invites everyone to His feast. He wants all to be happy. But the blessings of the Lord are not cheap grace. We need to robe ourselves with the garments of justice and righteousness to be able to partake of the feast of the Lord.

Ngayong panahon ng pandemic, dasal tayo ng dasal sa Diyos. palagi nating dinadasal ang Oratio Imperata na ang ibig sabihin ang panalanging nagmamakaawa. Maraming mga rosaries ang ating dinadasal lalo na ngayong buwan ng Oktubre. Marahil naitatanong natin sarili, kailan pa mawawala ang virus na ito? Kailan pa darating ang mabubuting bagay na iaasahan natin? Papakinggan ba ng Diyos ang mga dasal natin?

Maganda at nagdadasal tayo at lumalapit sa Diyos. Kasama ba ng paglapit sa Diyos ay ang ating paglapit sa kapwa? Marami ang mga bagay, mga mabubuting bagay na inaalok sa atin ng Diyos. May kahandaan ba tayong tanggapin ang mga ito? Matatanggap ba natin ito na kasama ang iba?

The banquet is ready. The table is set. Let us participate in the good things the Lord is setting before us already in this life loaded with the garment of righteousness and justice. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)